Velly Vanne Somosierra

  • Home
  • Velly Vanne Somosierra
Directions

Velly Vanne Somosierra Lingkod Bayan

Maligayang Kaarawan, Purok President Evelyn Oliver Gerardino 🎂💐Maraming salamat po sa imbitasyon. Sa espesyal na araw mo...
05/09/2026

Maligayang Kaarawan, Purok President Evelyn Oliver Gerardino 🎂💐

Maraming salamat po sa imbitasyon. Sa espesyal na araw mo, nais ko pong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa paglilingkod sa ating purok. Kahit walang sahod, patuloy pa rin kayong nagbibigay ng oras, lakas, at malasakit para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Bilang isang masipag at mabuting Purok President, saludo po ako sa inyong walang sawang paglilingkod. Hindi man palaging nakikita o napapansin ang lahat ng inyong ginagawa, malaking bagay po ang inyong kontribusyon sa ating komunidad. ❤️

Nais ko rin pong humingi ng pasensya sa aking mga pagkukulang at maraming-maraming salamat sa inyong pag-unawa, kabaitan, at pasensya sa akin. Lubos ko pong pinahahalagahan ang inyong pagiging maunawain.

Sa inyong kaarawan, ang aking dalangin ay pagkalooban pa kayo ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, kalakasan, kaligayahan, at mas marami pang blessings na tunay ninyong deserve.

Happy Birthday, President Evelyn!
Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod. Patuloy po kayong maging inspirasyon sa ating komunidad. ❤️

God bless you always! Mahal kitaaaa stay gwapa 🥰

Pabasa sa Nutrisyon at City Woods Day Care Center 💖
05/09/2026

Pabasa sa Nutrisyon at City Woods Day Care Center 💖

Pabasa sa Nutrisyon at Little Twin Heart Day Care Center! 💖
03/09/2026

Pabasa sa Nutrisyon at Little Twin Heart Day Care Center! 💖

27/08/2026

𝗣𝗥𝗔𝗬 𝗙𝗢𝗥 𝗡𝗘𝗣𝗔𝗟🙏

Nakikiramay tayo sa mga naapektuhan ng mapaminsalang pagbaha sa Nepal.

Nawa’y maging ligtas ang bawat isa, matagpuan ang mga nawawala, at bigyan ng lakas at pag-asa ang mga pamilyang dumaranas ng pagsubok.

Our thoughts and prayers are with Nepal. 🕊️

21/08/2026

Good day!

What: PWD Allowance
When: August 22, Saturday
Where: Sicsican High school gym

Time: 5 am

5 am po ang call time ntin...i prepare po ang ating photo copy ng ating PWD with 3 signature at syempre may signature ko rin at sa may SPA at Affidavit of guardianship yung guardian dapat may 3 signature din at signature ng president...dpat po nag almusal na rin kayo at magbaon ng tubig..

Nagpapabatid: PWD President Christopher Bonete

Mga kinakailangang Dokumento sa pagkuha ng Senior Citizens Quarterly Allowance, ibinaba ng OSCA kahapon. Kung may katanu...
21/08/2026

Mga kinakailangang Dokumento sa pagkuha ng Senior Citizens Quarterly Allowance, ibinaba ng OSCA kahapon. Kung may katanungan pumunta lamang po ngayon sa Opisina ng Senior Citizens sa Barangay bukas po ito ngayon upang i-assist po kayo.

Bukas na po August 22, 2026 ang schedule ng release ng allowances.

Sa mga nagtatanong po kung bakit po ako ang nagpopost ng mga announcement gaya nito.

Tayo po ang tinalaga ng ating PB Bobby Parangue bilang Chairman ng Committee on Social Services (Senior Citizens, Solo Parent, PWD and Day Care) Salamat po 💖

17/08/2026

PABATID: Sa lahat po ng Senior Citizens ng Barangay Sicsican

ANO: City Allowance Payout

KAILAN: August 22, 2026 araw ng Sabado start po ng 9:00 am.

SAAN: Sicsican National High School

Requirements: 3 photocopies ng OSCA ID colored na may 3 signatures sa gitna at papirmahan sa ating President. Sa mga bedridden at may sakit kumuha po ng Authorization form sa ating Vice President.

Maraming Salamat po and GOD bless.

PABATID mula sa pamunuan ng BSSCA - PPC

Noon, isa rin ako sa mga batang nakatayo sa entabladong ito—may pangarap, may kaba, at buong pusong handang maglingkod. ...
15/08/2026

Noon, isa rin ako sa mga batang nakatayo sa entabladong ito—may pangarap, may kaba, at buong pusong handang maglingkod. Sa mismong Sicsican Elementary School nagsimula ang aking unang hakbang sa pamumuno bilang SSG President.

At ngayong araw, isang napakalaking karangalan na makabalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, hindi na bilang estudyante, kundi bilang isa sa mga pinagkatiwalaang manguna sa panunumpa ng mga bagong halal na SELG officers.

Nakakatuwang isipin na ang entabladong minsang naging saksi sa aking mga unang pangarap ay saksi rin ngayon sa panibagong henerasyon ng mga batang handang manguna at maglingkod.

Mula sa batang minsang nangarap sa entabladong ito, ngayon ay bahagi na ng paghubog sa mga batang susunod na mangangarap at mamumuno 💙

Congratulations din po sa mga bagong halal na Homeroom Officers at SPTA Officers sa pangunguna ni President Christine Guimeroy hangad po natin ang isang maayos na taon ng panunungkulan para sa ikabubuti ng ating paaralan at mga kabataan.

# # #

Pabasa sa Nutrisyon  Day Care Center with BNS Ailyn Labutoy, Rovette Remo, Ana Salon & Thess LaganThank you CDW Ma’am Ma...
14/08/2026

Pabasa sa Nutrisyon Day Care Center with BNS Ailyn Labutoy, Rovette Remo, Ana Salon & Thess Lagan

Thank you CDW Ma’am Maricel Paduga.

08/08/2026

PABATID: Sa mga Senior Citizens ng Barangay Sicsican na tumatanggap ng Social/National Pension...

Schedule po ng payout August 11, 2026 araw ng Martes, start po ng 7:00 am onwards. Gaganapin po sa Barangay Hall covered court.

Sa mga beneficiary na meron Authorization, Health Certification and Warranty, schedule nyo po ay alas 2:00 ng hapon.

Pumunta sa Office on Monday August 10, 2026 pra claim nyo po ang inyong stub pra sa payout. Maraming Salamat po.

PABATID mula sa pamunuan ng BSSCA - PPC

Address


5300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Velly Vanne Somosierra posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share