Lungsod ng Palayan

  • Home
  • Lungsod ng Palayan
Call Directions Website Contact the organization

Lungsod ng Palayan Ang Kabisera ng Nueva Ecija
"PARA SA TULUYANG PAG-UNLAD NG PALAYAN, NOW NA!" Tungo sa bagong Palayan, NOW NA!

The vibrant capital city of Nueva Ecija as an investment friendly, agro-industrial and agro-tourism hub, in a well managed environment and an organized urban growth with God loving, family oriented, self-reliant, gender sensitive and dynamic Palayanos, guided by compassionate and strong-willed government.

09/10/2026

𝗣𝗔𝗟𝗔-𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝟲𝟭 𝗬𝗘𝗔𝗥𝗦 𝗢𝗙 𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 💛💚🌾
𝑴𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌… 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒂 𝒊𝒕𝒐? 💃👑👀

May mga kuwentong hindi kumukupas, mga tradisyong hindi nalilimutan, at mga pagdiriwang na kahit lumipas ang panahon ay nananatili sa puso ng bawat Palayano.
Sa pagdiriwang ng 𝟲𝟭𝘀𝘁 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 hindi lamang natin gugunitain ang makulay na kasaysayan, kultura, at pag-unlad ng ating lungsod—muli rin nating bubuhayin ang mga kaganapang minsang nagpasaya, nagbuklod, at nag-iwan ng masasayang alaala sa ating mga nakaraang pagdiriwang!

Ano kaya ang muling masasaksihan? Anong mga alaalang matagal nang hinihintay ang muling mabubuhay? At anong bagong kuwento ang sabay-sabay nating isusulat?

𝑴𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌. 𝑴𝒂𝒚 𝒎𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐. 𝑨𝒕 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚!
Ito na ang simula ng panibagong kabanata ng ating Pala-Alay. Abangan ang pagbubukas ng 𝗣𝗔𝗟𝗔-𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲 at ang mga pagbabalik na tiyak na muling magpapasigla sa puso ng bawat Palayano!
𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑷𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏𝒐, 𝒎𝒂𝒚 𝒌𝒖𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒍𝒂-𝑨𝒍𝒂𝒚! 𝑨𝒕 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌, 𝒎𝒂𝒚 𝒂𝒍𝒂𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚.

𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗞𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗜𝗠𝗨𝗧𝗔𝗡?

𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐉𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐄! Isinagawa kahapon ang 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧𝐞𝐬𝐞 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 kung saan ay ipinakita ng mga Nihongo Studen...
09/10/2026

𝐋𝐄𝐓'𝐒 𝐄𝐍𝐉𝐎𝐘 𝐉𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐄!

Isinagawa kahapon ang 𝐉𝐚𝐩𝐚𝐧𝐞𝐬𝐞 𝐂𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐈𝐦𝐦𝐞𝐫𝐬𝐢𝐨𝐧 kung saan ay ipinakita ng mga Nihongo Students ang kani-kanilang talento patungkol sa Japanese Culture.

Dinaluhan ito ng ating Sanggunian Member, 𝐊𝐠𝐠. 𝐌𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐭𝐚. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, City Administrator, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐎𝐥𝐠𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐞 𝐌. 𝐁𝐞𝐫𝐝𝐨𝐧, PESO-Palayan Head, 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐞𝐦 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐢𝐥𝐥𝐨, at PCIT Head, 𝐒𝐢𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐟𝐫𝐞𝐝𝐨 𝐂𝐨𝐫𝐩𝐮𝐳.

Nagkaroon dito ng Paprika Dance, Japanese Speech Contest, Janken Tournament, Hashi Game, Gyaku Game, Yatai Culture Experience, Japanese Modelling, at Karaoke Taikai na talagang ikinamangha ng mga magagaling na hurado. Tampok din dito ang mga masasarap na Japan Delicacies na tinangkilik ng ating mga Lingkod Bayani.


𝗙𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧𝗠𝗔𝗥𝗘: 𝗔 𝗦𝗣𝗢𝗢𝗞𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗜𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚! 👻🎃Get ready for a night of costumes, creativity, treats, and spooky fun at the...
09/10/2026

𝗙𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧𝗠𝗔𝗥𝗘: 𝗔 𝗦𝗣𝗢𝗢𝗞𝗟𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 𝗜𝗦 𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚! 👻🎃
Get ready for a night of costumes, creativity, treats, and spooky fun at the Palayan City Park! 🕸️🧟‍♀️

Join us on 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲, starting at 𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗮𝗿𝗸 𝗮𝗻𝗱 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 for a frightfully fun evening for everyone! 🧙‍♀️🎃

✨ 𝗪𝗵𝗮𝘁’𝘀 𝘄𝗮𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂?
👻 Halloween Costume Contest
•𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 (12 years old and below)
•𝗧𝗲𝗲𝗻 & 𝗔𝗱𝘂𝗹𝘁 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆 (13 to 59 years old)
•𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆(3 Person)
🎃 𝗦𝗽𝗼𝗼𝗸𝘆- 𝗧𝗵𝗲𝗺𝗲𝗱 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗦𝘁𝗮𝗹𝗹 𝗠𝗮𝗸𝗲-𝗢𝘃𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻
📲 𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘄 𝗼𝗽𝗲𝗻!
📌 Below are the 𝗴𝘂𝗶𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀, 𝗺𝗲𝗰𝗵𝗮𝗻𝗶𝗰𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗶𝘇𝗲𝘀 for each competition. Be sure to check the details, prepare your spookiest look or most creative stall design, and get ready to join the fun!
𝗧𝗵𝗶𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝗶𝘁 𝘁𝗮𝗸𝗲𝘀 𝘁𝗼 𝘀𝘁𝗲𝗮𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗽𝗼𝘁𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁?
Whether you’re dressing to scare, slay, or simply have fun, this is your night! 𝐂𝐨𝐦𝐞 𝐝𝐫𝐞𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐢𝐦𝐩𝐫𝐞𝐬𝐬, 𝐛𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐞𝐱𝐩𝐞𝐫𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐚 𝐒𝐩𝐨𝐨𝐤𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐧𝐨 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫! 🕷️🌙

𝗧𝗵𝗲 𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗶𝘀 𝗰𝗮𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴… 𝗪𝗶𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗮𝗿𝗲 𝘁𝗼 𝗷𝗼𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗙𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧𝗠𝗔𝗥𝗘? 👻🎃
📍 Palayan City Park & Night Market
📅 October 30, 2026 | 5:00 PM onwards
⏳4:00PM to claim your Number

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐬𝐲𝐜𝐡𝐢𝐚𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲! Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng bawat Palayan...
09/10/2026

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐬𝐲𝐜𝐡𝐢𝐚𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲!

Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng bawat Palayano, ang Pamahalaang Lungsod ng Palayan sa pangunguna ng ating butihing punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬 ay nag-aanyaya para sa 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐏𝐬𝐲𝐜𝐡𝐢𝐚𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.

Mga iskedyul para sa buwan ng Setyembre:
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔: (𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟏𝟐 𝐍𝐍)
𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔: (𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟏𝟐 𝐍𝐍)
Lugar: 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐨𝐮𝐧𝐝

Maaaring mag walk-in ngunit mas hinihikayat ang lahat na magpa-appointment. Ang mga magpapa-schedule ay maaaring magtungo sa City Health Office at hanapin sina 𝐃𝐫𝐚. 𝐒𝐡𝐞𝐢𝐥𝐚 𝐅𝐥𝐨𝐫𝐞𝐬 o 𝐍𝐮𝐫𝐬𝐞 𝐑-𝐖𝐞𝐧 𝐉𝐨𝐲 𝐃𝐚𝐧𝐢𝐩𝐨𝐠 𝐕𝐞𝐫𝐚, o kaya naman ay si 𝐒𝐢𝐫 𝐈𝐫𝐨𝐳 𝐒𝐨𝐫𝐢𝐚𝐧𝐨 sa City Mayor's Office, 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬, 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐢𝐤𝐚-𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐤𝐚-𝟓:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 o kaya naman ay magsagot dito sa appointment link:
https://sites.google.com/view/nigcomerce/fsafas...

Piliin lamang sa date kung 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 o 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 ang inyong nais na schedule para magpakonsulta.
Huwag kalimutang alagaan hindi lamang ang ating pisikal na kalusugan, kundi pati na rin ang ating kalusugang pangkaisipan.


Isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Palayan ang pagkakamit ng 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨 (𝟑𝐫𝐝 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞) sa 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐁𝐀𝐘𝐚𝐧𝐢 𝐀𝐰𝐚𝐫...
08/10/2026

Isang malaking karangalan para sa Lungsod ng Palayan ang pagkakamit ng 𝐈𝐤𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨 (𝟑𝐫𝐝 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞) sa 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐁𝐀𝐘𝐚𝐧𝐢 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐧𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟓 – 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐚𝐭𝐞𝐠𝐨𝐫𝐲 bilang resulta ng isinagawang 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐔𝐧𝐢𝐭 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐢𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐋𝐆𝐔𝐂𝐀) para sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program.

Ang naturang Regional Award ay iginawad ng 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐫 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐃𝐈𝐋𝐆) 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐈𝐈, bilang pagkilala sa mga lokal na pamahalaang may mahusay na pagpapatupad ng mga programa at hakbang para sa pangangalaga at rehabilitasyon ng kapaligiran.

Sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Division sa pangunguna ni 𝐌𝐬. 𝐀𝐧𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐏. 𝐁𝐨𝐧𝐠𝐜𝐚𝐰𝐢𝐥, patuloy na isinasagawa ng Lungsod ng Palayan ang mga programa para sa wastong pamamahala ng solid waste, pangangalaga ng likas na yaman, pagpapanatili ng kalinisan, at pagpapalakas ng environmental governance, sa ilalim ng pamumuno at suporta ng ating Punong Lungsod, 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬. Nakasama rin sa pagkilala na ito si 𝐌𝐚'𝐚𝐦 𝐊𝐚𝐫𝐥𝐚 𝐍𝐚𝐥𝐝𝐢𝐧𝐞 𝐂. 𝐑𝐨𝐧𝐜𝐞𝐬𝐯𝐚𝐥𝐥𝐞𝐬, CLGOO-DILG Palayan.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng mahusay na pamamahala, koordinasyon, pagtutulungan, at patuloy na pagsasagawa ng mga programang pangkalikasan. Ito ay magsisilbing dagdag na inspirasyon upang higit pang mapahusay ang mga hakbang tungo sa isang malinis, ligtas, at sustenableng Lungsod ng Palayan.


Sa aming kagalang-galang na City Vice Mayor 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐫𝐢𝐜 𝐒. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐧𝐩𝐢𝐧, ang Lungsod ng Palayan ay masayang bumabati sa iyo...
08/10/2026

Sa aming kagalang-galang na City Vice Mayor 𝐇𝐨𝐧. 𝐑𝐨𝐦𝐚𝐫𝐢𝐜 𝐒. 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐧𝐩𝐢𝐧, ang Lungsod ng Palayan ay masayang bumabati sa iyo ng Maligayang Kaarawan!

Maraming salamat po sa walang sawang pagsuporta sa proyektong makakatulong sa Lungsod at sa Palayanos. Saludo po kami sa inyong hindi matatawarang dedikasyon sa pagseserbisyo at paglilingkod 🫡


Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 sa ating lungsod, nagsagawa ang lokal na pamahalaan sa pangungun...
06/10/2026

Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 sa ating lungsod, nagsagawa ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬 ng 𝐏𝐫𝐞-𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 para sa 𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔 na siyang pinamunuan ni 𝐒𝐢𝐫 𝐅𝐞𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝 𝐇𝐢𝐥𝐚𝐝𝐨 mula sa 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞.

Dinaluhan ito ng mga 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬, 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐬 at 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐬 sa pangunguna ni 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐎𝐥𝐠𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐞 𝐌. 𝐁𝐞𝐫𝐝𝐨𝐧, 𝐏𝐍𝐏, at 𝐁𝐅𝐏 at iba pang kawani na saklaw ng CDDRMC Council - El Niño Task Force. Ito ay upang matiyak ang maagap na pagtugon ng bawat tanggapan sa anumang maaaring dulot nito.


Matagumpay na naisagawa ang 𝐏𝐢𝐬𝐨 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 kahapon, ika-5 ng Oktubre na dinaluhan ng ating punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢...
06/10/2026

Matagumpay na naisagawa ang 𝐏𝐢𝐬𝐨 𝐂𝐚𝐫𝐚𝐯𝐚𝐧 kahapon, ika-5 ng Oktubre na dinaluhan ng ating punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬 kasama ang 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐜𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐜 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐯𝐞𝐬𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐋𝐄𝐃𝐈𝐏𝐎) sa pamumuno ni 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐅𝐞𝐫𝐜𝐢𝐥𝐲𝐧 𝐆𝐫𝐨𝐬𝐩𝐞. Ang programang ito ay naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa wastong pagkilala, paggamit, at pangangalaga sa ating salapi.

Nagkaroon din ng 𝐊𝐧𝐨𝐰 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐌𝐨𝐧𝐞𝐲 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫 na pinangunahan ni 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐨𝐞𝐥 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧 mula sa 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 (𝐁𝐒𝐏) – 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐮𝐚𝐧, kung saan naibahagi ang mahahalagang kaalaman tungkol sa pagkilala sa tunay na pera at pag-iwas sa pekeng salapi.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga nais na magpapalit ng luma, marumi, o punit na pera at mga baryang naipon bilang bahagi pa rin serbisyong hatid ng Piso Caravan.


Matagumpay na naisagawa ang 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦...
05/10/2026

Matagumpay na naisagawa ang 𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥, 𝐚𝐭 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 sa Kalayaan Hall, City Hall Compound nitong ika-1 ng Oktubre sa pangunguna ng ating minamahal na punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬 katuwang ang 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 sa pangunguna ni 𝐀𝐫𝐜𝐡. 𝐌𝐚𝐫𝐠𝐚𝐫𝐢𝐭𝐚 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐞𝐬. Dinaluhan ito ni SP Committee on Finance, Budget and Appropriations 𝐊𝐠𝐠. 𝐌𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐭𝐚. 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚, mga representative mula sa 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐞𝐭𝐲 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, mga 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲, mga 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐝𝐬, at mga 𝐤𝐚𝐰𝐚𝐧𝐢 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐤𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐲𝐞𝐤𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐚𝐤𝐭𝐢𝐛𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐑𝐞𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐨𝐧 𝟐𝟎% 𝐏𝐫𝐢𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 (𝟐𝟎𝟐𝟓 & 𝟐𝟎𝟐𝟔), 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐨𝐬𝐞𝐝 𝐅𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟕 𝟐𝟎% 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐨𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭, 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐒𝐢𝐭𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 / 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬, 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐮𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞𝐬, 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐨𝐬𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 & 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐒𝐚𝐟𝐞𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐅𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟕, at iba pang proyektong tiyak na mapakikinabangan ng bawat Palayano.


Ngayong araw, ika-5 ng Oktubre ay nagkaroon ng pag-iisang dibdib ang magkasintahan upang ipahayag ang kanilang pangako n...
05/10/2026

Ngayong araw, ika-5 ng Oktubre ay nagkaroon ng pag-iisang dibdib ang magkasintahan upang ipahayag ang kanilang pangako ng pag-ibig sa isa’t isa.

Pinangunahan at pinagtibay ang kasalan ng ating minamahal na punong lungsod 𝐊𝐠𝐠. 𝐕𝐢𝐚𝐧𝐝𝐫𝐞𝐢 𝐍𝐢𝐜𝐨𝐥𝐞 𝐉. 𝐂𝐮𝐞𝐯𝐚𝐬 katuwang ang 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐫 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫 sa pangunguna ni 𝐌𝐚’𝐚𝐦 𝐋𝐨𝐫𝐢𝐛𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐃𝐞 𝐆𝐮𝐳𝐦𝐚𝐧.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang kwento ng pag-ibig sa nakararami na ang kasal ay hindi lamang selebrasyon kundi isang panghabangbuhay na pangako ng respeto, katapatan, at walang hanggang pagmamahal.

Best Wishes at Mabuhay ang mga Bagong Kasal!


Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lungsod ng Palayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Lungsod ng Palayan:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share