25/08/2026
TINGNAN || 4-H Club, isinasagawa ang Hands-On Training sa Vegetable Seedling Propagation
Isinasagawa ngayong araw ang “Sprouting Success: Hands-On Training in Vegetable Seedling Propagation and 4-H Club Organization” sa Vila Concepcion National High School, sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng Cauayan City at sa suporta ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni School Principal Mr. Elizalde C. Suguitan.
Layunin ng programa na mapaunlad ang kaalaman at praktikal na kasanayan ng mga kabataan sa vegetable seedling propagation, gayundin ang pagpapalakas ng organisasyon at aktibong pakikilahok ng mga miyembro ng 4-H Club.
Bahagi ng isinagawang programa ang opening prayer, Pambansang Awit, pagkilala sa mga kalahok, welcome remarks, at overview ng training. Kabilang sa mga nanguna sa programa ang mga kinatawan mula sa pamahalaang lokal ng Cauayan City at mga kawani ng sektor ng agrikultura.
Nagbigay ng welcome remarks si Mr. Elizalde C. Suguitan, Assistant Secondary School Principal II ng Vila Concepcion National High School, na nagpahayag ng suporta sa naturang programa at sa mga gawaing naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng agrikultura.
Samantala, ibinahagi ni Ms. Dovista T. Acierto, Senior Agriculturist ng Cauayan City, ang overview ng pagsasanay, habang si Engr. Ricardo V. Alonzo, City Agriculturist, ay kabilang sa mga nanguna sa pagkilala sa mga kalahok.
Nagpaabot din ng mensahe sina Hon. Caesar S. Dy, Jr., City Mayor ng Cauayan City; Hon. Rufino C. Arcega, City Councilor at Committee on Agriculture; EnP Juanito D. Mallillin, Jr., LCPC Focal Person/CPDO; at Mr. Ronaldo D. Viloria, CDRRM Officer.
Sa pamamagitan ng hands-on na pagsasanay, inaasahang magkakaroon ang mga kabataan ng dagdag na kaalaman sa wastong pagpaparami at pag-aalaga ng mga punla ng gulay. Higit pa rito, layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na pahalagahan ang agrikultura, food production, at sustainable gardening bilang mahalagang bahagi ng kanilang pag-unlad at pakikilahok sa komunidad.
Ang naturang programa ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng LGU Cauayan City at Vila Concepcion National High School upang mabigyan ang kabataan ng mga kasanayang maaari nilang magamit sa paaralan, tahanan, at komunidad.