31st Charge Battalion

  • Home
  • 31st Charge Battalion
Directions

31st Charge Battalion 31st Infantry "Charge" Battalion

Under the 9th Infantry “Spear” Division, your ARMY
in 1st and 2nd Districts of Albay and
the 1st District of Sorsogon.

Motto:
Loved by the people
Feared by the enemy
Respected by fellow soldiers Peace Advocate and Defender

🦟 PAALALA MULA SA 31st INFANTRY (CHARGE) BATTALION: MAG-INGAT SA DENGUE!Hinihikayat ng 31st Infantry (CHARGE) Battalion ...
07/10/2026

🦟 PAALALA MULA SA 31st INFANTRY (CHARGE) BATTALION: MAG-INGAT SA DENGUE!

Hinihikayat ng 31st Infantry (CHARGE) Battalion ang lahat ng mamamayan na maging mapagmatyag at makiisa sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng Dengue.

Ang Dengue ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Aedes. Kaya naman, mahalagang regular na linisin ang ating paligid at alisin ang mga bagay o lalagyan na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng lamok.

4S KONTRA DENGUE

🔴 SEARCH AND DESTROY – Hanapin at alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok.
🟢 SELF-PROTECTION – Gumamit ng mosquito repellent at magsuot ng damit na nakatakip sa balat.
🔵 SEEK EARLY CONSULTATION – Agad kumonsulta kung makaranas ng mga sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan, pagsusuka, panghihina, at pantal.
🟠 SUPPORT FOGGING/SPRAYING – Makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa pagkontrol ng lamok sa mga lugar na kinakailangan.

LINISIN. ALISIN. IWASAN.
Sa sama-samang pagkilos, mapoprotektahan natin ang ating sarili, pamilya, at buong komunidad laban sa Dengue.

"Love by the people, feared by the enemy, respect by fellow soldiers."






31IB, LGU DARAGA NAGKAISA SA MEDICAL MISSION SA BRGY. PEÑAFRANCIANakiisa ang kasundalohan ng 31st Infantry (CHARGE) Batt...
06/10/2026

31IB, LGU DARAGA NAGKAISA SA MEDICAL MISSION SA BRGY. PEÑAFRANCIA

Nakiisa ang kasundalohan ng 31st Infantry (CHARGE) Battalion, sa pamumuno ni LTC CLIFF CHESTER L. DE OCAMPO (GSC) PA, Battalion Commander, sa isinagawang Medical Mission sa Barangay Peñafrancia, Daraga, Albay. Layunin nitong mailapit sa mga residente ang libreng konsultasyon at serbisyong medikal.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) of Daraga, sa pamumuno ni Hon. Victor U. Perete, Municipal Mayor. Nakibahagi ang kasundalohan ng 31IB sa pag-oorganisa at pagpapatupad ng mga gawain upang matiyak ang maayos na daloy ng aktibidad at paghahatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo.

Ipinakita ng medical mission ang patuloy na pagtutulungan ng 31IB at LGU Daraga sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at pagpapatibay ng ugnayan ng kasundalohan at mamamayan.

Patuloy na isinasagawa ng 31IB ang mga gawaing naglalayong makapaghatid ng serbisyo at suporta sa komunidad, katuwang ang pamahalaang lokal at iba pang sektor para sa kapakanan ng mga mamamayan.

"Loved by the People, Feared by the Enemy, and Respected by Fellow Soldiers."






Pinangunahan ni LTC CLIFF CHESTER L. DE OCAMPO (GSC) PA, Battalion Commander, ang buong kasundalohan ng 31st Infantry (C...
05/10/2026

Pinangunahan ni LTC CLIFF CHESTER L. DE OCAMPO (GSC) PA, Battalion Commander, ang buong kasundalohan ng 31st Infantry (CHARGE) Battalion, 9ID, PA, sa Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa at matatag na paninindigan sa disiplina, integridad, at marangal na paglilingkod sa bayan.

Kasabay nito ang paggunita sa ika-36 na Anibersaryo ng AFP Code of Conduct, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng disiplina, integridad, propesyonalismo, katapatan, at marangal na paglilingkod.

Muling pinagtibay ng 31IB ang paninindigan nitong isabuhay ang mataas na pamantayang etikal ng serbisyo militar at manatiling disiplinado, propesyonal, at tapat sa bayan at mamamayan.

"Love by the people, feared by the enemy and respected by fellow soldiers."




Ang 31st Infantry (Charge) Battalion, Philippine Army ay buong pusong nagbibigay-pugay sa lahat ng g**o na patuloy na hu...
05/10/2026

Ang 31st Infantry (Charge) Battalion, Philippine Army ay buong pusong nagbibigay-pugay sa lahat ng g**o na patuloy na humuhubog sa isip, puso, at kinabukasan ng kabataan.

Maraming salamat sa inyong didikasyon at walang sawang paglilingkod. Saludo kami sa inyo .

“Love by the People,
Feared by the Enemy,
and Respect by the Fellow Soldier.”







03/10/2026
01/10/2026
01/10/2026
31st Charge Battalion, Nakiisa sa Tree Planting at Clean-Up Drive sa Brgy. VillahermosaBRGY. VILLAHERMOSA, DARAGA, ALBAY...
29/09/2026

31st Charge Battalion, Nakiisa sa Tree Planting at Clean-Up Drive sa Brgy. Villahermosa

BRGY. VILLAHERMOSA, DARAGA, ALBAY — Nakiisa ang mga sundalo ng 31st Charge Battalion, kasama ang mga opisyal, residente, at mga mamamayan ng Brgy. Villahermosa, Daraga, Albay, sa isinagawang Tree Planting at Clean-Up Drive bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang malinis na kapaligiran, mapalaganap ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan, at mahikayat ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga gawaing makatutulong sa pagpapanatili ng isang malinis at luntiang pamayanan.

Sama-samang nagsagawa ng paglilinis, pangangalap at wastong pagtatapon ng basura ang mga kalahok. Nagsagawa rin ng pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga itinalagang lugar upang makatulong sa pagpapalago ng luntiang kapaligiran at pangangalaga sa likas na yaman.

Ipinakita ng aktibidad ang matibay na pagtutulungan at pagkakaisa ng mga sundalo at mamamayan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng komunidad.

Patuloy na makikiisa ang 31st Charge Battalion sa mga gawaing pangkomunidad na naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran at maisulong ang isang malinis, luntian, ligtas, at maunlad na pamayanan.






28/09/2026

Bayan ng Donsol Sorsogon SIPS Declaration
Loved by the people
Feared by the enemy
Respected by fellow soldiers



















Send a message to learn more

28/09/2026

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 31st Charge Battalion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share