Barangay Altura South

  • Home
  • Barangay Altura South
Directions

Barangay Altura South Features activities that are happening in Brgy. Altura South. A media to convey important announcements in the Barangay.

29/08/2026

Magandang Umaga mga Kanayon,
Dahil sa walang tigil na pag ulan, ang lahat po ay pinag iingat. Manatili na lamang po sa bahay kung wala naman pupuntahang importante,
Maghanda ng mga kakailanganing gamit kung sakali na mawalan ng kuryente..
Tumawag lamang po sa Sangguniang Barangay kung mangangailangan ng tulong...
Sama sama tayong manalangin na sana ay tumigil na ang pagbuhos ng ulan...
Salamat po..

08/08/2026

Magandang Umaga mga Kanayon,

Dahil sa walang tigil na pag ulan ay pinapayuhan ang lahat na mag ingat, maging handa at alerto anumang oras at subaybayan ang kalagayan ng panahon.

Manatili sa loob ng bahay kung wala namang pupuntahan o gagawin sa labas.

Maghanda ng mga kakailanganing gamit tulad ng emergency kit, emergency light o kandila, flashlight, icharge ang mga celphone, gamot at mga iba pang gamit.

Magpunta lamang po sa barangay o tumawag sa Sangguniang Barangay kung mangangailangan ng tulong...

Dalangin ko po ang kaligtasan nating lahat..
Magdasal po tayong lahat na tumigil na ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Maraming Salamat po.

02/08/2026

Magandang umaga po mga Kanayon,
Sa kadahilanan na nahina na ang daloy ng tubig sa ating mga kabahayan lalo na sa matataas na lugar ang bahay, ako po ay nagpa schedule na sa South Luzon upang mapalitan ang pump ng ating patubig at muling lumakas ito dahil nalalapit na ang ating kapistahan...

Ito po ang schedule:

August 4,2026
Martes
8:00am - 5:00pm

Ang lahat po ay pinapayuhan na mag ipon ng tubig
upang may magamit sa araw ng kanilang schedule..
Pakisabi na lamang sa inyong mga kapitbahay na walang facebook at hindi makakabasa nito.

Salamat po.

07/07/2026

Magandang gabi po mga Kanayon,

Paalala po sa lahat,

Maging handa at alerto po tayo sa paparating na bagyo..
Manalangin tayo na sana ay hindi tumama sa atin ang sentro nito...
Mag ipon po tayo ng tubig, kandila para sa brown out, flashlight, icharge ang mga celphone, ihanda ang iba pang mga gamiit n kakailanganin...

Pakisabihan na lamang po ang inyong mga kapitbahay na walang facebook na hindi makakabasa niyo.

Salamat po.

31/05/2026

Magandang Hapon po mga Kanayon,

Katatawag lamang po ng Manager ng South Luzon na tinawagan na daw nila lahat ng contact nilang contructor ngayon ay wala daw sila makuha dahil wala ang mga tao ng mga ito nagkataon pa na linggo.
Bukas daw ng umaga makakapunta ang contructor na gagawa para mabunot at mapalitan ang pump...

Humihingi din sila ng paumanhin dahil biglaan ang pagkasira at hindi din nila ito inaasahan..

Para sa inyong kaalaman...

Salamat po

31/05/2026

Magandang Hapon po mga Kanayon,

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasira ang impeller ng pump ayon sa technician ng South Luzon kaya nawalan tayo ng tubig, kaya kailangan bunutin ngayon ang pump para mapalitan...
Naghahanap na sila ng contructor na magpapalit ng pump at kung meron na ay bubunutin nila ito sa lalong madaling panahon anomang oras ngayon...

Hinihingi po ang pang unawa ng mga kanayon dahil biglaan na nasira ang pump...

Pakisabi na lamang po sa inyong mga kapitbahay na walang facebook na hindi makakabasa nito..

Salamat po.

31/03/2026

Magandang Umaga mga Kanayon,

Katatawag lamang po ng Manager ng South Luzon na HINDi daw matutuloy ngayon ang pagbunot ng pump ng ating tubig sa kadahilanan na nagkaroon daw ng problema ang kanilang gagamitin na boom...

Bukas po ang schedule:

April 1, 2026
Wednesday
8am - 5pm

Pede pa mag ipon para may magamit bukas...

Salamat po.

30/03/2026

Magandang Hapon po mga Kanayon,

Sa kadahilanan na humihina na ang daloy ng ating tubig sa mga kabahayan ay nakipag ugnayan po ako sa South Luzon na mapalitan ang pump ng ating tubig...
Ngayon 5pm lamang po ako naabisuhan at bukas na po ang schedule:

March 31, 2026
Martes
8am - 5pm

Pinapayuhan po na mag ipon ng tubig ngayong gabi upang may magamit bukas sa kanilang itinakda na schedule...
Pakisabihan na lamang po ang inyong mga kapitbahay na walang facebook na hindi makakabasa nito...

Salamat po.

15/01/2026

Magandang umaga po mga Kanayon,
Sa kadahilanan na mahina na ang daloy ng tubig sa ating mga kabahayan lalo na sa matataas na lugar ang bahay ay nagpa schedule na po ako para mapalitan ang pump upang muling lumakas ang ating tubig.

Narito po ang schedule:

January 16,2026
Friday
8am-5pm

Pinapayuhan ang lahat na mag ipon ng tubig upang may magamit sa kanilang itinakdang oras...
Pakisabihan na lamang po ang inyong mga kapitbahay na walang facebook na hindi makakabasa nito...

Maraming Salamat po.

09/11/2025

Magandang umaga po mga Kanayon,
Paalala po sa ating lahat na maging handa po tayo sa paparating na bagyo..maghanda po tayo ng ating kakailanganin kung sakali na mawalan tayo ng kuryente...kandila, mg charge ng cp at power bank, mag ipon ng tubig, flashlight, pagkain at iba p na kakailanganin...
Ang Sanggunian Barangay at mga Tanod ay nakamonitor sa Brgy.hall na kung my mangangailangan ng tulong ay nadine lamang po...
Mag ingat po tayong lahat...
Magdasal po tayo para sa kaligtasan natin lahat..

Salamat po.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Altura South posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share