Timuay Justice and Governance

Directions Contact the organization

Timuay Justice and Governance Indigenous Political Structure (IPS) of Teduray and Lambangian Indigenous Peoples in South Central Mindanao

๐Œ๐„๐๐’๐€๐‡๐„ ๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“Kesรซgita Fiyo Tรซrรซsang Rab Kรซtinanรซk!Mga Minamahal kong NMIPs,Opisyal at pormal na kaming ipinrokl...
17/09/2026

๐Œ๐„๐๐’๐€๐‡๐„ ๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“

Kesรซgita Fiyo Tรซrรซsang Rab Kรซtinanรซk!

Mga Minamahal kong NMIPs,

Opisyal at pormal na kaming ipinroklama ng COMELEC noong gabi ng September 16, 2026, na simbolo ng pagsisimula ng aming mandato bilang mga Members of Parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na kumakatawan sa mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa loob ng BARMM.

Sa pagsisimula ng gawaing ipinagkatiwala sa amin, nais kong magpasalamat sa mga tao at institusyong naging bahagi ng prosesong naghatid sa amin dito.

Sa ๐—ง๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—ฎ๐˜† ๐—๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—บ๐—ผ๐—ป, maraming salamat sa tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob ninyo sa akin bilang nominado ng tribong Tรซduray sa ginanap na Tribal Assembly.

Sa ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐— ๐—œ๐—ฃ ๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฝ๐˜€ - ๐—Ÿ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ฎ๐—ป, ๐—งรซ๐—ฑ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐˜†, ๐—˜๐—ฟ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐˜ƒ๐˜‚, ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐˜‚ ๐——๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ผ๐—ป๐—ผ๐—ป - ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ-๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐˜€, maraming salamat sa pagtitiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin at sa responsibilidad na i- representa kayo sa Bangsamoro Parliament sa pamamagitan ng Inter-Tribal Convention.

Sa ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜† ๐—ผ๐—ณ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ผ๐˜‚๐˜€ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐˜€' ๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜€, maraming salamat sa tapat ninyong pagtupad sa inyong mandato na ipatupad ang mga polisiya at alituntuning may kaugnayan sa mga karapatan at kapakanan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples sa BARMM.

Sa ๐—–๐—ข๐— ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–, maraming salamat sa tapat ninyong pagtupad sa inyong konstitusyonal at legal na mandato at sa pangunguna sa pagpapatupad ng batas na nagbigay-daan sa representasyong ito.

Sa pagharap ko sa responsibilidad na ito, dala ko hindi lamang ang tiwalang ipinagkaloob sa akin, kundi pati ang mga tinig, mithiin, at hangarin ng mga Non-Moro Indigenous Peoples.

Ang representasyong ito ay bunga ng kolektibong pasya at pagtitiwala ng mga NMIP groups, kaya ang mandatong ito ay hindi sesentro lamang sa interes ng iisang grupo. Sa halip, dala nito ang responsibilidad na kumatawan sa magkakaibang tinig, pananaw, at adhikain ng ating mga pamayanan, at isulong ang mga usaping may kabuluhan sa ating sama-samang kinabukasan sa Bangsamoro.

Sa lahat ng nagpaabot ng kanilang taos-pusong pagbati, mula sa sektor ng kababaihan, kabataan, peace advocates, gayundin sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, maraming salamat sa inyong mainit at makabuluhang pagbati. Lubos akong
nagagalak at nagpapasalamat sa inyong bawat mensahe, suporta, at mabubuting hangarin. Tunay na nakakataba ng puso ang inyong pagpapakita ng pagmamahal at pagkalinga sa akin at sa buong NMIPs.

Kasama ko kayo sa pagsisimula ng paglalakbay na ito. At sa bawat hakbang na tatahakin natin mula ngayon, lagi't lagi, kasama ko kayo. Nawa'y samahan ninyo ako.

Mรซuyag! Mรซhagtay! Mรซdmelayag! Mauyag!

๐Œ๐ ๐‰๐Ž ๐†๐„๐๐๐€ ๐Œ๐€๐‘๐“๐ˆ๐-๐‰๐Ž๐•๐„๐‘
Member of Parliament
Representing the Non-Moro Indigenous Peoples in the First Regular Bangsmoro Parliament

17/09/2026

#๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ: Jover at Datuwata, Pormal na Naiproklama bilang mga Kinatawan ng NMIP sa Bangsamoro Parliament

๐Œ๐„๐๐’๐€๐‡๐„ ๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Mga minamahal kong kapwa katutubo,Sรซgita Fiyo Tรซrรซsang Rab Kรซtinanรซk Kรซbati.Bilan...
16/09/2026

๐Œ๐„๐๐’๐€๐‡๐„ ๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“
๐Ÿ๐Ÿ” ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Mga minamahal kong kapwa katutubo,

Sรซgita Fiyo Tรซrรซsang Rab Kรซtinanรซk Kรซbati.

Bilang isa sa mga napili na maging kinatawan ng Non-Moro Indigenous Peoples sa loob ng Bangsamoro Parliament, ako at ang aking buong pamilya ay taos-puso at lubos na nagpapasalamat sa aking Tribong Lambangian sa tiwalang ibinigay sa akin bilang nominado sa inter-tribal convention, kung saan pinili ang tunay na kinatawan ng anim na tribo ng Non-Moro Indigenous Peoples sa Parlyamento.

Nais ko ring pasalamatan nang buong puso ang pamunuan ng Timuay Justice and Governance (TJG) sa tiwalang ipinakita nang piliin ako ng Lambangian Tribal Assembly bilang kinatawan ng Tribong Lambangian. Salamat din sa inyo, mga kapatid na Non-Moro IPs, na nagkaisang pumili sa akin bilang kinatawan ng anim na tribo, upang dalhin ang ating tinig sa Bangsamoro Parliament.

Pasalamat din ako sa Ministry of Indigenous Peoples' Affairs (MIPA) at sa COMELEC sa kanilang pagsubaybay sa buong proseso ng seleksyon, tinitiyak na nasusunod ang alituntunin sa pagpili ng mga reserved seats para sa Non-Moro Indigenous Peoples sa Bangsamoro Parliament. Pasalamat din ako sa buong miyembro ng Non-Moro Indigenous Peoples Committee sa kanilang pagod at sakripisyo upang matupad ang bawat tribal assembly, alinsunod sa ating sariling customary laws at alituntunin.

Malaki ang hamon na dala ng tiwalang ito. Alam kong hindi madali ang tungkuling ito, ngunit hindi ako nag-iisa, kasama ko kayo, ang mga lider ng bawat IPS na naging gabay ko sa bawat hakbang. Kaya naman nangangako ako: maglilingkod ako nang buong husay at katapatan, alinsunod sa adhikain ng bawat mamamayang Non-Moro IP, maglilingkod nang may prinsipyo, dangal, dignidad, at diwang tunay na katutubo.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat at Fiyo bagi.

Patuloy nating pagtibayin ang ating tinig.

Ang inyong lingkod,

๐‹๐„๐“๐ˆ๐‚๐ˆ๐Ž ๐‹. ๐ƒ๐€๐“๐”๐–๐€๐“๐€
TJG Timuay Labi

Mรซuyag!Isang makasaysayaang araw para sa ating mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa BARMM.Pormal nang naiproklama ...
15/09/2026

Mรซuyag!

Isang makasaysayaang araw para sa ating mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIPs) sa BARMM.

Pormal nang naiproklama ng COMELEC sina Leticio Datuwata ng Lambangian Tribe at Jo Genna Jover ng Teduray Tribe bilang dalawang NMIP Sectoral Representatives sa first regular Bangsamoro Parliament.

Ang pagpili sa kanila bilang mga kinatawan ay isinagawa sa pamamagitan ng Tribal Assembly at Inter-Tribal Convention, na pinamunuan ng iba't-ibang Indigenous Political Structure (IPS).

Mula sa paninilbihan sa Teduray at Lambangian, ngayon ay dala nila ang mas malawak na pananagutan na kumatawan sa mga NMIPs ng BARMM, kasama ang Menubu Dulangan, Erumanen ne Menuvu, Blaan, at Higaonon.

๐Ÿ“ฃ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ”11 SETYEMBRE 2026Mapagmahal na pagbati!Ngayong darating na ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ’,...
10/09/2026

๐Ÿ“ฃ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ”
11 SETYEMBRE 2026

Mapagmahal na pagbati!

Ngayong darating na ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐‹๐”๐๐„๐’) ay ang kauna-unahan at makasaysayang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ito ay napakahalaga para sa ating lahat sa rehiyon sapagkat dito magtatapos ang Bangsamoro Transition period na nagsimula noong 2019. Ang halalang ito ay hudyat sa pagsimula ng isang pamamahala na itatayo ng mamamayang Bangsamoro sa pamamagitan ng kanilang pagpunta sa mga presinto ng COMELEC upang bomoto sa Partido at mga kandidato na magsilbing miyembro ng Bangsamoro Parliament at maghalal sa uupo na Chief Minister ng BARMM.

Kaya sa lahat ng TJG Baglalan at seonomon na kuwalipikadong bumoto ngayong Setyembre 14, 2026, ๐ค๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ก๐š๐ญ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐ง๐š ๐ข๐ง๐š๐š๐ง๐ฒ๐š๐ก๐š๐ง๐  ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐›๐ฎ๐ฆ๐จ๐ญ๐จ. Huwag nating sayangin ang pagkakataong ito na maging bahagi ang ating sariling desisyon na pumili ng karapat-dapat na uupo sa Bangsamoro Parliament. Ngayon pa lang ay dapat alam na ng lahat at lubusang nakilala ang inyong ilagay sa balota. ๐‘ป๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Š๐’๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’๐’๐’•๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’Œ๐’…๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’–๐’Ž๐’–๐’๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘น๐‘ด๐‘ด.

Sa araw ng halalan, mahalagang nakapaskil na sa ating mga puso at isipan kung sino ang ating iboboto sapagkat hindi lingid sa ating kaalaman na may maraming hamon mula sa pagbaba natin sa ating mga hagdanan patungo sa ating mga presinto ang naghihintay. Hindi din masama ang magtanong kung ang dahilan ay para kompermahin na ang inyong nasa isip ay tama.

Isang mahalagang paalala din sa lahat na sa panahon ng pagboto, siguraduhing ang tutulong o assistor sa sino mang hindi marunong sumulat at bumasa ay dapat kamag-anak o kahit ibang tao ngunit mapagkatiwalaan nang sa gayon ay tugma sa inyong kagustuhan ang mailagay sa balota. Sa ngayong panahon, hindi maiwasang may mga taong mapaglinlang, masunod lang ang kanilang misyon na sa kalaunan ay wala silang pakialam sa kalalabasan ng kanilang ginagawa. ๐‘ฏ๐’–๐’˜๐’‚๐’ˆ ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’Š๐’• ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’๐’ ๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’Š๐’๐’‰๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’๐’•๐’.

Hinihikayat din ang lahat na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga awtoridad sa panahon na may mapansin na hindi kanais-nais saan mang lugar sa araw ng halalan. Ito ay upang mapanatili ang maayos at mapayapang halalan 2026. Hindi biro ang mga paghahanda na ginawa ng lahat bago mangyari ang halalang ito. Hindi makakatulong sa hinahangad nating kapayapaan at kaunlaran sa BARMM kung sa huli ay mawalang saysay ang halalang ito kaya kapit bisig natin itong akayin tungo sa katanggap-tanggap na resulta ng halalan na siyang magbibigay buhay sa hinahangad ng marami na isang pamahalaang likha ng mga mamamayan sa Bangsamoro para sa lahat nang walang mapag-iwanan.

Kilalanin din natin ang mga awtorisado ng COMELEC na bantayan ang halalang ito. Hindi tayo mag-atubiling makipagugnayan sa kanila sa lahat ng panahon upang magampanan nila ang kanilang mahalagang gawain at tungkulin na mailagay sa kanilang records ang lahat ng pangyayari, mabuti man o masama, dahil ang lahat ng ito ay may epekto sa resulta ng halalan.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan at Seonomon.

๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ“๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Mapagmahal na pagbati!๐€๐๐† ๐’๐€๐๐ˆ ๐๐ˆ๐‹๐€: Labag sa customary la...
30/08/2026

๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ“
๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Mapagmahal na pagbati!

๐€๐๐† ๐’๐€๐๐ˆ ๐๐ˆ๐‹๐€: Labag sa customary law ang TBA Ground Rules at isyu ng disqualification

๐’๐€๐๐ˆ ๐ฌ๐š ๐ ๐ฎ๐ข๐๐ž๐ฅ๐ข๐ง๐ž๐ฌ: COMELEC Reso. 11235 Art VI. Tribal Assembly

Sec 26b. Authority of the IPS; Criteria for Participation - The IPS shall determine the criteria for participation of their respective NMIP community members in the Tribal Assembly, consistent with the NMIP community's customary laws.

Sec 26d. Ground Rules and Facilitation โ€“ The concerned NMIP community, through their IPS, shall prescribe the ground rules for the conduct of the Tribal Assembly, in accordance with its customary laws and practices. Further, due recognition shall be accorded to, and appropriate consideration given for, the distinct concerns for women, youth, and persons with disabilities in the conduct of the Tribal Assembly. The ground rules shall, lay down the provision for grievance mechanism procedures, as described below. The ground rules shall be furnished to the NMIPC, MIPA and BEO within the period prescribed by COMELEC.

ANG isyu dito ay ๐‘๐„๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ at hindi ang pangkalahatang karapatan ng Teduray sa ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ o karapatan sa pagboto bilang mga Pilipino.

SA guidelines, malinaw na tungkulin ng IPS ang pagdetermina sa pamantayan ng pagpili sa mga magiging delegado sa asembliya (Art VI Sec 26b). Naging batayan ng TJG ang mahabang karanasan sa installation ng mga Baglalan o โ€œ๐™›๐™ก๐™ช๐™๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ ๐™—๐™ž๐™จ๐™–โ€ ang mga pinuno mula sa Fenuwo, Remfing Fenuwo at Inged. Sila ang decision making bodies ng TJG sa ibaโ€™t-ibang antas kaya sila din ang dapat ipatawag sa panahong may mahalang desisyonan tulad nitong pagpili sa Teduray NMIP Representatives sa Bangsamoro Parliament. Binanggit din sa guidelines na huwag kalimutan ng IPS ang mahalagang papel ng kababaihan, kabataan at persons with disability o may mga kapansanan na isama sa decision-making processes. Ito sa pangkabuoan ang sinunod sa Ground Rules ng TJG.

๐€๐๐† ๐’๐€๐๐ˆ ๐๐ˆ๐‹๐€: Bakit hindi kasama ang mga Teduray na Pulitiko at Government officials?
ANG mga Teduray na pulitiko at opisyales ng gobyerno ay tumatayo na representante ng tribo sa gobyerno saan mang lugar sa bansa. Sinosuportahan sila ng mga botanteng Teduray at ikakasaya ng maraming Teduray kung marami ang naka-position sa gobyerno. Sa customary law, ang tawag dito ay โ€œ๐ รซ๐ฌรซ๐ฎ๐›๐š๐ฒโ€ o kapwa pinuno, na dapat igalang at suportahan at kaagapay sa lahat ng gawain para sa ikauunlad ng fusaka inged. Hindi nila tayo ituring na ka-kompetensiya sapagkat ang kanilang kapangyarihan ay โ€œ๐ฌ๐š๐ค๐š๐ฎ๐ฆโ€ o mas malawak at mataas pa sa mga TJG Baglalan. Katunayan, ang NMIP Reserved Seats ay ibinigay ng gobyerno at ginagampanan lamang ng IPS ang pagpatupad nito batay sa kautusan ng COMELEC. Hindi natin dapat maging kaagaw ang taga gobyerno. Kung kukunin din ng gobyerno ang kanilang bigay na โ€œ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐งโ€ (share) sa NMIPs ay mahulog na โ€œ๐ฎ๐ฅ๐ž-๐ฎ๐ฅ๐ž ๐ญรซ๐›๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ฐโ€ ang gobyerno at walang saysay ang tinatawag na empowerment sa mga NMIPs.

๐€๐๐† ๐’๐€๐๐ˆ ๐๐ˆ๐‹๐€: Hindi daw kinilala at nirerespeto ng TJG ang liderato ni Hon. MP Ramon A. Piang, Sr at Hon. MP Froilyn T. Mendoza

๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐ na hindi kinikilala at nirerespeto ng TJG ang pamumuno at pamamahala nina Hon. MP Ramon A. Piang, Sr at Hon. MP Froilyn Medoza. Katunayan, mula sa kapanahunan nina Hon. MP Romeo C. Saliga at Hon. MP Melanio Ulama ay buong tapat ang suporta ng TJG sa mga MPs. Sa mga panahong ito, may nakita ba kayong protesta o rally na ginawa ng TJG Baglalan laban sa mga naka-upo na MP sa ilalim ng Reserved Seats? Nagpatawag ba ang TJG ng Kongreso para batikusin ang ating mga MPs? Wala! Sa halip, sinosuportahan sila sa lahat ng kanilang gawain sa Bangsamoro Parliament bilang mga resource persons sa usapin o isyu ng NMIPs. Pinupuri sila at laging kasama ang TJG sa lahat ng selebrasyon sa mga kapanalunan na nakukuha sa Parliament at ibang usapin.

SA political career ni Hon. MP Ramon A. Piang, Sr., laging nasa likod niya ang mga Baglalan sa hirap at ginhawa mula ng pasukin niya ang larangan ng pulitika. Nang itayo ni Hon. MP Froilyn T. Mendoza ang IPDP, nasa likod niya ang mga Baglalan. Hindi kailanman nagpabaya ang mga ito sa apat (4) na MPs mula 2019 hanggang sa kasalukuyan (2026). Ang pagsunod sa batas ng NMIP reserved seats ay hindi pagsuway sa 2-NMIP-MPs natin.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan at Seonomon

๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ’28 ๐ด๐‘”๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘œ 2026Mapagmahal na pagbati!Paumanhin at ngayon lang natin naipag...
29/08/2026

๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ’
28 ๐ด๐‘”๐‘œ๐‘ ๐‘ก๐‘œ 2026

Mapagmahal na pagbati!

Paumanhin at ngayon lang natin naipagpatuloy ang ating serye ng mga โ€œPaunawaโ€ na may relasyon sa usaping Reserved Seats sa BARMM. Kung inyong matatandaan, ang mainit na isyu ay ang papel/role ng IPS sa proseso ng pagpili sa 2-NMIP Representatives sa Bangsamoro Parliament ng BARMM.

Bagamat napakalawak na ang inabot ng mga balita ukol sa resulta ng 25 August 2026 na Regional Inter-Tribal Convention (RITC), mahalaga pa ring ma-update ang ating mga Baglalan at seonomon tungkol dito lalo na at lumalabas na isang Teduray at isang Lambangian ang NMIP Representatives sa first regular Bangsamoro Parliament ng BARMM.

Matatandaan na ang unang level na ating dinaanan ay ang Lambangian Baglalan Assembly (LBA) noong August 5, 2026 at ang Teduray Baglalan Assembly (TBA) noong August 6, 2026 na nagresulta sa pagpili ng mga Lambangian delegates kay Timuay Labi Leticio L. Datuwata para sa lalaki at Minted sa Inged Tessie Ambol para sa babae na nominee. Sa Teduray naman ay nagresulta sa pagpili kay Kasarigan Ludivico Marcelino sa lalaki at kay Minted sa Inged Jo Genna M. Jover sa babaeng nominee ng Teduray. Ang mga installation process ay sa pamamagitan ng customary practices ayon sa binigay na mandato ng COMELEC sa mga IPS ng NMIPs sa BARMM.

Sa mga Teduray, hindi maitago ang katotohanan na ito ay sinalubong ng mga protestang legal at extra-legal kasama na ang โ€œTeduray Tribal Congressโ€ noong August 18, 2026 na ayon sa organizer ay dinaluhan ng libo-libong tao mula sa LGU at government officials, mga religious groups at ilang civilian. Ang mga official na apela ay binigyan din ng nararapat na katugunan sa liderato ng TJG kahit na walang official na deklarasyon ang COMELEC kung kaninong jurisdiction ito โ€“ ๐œ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ซ๐ฒ ba o ๐ฅ๐ž๐ ๐š๐ฅ?

Sa madaling sabi, ang ibaโ€™t-ibang porma ng protesta na ginawa laban sa IPS ay bahagi ng demokratikong karapatan ng Teduray at Lambangian bilang mga Pilipino bagamat hindi natin masabi na ito ay customary process. Ang masaklap, ang nangunguna sa mga protestang ito ay kabilang sa mga may-akda sa batas (BAA 35 as amended by BAA 88) para kilalanin ang karapatan ng mga NMIPs na gamitin ang kanilang customary laws sa mga proseso ng pagpili ng NMIP Representatives sa pamamagitan ng kanilang mga IPS. Sa huli, wala namang inilabas ang COMELEC na may nangyaring iregularidad sa lahat ng nagdaang mga asembliya kaya walang hadlang na itinuloy ang Regional Inter-Tribal Convention para sa anim na tribo sa loob ng limang IPS.

๐€๐ง๐  ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ-๐“๐ซ๐ข๐›๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐‘๐ˆ๐“๐‚):
Ang talakayan sa RITC ay katulad din naman ng ginawa sa mga asembliya: determinasyon ng quorum batay sa bilang ng target delegates; talakayan at pagtanggap sa ground rules at mekanismo sa pagpili bago ipinepresenta ang mga Nominees mula sa limang tribo na pawang nagmula sa liderato ng kanilang mga IPS na may direktang karanasan at kaalaman sa customary governance. Pagkatapos ay tinalakay ang tungkol sa Rotational Arrangement kung papayag ba ang anim na tribo o hindi at pagkatapos ng mahigit na isang oras na talakayan ay pumayag din ang lahat ng anim na tribo at mabilis na napag-isahan na dapat mauna ang dalawang tribo sa ilalim ng TJG sapagkat sila ang mayorya at may malawak na teritoryo sa loob ng BARMM. May nagmungkahi pa na kung maari sa rotation ay manatili ang tribong Teduray sa lahat ng pagkakataon ngunit ang delegado ng mga Teduray ay salungat sa mungkahi nang sa gayon ay mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng NMIP na makapa-upo ng representante sa Bangsamoro Parliament sapagkat ang Reserved Seat ay para naman sa lahat ng NMIP gaano man kaliit ang kanilang bilang. Naniniwala naman ang inter-IPS na kahit sino ang uupo na representante ay agenda din ng mga IPS at ng MIPA ang pangunahin nilang gampanan bago ang iba.

Bilang panghuli, sa mga hindi pa nakaunawa sa prosesong ito, malaya naman kayong magpadala ng inyong apela sa COMELEC sapagkat may nakahanda namang mekanismo sa pagresolba sa ano mang problema at kung kaninong jurisdiction โ€“ customary o legal laloโ€™t higit na laging may representante ang COMELEC sa mga asembliya hanggang sa RITC kung saan si COMELEC Chairman Atty. George Erwin Garcia at Atty. Ray Sumalipao ng COMELEC-BARMM ang dumalo sa RITC noong August 25, 2026 sa Cotabato City. Tuwang-tuwa naman sila sa mga na-witness na kaganapan sa customary process na walang nangyaring hidwaan at propaganda laban sa isaโ€™t-isa kundi lahat idinaan sa isang tunay na mapayapa at masinsinang paguusap gamit ang lengguwahe ng pagkakaisa. Tanda ito ng pag-unlad sa partisipasyon ng NMIPs sa politika na kaiba sa practice ng mayorya.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan.

๐๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐“๐‰๐† | ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐‹๐š๐ญ๐ž ๐“๐ข๐ฆ๐ฎ๐š๐ฒ ๐‰๐จ๐ฏ๐ข๐ญ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐ง (๐“๐ข๐ฆ. ๐๐ƒ)Buong-puso at malalim na pakikiramay ...
22/08/2026

๐๐š๐ค๐ข๐ค๐ข๐ซ๐š๐ฆ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐“๐‰๐† | ๐๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐‹๐š๐ญ๐ž ๐“๐ข๐ฆ๐ฎ๐š๐ฒ ๐‰๐จ๐ฏ๐ข๐ญ๐จ ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐ง (๐“๐ข๐ฆ. ๐๐ƒ)

Buong-puso at malalim na pakikiramay ang ipinapaabot ng Timuay Justice and Governance (TJG) sa pamilya, mga kaanak, at buong pamayanang naiwan ni Late Timuay Jovito Martin (Tim. BD).

Siya ay isang iginagalang na Baglalan, dating Mayor ng South Upi, at matatag na tagapagtanggol ng karapatan at kapakanan ng Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP).
Hindi lamang siya nakilala dahil sa posisyong kanyang hinawakan, kundi sa kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod, malasakit, at matatag na paninindigan para sa kanyang mga kababayan.

Sa mga panahong mahirap magsalita at manindigan, pinili niyang maging tinig ng kanyang pamayanan. Ipinaglaban niya ang dignidad, pagkakakilanlan, karapatan, at kapakanan ng mga katutubong pamayanan. Ang kanyang paninindigan para sa NMIP rights, ancestral domain, at pagkilala sa boses ng Indigenous Peoples sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang kinabukasan ay nag-iwan ng mahalagang marka sa ating patuloy na pakikibaka.

Ang kanyang pamumuno ay mananatili sa puso ng mga taong kanyang pinaglingkuran. Ang kanyang mga aral ay magsisilbing gabay, at ang kanyang paninindigan ay patuloy na mabubuhay sa bawat lider at kabataang pipiliing maglingkod para sa kapakanan ng kanilang pamayanan.

Mula sa buong Baglalan at Sรซonomon ng Timuay Justice and Governance (TJG), aming iniaalay ang aming taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaanak, at sa buong pamayanang kanyang minahal at pinaglingkuran.

Fiyo Kรซule mangรซy dรซbรซ blowon no Fantad Timuay BD.

-end-

๐Ÿ“ฃ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ‘๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Mapagmahal na pagbati!Kaunting paunawa kung bakit ang Tรซd...
21/08/2026

๐Ÿ“ฃ๐๐€๐”๐๐€๐–๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐“๐‰๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐’๐„๐Ž๐๐Ž๐Œ๐Ž๐: ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ‘
๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Mapagmahal na pagbati!

Kaunting paunawa kung bakit ang Tรซduray at Lambangian ay dapat may isang IPS:

Ang basehan ng Indigenous Political Structure (IPS) re: ๐พ๐‘’ฬˆ๐‘ ๐‘’ฬˆ๐‘“๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘”๐‘ข๐‘ค๐‘–๐‘ก ๐‘‡๐‘–๐‘š๐‘ข๐‘Ž๐‘ฆ o Timuay Justice and Governance (TJG) ng Tรซduray at Lambangian ay may ingรซd (teritoryo), pamayanan, kutlura, tradisyon, pananalita, sistemang pamamahala, hustisya at pananampalataya. Kung ang isa o dalawang gropong etniko ay may magkaparehong practices at magkarugtong (contiguous) na teritoryo isa lamang ang IPS nito.

๐๐š๐ฅ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐š๐ : Dahil magkapareho ang kanilang kรซadatan, isang basehan ito ng kanilang pagkakaisa. Ang kanilang paniwala sa pagbuo ng isang lipunan ay hindi magkasalungat sa isaโ€™t-isa at lalong hindi hiwalay sa kanilang kinagisnang mga patakaran sa buhay na iniluwal sa kasaysayan ng mga ninuno. Ano mang sukdulang pagbago rito tungo sa mainstream politics ay assimilation.

๐‘ด๐’‚๐’‚๐’“๐’Š ๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‚๐’˜๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Š๐’ƒ๐’‚โ€™๐’•-๐’Š๐’ƒ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐‘ท๐‘บ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’†๐’‚๐’…๐’‚๐’•๐’‚๐’? ๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’‘๐’–๐’˜๐’†๐’…๐’† ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’•? Ang malalim na dahilan ay hindi natin ito gawa-gawa lamang sa ngayong panahon. Ang IPS ay binuo ng kasaysayan sa loob ng mahabang panahon na hindi na abot ng ating ala-ala. Hinubog ito ng napakaraming wisdom holderโ€™s sa tribo na nagbuwis ng buhay at naglaan ng talino at karunungan sa pakikipagsalamuha sa kapuwa-tao, kalikasan at isperitual. Dahil dito, isa siyang fusaka at mรซkรซtรซfu (Sagrado) sa buhay ng mga tribong practitioner sa kรซadatan na dapat ipamana sa mga susunod na salinlahi. Hindi ito isang political party machinery o Peoples Organization (PO) na may Constitution and By Laws at membership na maaring baguhin ano mang oras gustohin ng mga namumuno.

Ganon pa man, ang sino mang magtangka na gumawa ng ibang IPS sa isang teritoryo at customary law mula sa loob ng tribo ay hindi pinipigilan. Ngunit bawal ang copy and paste na customary law lalo na ngayong may mga bahagi na nitong nakasulat at kinilala na ng NCIP at MIPA sa ilalim ng Kรซsรซfanangguwit Timuay o TJG. Higit sa lahat, mahirap sagutin sa ating mga yumaong ninuno na ang fusaka na kรซsรซfanangguwit ay mawasak sa kapanahunan na marami na ang nakapag-aral at pulitiko sa atin. Saksi ang mga sagradong lugar sa ating mga ginagawa at pagkilos sa kasalukuyan.

Sa mga Fรซnuwo at Rรซmfing Fรซnuwo sa buong ingรซd Tรซduray at Lambangian, kayo ang saksi sa inyong pagsisikap na ipatupad ang Tรซgudon, Ukit at Dowoy na hindi nakatali sa pera/pondo o position sa gobyerno. Ito ay pagsabuhay sa kรซadatan nang walang kondisyon dahil ito ay sariling atin.

Sa kabila nito, kilalanin nating tayo ay nasa ilalim ng pamahalaan o gobyerno ng Pilipinas. Mula sa antas ng barangay, munisipyo, probinsya, region hanggang Pambansa sila ang ating mga pinuno. Ibig sabihin, hindi natin sila kaagaw sa mga position sa pamahalaan dahil mayroon tayong internal na pamamahala na kinikilala na ng gobyerno habang hindi din tayo pinipigilan ng gobyerno na lumahok sa pambansang pamamahala kung gusto natin. Ito ay Karapatan natin bilang mga Pilipino din โ€“ kaya mayroon tayong mga konsehal, mayor atbp. Sa lente ng Human Rights, sila ang mga ๐ƒ๐ฎ๐ญ๐ฒ ๐๐ž๐š๐ซ๐ž๐ซ๐ฌ at tayo ay mga ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐‡๐จ๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฌ. Ito ang kaibahan natin sa mayoryang Pilipino dahil hawak pa natin ang sinaunang sistema ng pamamahala sa loob ng ating mga lupaing ninuno na kinilala ng pamahalaan sa 1987 Constitution at IPRA noong 1997 sa Pambansa habang BOL at BIPA sa BARMM.

Ito ang nagtakda na gamitin ng mga IPS sa BARMM ang kanilang sinaunang sistema ng pamamahala sa pagproseso sa pagpili ng 2-NMIP Reserved Seats. Ang COMELEC Reso. No. 11235 ang gabay ng mga IPS sa mga prosesong ito. Kinilala ang IPS bilang isang institution na may sariling estruktura ng decision-making bodies na hindi maaring diktahan nino man sa pagpatupad sa kanyang tungkulin. Ginagawa ito ng IPS sa tulong ng NMIPC at ginagabayan ng MIPA at COMELEC na may mandato sa gawaing ito habang ang mga tunggalian kung mayron man ay dapat sa grievance body tatalakayin.

Maraming salamat.

Hanggang sa muli, TJG Baglalan

20/08/2026

Address

Upi
9602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Timuay Justice and Governance posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Timuay Justice and Governance:

Shortcuts

Share

Category