SK Federation Victoria, Laguna

  • Home
  • SK Federation Victoria, Laguna
Directions

SK Federation Victoria, Laguna The Official FB Page of Sangguniang Kabataan Federation of Victoria, Laguna

16/12/2021
16/12/2021

IDINEKLARA NA PERSONA NON GRATA O BANNED SA SWITZERLAND SI FERDINAND MARCOS SR. AT ANG KANYANG BUONG PAMILYA

Makamandag ang epekto ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga institusyon ng iba't ibang bansa. Sinisi ng marami ang US sa matagal nitong pagkunsinti kay Marcos sa pang-aabuso niyang ginawa sa bayan. Nabulabog maging ang mga korte nila, at ang kanilang mga policies na parang naging unconditional support sa repressive regimes gaya ng kay Marcos, ay kinailangang i-revise. Dinagdagan ng human rights at anti-corruption elements ang kanilang foreign policy dahil sa leksyon mula sa Marcos regime.

Napaso din ang Japanese government. Nagkaroon sila ng political crisis nung nabulgar ang sistema ng pagkokotong ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga Japanese corporations. Ang mga corporations kuno, na ma-aawardan ng infrastructure development contract sa ilalim ng Japanese Reparation Fund para sa World War II damage and death ng mga Pilipino, ay hinihingan ni Marcos ng 15% commission. Idinedeposito naman ang kotong na ito sa HongKong branches ng secret Swiss bank accounts ni Marcos. Tinawag tuloy ang season na iyon as the season of the Marcos Diet (Japanese Parliament) dahil hiyang-hiya ang gobyerno sa malawakang pagnanakaw ni Marcos sa pera ng mga Hapones, na pang-repair sana ng relasyon ng mga Hapon sa napinsala nilang mga Pilipino. Kalahating milyon ang namatay sa giyerang iyon. Naipost na natin ito dati.

Sino namang mag-aakala na pati ang Switzerland, ay tatanggihan ang anumang association with Ferdinand Marcos Sr., eh sila ang pasimuno ng secret banking na gustong-gusto ni Ferdinand at Imelda? Hiyang-hiya ang mga Swisso sa krimen na nagawa sa mga Pilipino ng kliyente nilang si Marcos.

Kaya't nung sinabi ni Marcos na gusto niyang lumipat mula sa Hawaii at manirahan sa Switzerland noong 1986, ang sinabi ng gobyerno nila ay: No Way!

Nagkagulo ang Swiss government at banking sector nung nagkabistuhan na ginamit sila nang husto upang ikubli sa mga Pilipino ang ninakaw na mga yaman ng mga Marcos. Bago ito ay na-ban din ng Switzerland ang isa pang diktador na si Haiti dictator Jean-Claude Duvalier.

Basahin niyo po ang announcement na ito na PERSONA NON GRATA si Ferdinand Marcos, Sr. at ang kaniyang buong pamilya sa Switzerland.

May kinalaman kaya ang pagtakbo ni MARCOS, JR. BILANG PANGULO SA ENTRY BAN NA ITO O ANUMANG REMAINING RESTRICTIONS O ISSUES NG PAMILYA MARCOS WITH THE SWISS GOVERNMENT AT SWISS BANKS? NA-LIFT NA BA ANG FREEZE ORDER NG SWISS GOVERNMENT SA LAHAT NG ACCOUNTS NILA? Parang wala tayong nababalitaan from our government on that score.

TANDAAN PO NATIN, SA ILALIM NG ANTI-ILL-GOTTEN WEALTH LAW, WALANG TIME LIMIT O PRESCRIPTION ANG PAGHABOL NG PILIPINAS SA ILL-GOTTEN WEALTH.

-------------

🔍 MARCOS NOT WELCOME IN SWITZERLAND
https://www.upi.com/Archives/1986/11/20/Marcos-not-welcome-in-Switzerland/4818532846800/?fbclid=IwAR0aK1H1yhCIdnZu5YDGR6k9jjpf5bfxfpIkeEoenmDyFpA8dsRWHT0ADjE

🔍 REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY
PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE
PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955
https://www.ombudsman.gov.ph/docs/republicacts/Republic_Act_No_1379.pdf

04/12/2021

BAKIT KAILANGANG UNAWAIN ANG NAKARAAN?

Para hindi na maulit ang mga malalaking pagkakamali sa ating bayan.

Binigyan tayo ng magagandang pagkakataon ng Diyos:

1. Na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesus — magpasakop sa Kanya, makaugnayan Siya, at mabuhay tayo na punong-puno ng kabutihan at pag-asa mula sa Kanya, hindi lamang sa kabilang-buhay, kundi pati sa pang-ngayon;

2. Na mabasa ang Salita Niya at sundin ang mga ito, hindi lamang sa mga pribadong aspeto ng ating buhay, kundi pati sa pagbuo ng ating mga institusyon at sa paraan ng pamamahala sa lipunan;

3. Na sumunod sa yapak ng ating mga ninunong bayani, na hindi inaalala ang magsakripisyo para sa kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhan;

4. Na magtatag ng pinakaunang constitutional democratic government sa pamamagitan ng Malolos constitution;

5. Na matuto sa ating mga manunulat na bayani gaya ni Jose Rizal, Andres Bonifacio at Apolinario Mabini sa mga elemento ng pagtatatag ng character at kakayahan ng mga Pilipino na kailangan sa pagbubuo ng isang tunay na mapagpalingap na bansa, lalo na ang mga long-term elements na kailangang i-develop gaya ng edukasyon at mapagpalayang pag-iisip;

6. Na maunawaan ang mga institutional requirements ng isang modern democracy — na may pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino sa exposure natin sa modern democracies ng iba't ibang bansa, at sa pagbibigay sa atin ng 1987 Constitution na compatible sa ating pagkaunawa sa sarili natin bilang God-conscious, at community and family-oriented;

7. Na gulatin at pahangain ang buong mundo — na kumikilos sa kalagitnaan natin ang Diyos, nang pumalakpak ito sa first bloodless People Power revolution in history noong 1986;

8. Na maging appreciated sa buong mundo for our talents and skills kahit takang-taka sila kung bakit from the mid-1970’s onwards, bumulusok na tayo pababa economically except for a short period of time in the previous decade;

At dahil sa mga opportunities na hindi natin na-exploit for our full advantage as a people, we must review and learn anew the lessons of the past. Sa Bible, sobrang importante ang “memorial stones” so that the people of God would not forget the lessons of the past. Pag-uusapan natin ito further much later.

Anong sabi nila: “Kung hindi natin maaalala ang nakaraan, ay condemned na tayo na maulit ito.” (Those who do not learn history are doomed to repeat it. - attributed to philosopher George Santayana)

💪💪💪 LABAN PINAS!
02/12/2021

💪💪💪 LABAN PINAS!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Federation Victoria, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share