07/10/2026
𝐃𝐀𝐘 𝟏 | 𝟏,𝟗𝟏𝟑 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐎𝐒𝐀𝐍𝐎𝐍, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆-𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 “𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆”
ALEOSAN, COTABATO — Isinagawa ngayong araw ang unang tranche ng pamamahagi ng rice assistance sa ilalim ng “Bawat Bayan Makikinabang” Rice Assistance Program, na nagbigay ng tulong sa kabuuang 1,913 pamilya mula sa apat na barangay ng Aleosan.
Bawat benepisyaryong pamilya ay tumanggap ng 10 kilo ng bigas bilang bahagi ng programa ng pamahalaan na naglalayong makatulong sa mga pamilyang nangangailangan, kabilang ang mga low-income at near-poor families, at matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pagkain.
Saklaw ng unang tranche ang mga sumusunod na barangay:
• Palacat – 331 pamilya
• Pentil – 459 pamilya
• Lawili – 639 pamilya
• Cawilihan – 484 pamilya
Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Government of Aleosan, sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Eduardo C. Cabaya, MPA, kasama si Municipal Vice Mayor Hon. Felimon C. Cayang, Jr., mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga Punong Barangay at Barangay Council ng mga benepisyaryong barangay.
Pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at General Services Office (GSO) ang proseso ng pamamahagi, katuwang ang mga kawani ng munisipyo at barangay upang matiyak ang maayos at episyenteng pagpapatupad ng programa.
Magpapatuloy ang pamamahagi sa susunod na batch upang maihatid ang rice assistance sa iba pang mga kwalipikadong benepisyaryo sa Municipality of Aleosan.
Patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng agarang suporta at tumutugon sa pangangailangan sa pagkain ng mga pamilyang Aleosanon.