25/10/2026
PINK FAIR: Celebrating Strength, Embracing Hope! 🎀
Matagumpay nating naisagawa ang Pink Fair bilang pakikiisa sa Breast Cancer Awareness Month sa pamamagitan ng Project HOPE of Maria Nancy Socrates.
Sa programang ito, nagkaroon tayo ng makabuluhang talakayan tungkol sa breast cancer, kabilang ang mga maagang senyales, mga paraan upang mabawasan ang panganib, at ang kahalagahan ng maagang pagtuklas at tamang paggamot upang mailigtas ang mas maraming buhay.
Taos-puso ang ating pasasalamat sa Team SPS youth sa pagbuo ng makabuluhang programang ito; sa SM City Puerto Princesa sa pagpapagamit ng venue; sa ating mga resource speakers na sina Dra. Chona Sibal (OB-GYN), Dra. Marissa Marcial (OB-GYN), Dra. Jakes Panggat (Oncology), at Ms. Judith Canoy; at sa ating mga booth partners na Red Cross Palawan Chapter, City Health Office, at Puerto Princesa Chemotherapy Center.
Maraming salamat din sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa ating programa. Sama-sama nating palawakin ang kamalayan, palakasin ang loob ng bawat isa, at patuloy na maghatid ng pag-asa sa ating komunidad. 💗
Dahil sa maagang kaalaman at pagkilos, mas maraming buhay ang maaaring mailigtas.