Muntinlupa City Nutrition Committee

  • Home
  • Muntinlupa City Nutrition Committee
Directions

Muntinlupa City Nutrition Committee Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Muntinlupa City Nutrition Committee, Government Organization, .

𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐁𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐋𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦Patuloy na inaalalayan ng Pamahalaang Lungsod ang mga batang Muntinlupeño n...
22/10/2026

𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐁𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐋𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦

Patuloy na inaalalayan ng Pamahalaang Lungsod ang mga batang Muntinlupeño na lumaking malusog at manatiling matatag sa pamamagitan ng Kalingang Munti Busog Lusog Nutrition Program.

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Community-Based Feeding Program sa iba't ibang barangay sa pangunguna ng Muntinlupa Gender And Development (GAD) Office, katuwang ang Social Services Department (SSD), Muntinlupa City Nutrition Committee, at iba pang tanggapan ng lungsod. Layunin nitong matulungan ang mga batang Muntinlupeño na magkaroon ng sapat na nutrisyon para lumaking malusog, masigla, at handang matuto.

Bahagi ito ng 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, na patuloy na nag-iinvest sa kalusugan at mas magandang future ng bawat batang Muntinlupeño sa pamamagitan ng mga programang may malasakit at inklusibo.

𝐒𝐍𝐀𝐏 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚Mahigit 750 packs ng bigas at gulay ang inilaan sa unang linggo ng d...
21/10/2026

𝐒𝐍𝐀𝐏 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐛𝐚’𝐭 𝐈𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚

Mahigit 750 packs ng bigas at gulay ang inilaan sa unang linggo ng distribusyon ng Sustainable Nutrition Augmentation Program (SNAP) ngayong taon para sa mga batang benepisyaryong nangangailangan ng sapat na nutrisyon.

Kabilang sa mga beneficiaries ang mga batang natukoy na severely wasted at undernourished o may kakulangan sa timbang at nutrisyon. Sa loob ng 12 linggo, magpapatuloy ang pamamahagi ng bigas at gulay upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain at masuportahan ang kanilang paglaki at kalusugan.

Kabilang sa mga lugar na makatatanggap ng tulong mula sa programa ang mga sumusunod na komunidad:

District 1
📍 Prk. 1 Blk. 1, Bayanan
📍 Ginintuang Paraiso, Bayanan
📍 San Guillermo, Putatan
📍 Holy Grace, Putatan
📍 Sitio Lambunao, Putatan
📍 Greenheights, Putatan
📍 SV3, Poblacion
📍 Makabuhay, Poblacion
📍 Sitio San Antonio, Poblacion
📍 Rizal St., Poblacion
📍 Sacristia, Poblacion
📍 Victoria Homes, Tunasan
📍 Buendia St., Tunasan

District 2
📍 7C, Alabang
📍 Sitio Sto. Niño, Cupang
📍 Sunrise, Cupang
📍 On-Site, Buli
📍 Upper Sucat
📍 Bagong Silang
📍 Sitio Pagkakaisa

Bahagi ang SNAP ng mga programang pangnutrisyon na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ng Muntinlupa Gender And Development Office bilang miyembro ng Muntinlupa City Nutrition Committee, alinsunod sa 7K Agenda ni Mayor Ruffy Biazon, sa ilalim ng Kalusugan. Layunin nitong makatulong sa mga pamilyang Muntinlupeño at mapangalagaan ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata.



📸: GAD Office

TINGNAN: GABAY BUNTIS WEEK 2 (BATCH 3) : "UNANG YAKAP" - Ang unang Yakap ay isang simple at evidence-based intervention ...
21/10/2026

TINGNAN: GABAY BUNTIS WEEK 2 (BATCH 3) : "UNANG YAKAP" - Ang unang Yakap ay isang simple at evidence-based intervention na makakatulong sa pagtiyak ng kaligtasan ng bagong silang na sanggol.

Pinangunahan ng Barangay Nutrition Committee - Bayanan ang programa para sa Dagdag kaalaman sa bawat magulang.

Ang National Project Chairman ng Children's First 1000 Days Coalition (CFDC), Rotary Club of Makati, ServeQuest at Ladies for a Cause ay pinamunuan ang makabuluhang gawain ng ikatlong batch ng Gabay Buntis (Bayanan Pregnant Care Group), katuwang ang ating masipag na Punong Barangay Kap. Engr. Athan Gutierrez kasama ang Sangguniang Barangay ng Bayanan, gayundin ang mga kinatawan mula sa Barangay Nutrition Committee - Bayanan, Bayanan City Health Office at Bayanan Health Center Main.

Naniniwala tayo na ang pangangalaga sa bata at ina ay nagsisimula pa lamang sa sinapupunan ng ina. Sa unang 1000 araw ng buhay ng bata, mahalaga ang tamang nutrisyon, gabay, at suporta upang masiguro ang malusog na kinabukasan ng bawat sanggol at pamilya.

LIBRENG NUTRITIONIST-DIETITIAN COUNSELLING PARA SA SENTRONG KAKAYAHAN ILRC BENEFICIARIESNatapos na yung Dental Services,...
19/10/2026

LIBRENG NUTRITIONIST-DIETITIAN COUNSELLING PARA SA SENTRONG KAKAYAHAN ILRC BENEFICIARIES

Natapos na yung Dental Services, Nutrition naman!

Napakaimportante ng Nutrition sa mga lumalaking Bata at mas lalo sa mga may identified na Kapansanan. Ngayong araw ay naghandog kami ng kumprehensibong Nutrition And Diet Counselling para sa ating mga Benepisyaryo (sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng kanilang mga Magulang at Tagapag-alaga.)

Lumabas sa aming survey na maraming mga pamilya ang nahihirapan sa pagpapakain ng mga tama at naaangkop na masusustansyang pagkain para sa Children / Learners with Disability. Ito pong Nutrition and Diet Counselling ang isa nating intervention para sa naireport na concerns na ito.

Lahat ng Aspeto ng Kalusugan ay ating ieexplore at iimprove!

Maraming Salamat City Health Office - Nutrition Division!

Para sa Bata. Para sa Bayan!








LIKE FOLLOW SHARE
Sentrong Kakayahan ILRC - Muntinlupa

Photo Taken: October 19, 2026

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐥𝐨𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐄𝐥𝐝𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐖𝐞𝐞𝐤!MUNTINLUPA CITY—Sa temang “Nakatatandang Pilipino: ...
19/10/2026

𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐥𝐨𝐥𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐄𝐥𝐝𝐞𝐫𝐥𝐲 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝐖𝐞𝐞𝐤!

MUNTINLUPA CITY—Sa temang “Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, May Boses at Ambag sa Bayan,” nakiisa ang mga health centers sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng ating mga nakatatanda.

Sa pangunguna ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Nutritionist-Dietitians, nagsagawa ng mga talakayan tungkol sa wastong nutrisyon gamit ang Pinggang Pinoy for Older Persons ng DOST-FNRI at Healthy Ka, Lolo at Lola! Nutrition Tips for Seniors ng Nutrition Division–Muntinlupa.

Sa patuloy na edukasyong pangnutrisyon, sama-sama nating isinusulong ang mas malusog na pamumuhay at kinikilalang karapatan ng ating mga nakatatanda.


𝐆𝐋𝐎𝐁𝐀𝐋 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐖𝐀𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐘This Global Handwashing Day, let us work together to promote proper handwashing as a simple step t...
15/10/2026

𝐆𝐋𝐎𝐁𝐀𝐋 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐖𝐀𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐘

This Global Handwashing Day, let us work together to promote proper handwashing as a simple step toward a healthier and safer Muntinlupa!

𝐒𝐭𝐞𝐩𝐬 𝐭𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐰𝐚𝐬𝐡𝐢𝐧𝐠
1. Wet your hands with clean water.
2. Use enough soap to cover all hand surfaces.
3. Rub your palms, back of hands, between fingers, and under your nails.
4. Rinse your hands with clean water.
5. Dry your hands with a clean towel.

𝑴𝒂𝒌𝒆 𝒉𝒂𝒏𝒅𝒘𝒂𝒔𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉𝒚 𝒉𝒂𝒃𝒊𝒕!


𝗪𝗼𝗺𝗯 𝘁𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝗹𝗶𝗴𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗼𝗿𝗺𝘀𝗢𝗻𝘀𝗶𝘁𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗘𝗻...
15/10/2026

𝗪𝗼𝗺𝗯 𝘁𝗼 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗘𝗹𝗶𝗴𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗼𝗿𝗺𝘀
𝗢𝗻𝘀𝗶𝘁𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗘𝗻𝗿𝗼𝗹𝗹𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗥𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗠𝘂𝘀𝗲𝗼 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗹𝘂𝗽𝗮

A total of 70 Womb to Work Program (WWP) beneficiaries from District 1 attended the Womb to Work Program Orientation for Eligible Beneficiaries and Official Signing of Commitment Forms held at Museo ng Muntinlupa, spearheaded by the Muntinlupa Gender And Development Office last October 14, 2026.

The activity is part of the City Government of Muntinlupa’s flagship Womb to Work Program, a holistic and family-centered initiative that begins with supporting pregnant women and extends to the well-being and development of their families.

During the orientation, beneficiaries attended lectures on maternal care, covering prenatal and postnatal care, birth preparedness, proper nutrition, the importance of the First 1,000 Days in ensuring the health and nutrition of both mother and child and the significance of family planning.

The activity also featured onsite PhilHealth Enrollment Group (PEG) services and PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit) registration, facilitated by the Social Services Department (SSD) to help beneficiaries access essential health services and benefits.

The activity also provided an opportunity for partner offices to introduce their respective programs and services, highlighting the City Government of Muntinlupa’s comprehensive support for women, children, and families.

Participating offices included the Muntinlupa Population Development Office, Local Civil Registry Office - Muntinlupa, Social Services Department, Sentrong Aruga Para Sa Kababaihan, City Health Office-Muntinlupa, Muntinlupa City Nutrition Committee and Maternal and Child Health - Muntinlupa City.

As part of the activity, beneficiaries formally signed the “Kasunduan Para sa Womb to Work Program,” signifying their understanding of and commitment to complying with the program’s guidelines and responsibilities.

Through the Womb to Work Program, the City Government of Muntinlupa reaffirms its commitment to empowering mothers, promoting the health and well-being of mothers and children, and strengthening families through accessible and comprehensive programs and services.



𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐔𝐍𝐓𝐈𝐍𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍: 𝐌𝐄𝐋𝐋𝐏𝐈 𝐏𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔Behind every recognition is a process of evaluation, a record of a...
14/10/2026

𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐔𝐍𝐓𝐈𝐍𝐋𝐔𝐏𝐀 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍: 𝐌𝐄𝐋𝐋𝐏𝐈 𝐏𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔

Behind every recognition is a process of evaluation, a record of accomplishments, and a shared commitment to improving community nutrition.

In April and May 2026, the Muntinlupa City Nutrition Committee, through the City Nutrition Evaluation Team (CNET), conducted the MELLPI Pro across the barangays of Muntinlupa City. The assessment evaluated the implementation and accomplishments of local nutrition programs, assessed the efforts of community nutrition stakeholders, and identified opportunities to strengthen nutrition initiatives and services at the grassroots level.

The assessment also served as a basis for recognizing outstanding barangays through the 2026 Gawad Nutrisyon Muntinlupa, highlighting their good practices, achievements, and dedication to improving the nutritional well-being of their communities.

As we celebrate this year’s awardees, we also recognize the hard work and collaboration of everyone behind these accomplishments. Your continued commitment helps build stronger nutrition programs and a healthier Muntinlupa for all.

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬 𝐭𝐨 𝐨𝐮𝐫 𝐛𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐧𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐧𝐞𝐫𝐬!



𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐁𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐋𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦: 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐊𝐢𝐝𝐬, 𝐒𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 Patuloy ang mga programa ng Pamahalaang ...
09/10/2026

𝐊𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐁𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐋𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦: 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡𝐲 𝐊𝐢𝐝𝐬, 𝐒𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬

Patuloy ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa kalusugan ng kabataan at pamilyang Muntinlupeño, sa pamamagitan ng Muntinlupa Gender And Development (GAD) Office, Social Services Department (SSD), at mga katuwang na tanggapan.

Ongoing ang pagpapatupad ng Community‑Based at School‑Based Feeding Program ngayong taon sa piling community at paaralan, na bahagi ng flagship initiative ng lungsod para tugunan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga batang Muntinlupeño.

Sa ilalim ng Kalingang Munti Busog Lusog Nutrition Program, konkreto at malinaw ang aksyon ng ating lokal na pamahalaan para sa mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kababayan.



📸: SSD

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐃𝐫𝐨𝐩 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬: 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐦𝐢𝐥𝐤 𝐋𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 🤱💗MUNTINLUPA CITY—Nakiisa ang mga ina mula sa Barangay Sucat at Barangay ...
09/10/2026

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐃𝐫𝐨𝐩 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬: 𝐁𝐫𝐞𝐚𝐬𝐭𝐦𝐢𝐥𝐤 𝐋𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 🤱💗

MUNTINLUPA CITY—Nakiisa ang mga ina mula sa Barangay Sucat at Barangay Buli sa Breastmilk Letting Activity ng Muntinlupa City Human Milk Bank sa pamamagitan ng pagbibigay ng breastmilk para sa mga sanggol na nangangailangan.

Isinusulong ng gawaing ito ang kahalagahan ng breastmilk donation bilang suporta sa kalusugan ng mga sanggol na nasa NICU o may malnutrisyon.

Nagpapasalamat ang Muntinlupa City Nutrition Committee, Muntinlupa City Human Milk Bank at Ospital ng Muntinlupa, sa mga inang nagbahagi ng kanilang gatas at nakiisa sa aktibidad.

Sa mga gusto rin magbahagi ng kanilang breastmilk, mangyari lamang na makipagugnayan sa mga health centers ng Brgy Sucat at Brgy Buli



Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muntinlupa City Nutrition Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share