24/08/2026
𝙎𝙖𝙛𝙚 𝙎𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡𝙖𝙣, 𝙎𝙖𝙛𝙚 𝘿𝙞𝙣 𝙎𝙖 𝙊𝙣𝙡𝙞𝙣𝙚 📚📱💙
Ang paaralan ay hindi lamang lugar para matuto—ito ay dapat maging isang ligtas, supportive, at child-friendly na espasyo kung saan malayang natututo, nakikilahok, at lumalago ang bawat bata. Pero sa panahon ngayon, ang kaligtasan ng mga bata ay hindi nagtatapos sa school grounds. Kasama rin dito ang kanilang online safety. 📚📱
Sa episode na ito ng Makabata Teleradyo, pag-uusapan natin kung paano natin mapapalakas ang kaligtasan ng mga bata sa paaralan at sa digital spaces—mula sa paglikha ng safe school environments hanggang sa pagiging mas maingat at responsableng paggamit ng internet at social media.
Makakasama natin sina Ms. Lee Aguila, Head ng Project Management Office – Makabata Helpline 1383, at Ms. Camille Jacinto-Lizardo, Unit Head ng Public Affairs and Information Office, para talakayin kung paano makatutulong ang mga magulang, g**o, paaralan, komunidad, at maging ang mga bata mismo sa pagpapanatili ng kanilang kaligtasan—offline man o online. 💙
Dahil ang child protection ay bahagi ng everyday safety ng bawat bata. At sa paaralan man o online, dapat may espasyo ang bawat bata na ligtas, respetado, at protektado. 🫶
📅 August 24, 2026
⏰ 5:00 PM – 6:00 PM
📻 Makabata Teleradyo | Radyo Magasin 1278 kHz
Tara, mga Ka-MTR! Pag-usapan natin kung paano sama-samang makakalikha ng mas ligtas na paaralan at mas ligtas na online spaces para sa mga bata. 💙
𝑩𝒂𝒔𝒕𝒂 𝑩𝒂𝒕𝒂, 𝑲𝒂𝒎𝒊 𝑨𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂! 💙