22/07/2026
𝙇𝙄𝙂𝙏𝘼𝙎 𝙏𝙄𝙂𝘿𝘼𝙎: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA)
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang at guardian na pabakunahan ang inyong mga anak na edad 6–59 months (below 5 years old) laban sa Tigdas at Rubella (Tigdas Hangin) sa pamamagitan ng MR-SIA Vaccination Program. Ito po ay bahagi ng nationwide immunization campaign ng Department of Health.
Ang pagbabakuna ay mahalagang proteksyon laban sa malubhang sakit, pagkaka-ospital, at iba pang komplikasyong dulot ng tigdas at rubella.
Mga Paalala:
Dalhin ang child health booklet o vaccination card kung mayroon
Libre po ang bakuna
Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers para sa karagdagang impormasyon
Magpabakuna para sa ligtas at malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan!
Kitakits!