Poblacion Ang Galing

Call Directions

Poblacion Ang Galing Ang sentro ng Urdaneta City! Mula sa kultura, komersyo, hanggang sa serbisyo. Ito ang page para sa opisyal na bulletin, updates, at proyekto ng ating barangay.

Bayanihan at Kaunlaran Nating Lahat!

LIBRENG MEDICAL SERVICES PARA SA LAHAT!Good news, mga ka-Barangay! Dahil mahalaga ang inyong kalusugan, inaanyayahan nam...
29/07/2026

LIBRENG MEDICAL SERVICES PARA SA LAHAT!

Good news, mga ka-Barangay! Dahil mahalaga ang inyong kalusugan, inaanyayahan namin kayong samantalahin ang LIBRENG Medical Services na hatid ng Provincial Government of Pangasinan, at Urdaneta District Hospital. Sa darating na

August 1, 2026 (Saturday)
Start: 8:00 AM
Cut-off: 3:00 PM
Venue: Covered Court, Urdaneta I Central School

Mga serbisyong maaaring ma-avail:
• Medical Consultation
• Health Assessment
• Laboratory Assessment
• FREE Maintenance Medicines (GAMOT Program)
• Alagang Pangkalusugan para sa Lahat

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para sa libreng konsultasyon, maagang pagsusuri, at accessible na gamot para sa mas malusog na pamilya at komunidad.

Libre. Accessible. Para sa lahat.

Magkita-kita po tayo sa August 1, 2026 at sama-sama nating pangalagaan ang ating kalusugan.

Hatid ng: Provincial Government of Pangasinan at Urdaneta District Hospital.

June 25, 2026Day 2 ng paglilinis natin sa napakaruming estero sa Consejo Street. Unti-unti nang umaagos ang tubig dahil ...
25/06/2026

June 25, 2026

Day 2 ng paglilinis natin sa napakaruming estero sa Consejo Street. Unti-unti nang umaagos ang tubig dahil sa mga basurang naalis sa daluyan. Marami pa ring nakatambak na basura na kailangang alisin upang tuluyang maibalik ang maayos na daloy ng tubig.

Ang basurang itinatapon sa estero ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha. Kaya naman, maging responsable tayo sa tamang pagtatapon ng basura at sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran.

UNANG ARAW NG PAGLILINIS SA OPEN DRAINAGE CANALJune 24, 2026, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Aris Christian Mill...
25/06/2026

UNANG ARAW NG PAGLILINIS SA OPEN DRAINAGE CANAL

June 24, 2026, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Aris Christian Millora at ng Sangguniang Barangay ng Poblacion, isinagawa ang unang araw ng paglilinis sa open drainage canal sa may Consejo Street.

Sa isinagawang paglilinis, napakaraming basura at iba pang dumi ang nakuha na matagal nang nakatambak at naging sanhi ng matinding pagbara sa daluyan ng tubig. Ang mga naipong basura na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi maayos na umaagos ang tubig at nagiging sanhi ng pagbaha sa lugar tuwing may malakas na ulan.

Nakikiusap po kami sa lahat na huwag magtapon ng basura o anumang bagay sa mga kanal at daluyan ng tubig. Ang simpleng pagiging responsable at disiplinado sa tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbaha at mapanatiling malinis at ligtas ang ating komunidad.

Ang kalinisan ng ating barangay ay responsibilidad nating lahat. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pakikiisa, makakamit natin ang mas malinis, maayos, at ligtas na pamayanan para sa bawat isa.

Magtulungan po tayo para sa ikabubuti ng ating komunidad.

IKATLONG TAON NG PAMAMAHAGI NG 600 SCHOOL SUPPLY PACKS PARA SA MGA MAG-AARAL NG URDANETA I CENTRAL SCHOOL!Sa pangunguna ...
11/06/2026

IKATLONG TAON NG PAMAMAHAGI NG 600 SCHOOL SUPPLY PACKS PARA SA MGA MAG-AARAL NG URDANETA I CENTRAL SCHOOL!

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay, Aris Christian Millora, kasama ang buong Sangguniang Barangay ng Poblacion, matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 600 school supply packs para sa mga mag-aaral ng Urdaneta I Central School, mula Grade 1 hanggang Grade 6, para sa School Year 2026.

Naging katuwang sa aktibidad na ito ang mga g**o at ang mahal na Punong-Guro ng Urdaneta I Central School upang matiyak ang maayos at organisadong pamamahagi ng mga school supplies. Ang kanilang presensya at suporta ay higit pang nagpatibay sa layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga mag-aaral.

Ang pamamahaging ito ay taunang isinasagawa bilang bahagi ng walang-sawang suporta ng ating Punong Barangay at ng Sangguniang Barangay sa edukasyon ng kabataan. Layunin nitong mabawasan ang gastusin ng mga magulang at masig**o na may sapat na gamit ang mga mag-aaral.

Laman ng bawat School Supply Pack:
• Mga kuwaderno
• Lapis at ballpen
• Intermediate paper at pad paper
• Crayons
• Pandikit, gunting, at iba pang pangunahing kagamitang pang-eskwela

Lubos ang pasasalamat ng mga magulang at mga mag-aaral sa tulong na ito na tunay na sumasalamin sa malasakit, dedikasyon, at pagmamahal sa komunidad.

Ngayong araw, June 6, 2026, muli tayong nagsagawa ng clean-up drive sa Consejo Street bilang bahagi ng ating patuloy na ...
06/06/2026

Ngayong araw, June 6, 2026, muli tayong nagsagawa ng clean-up drive sa Consejo Street bilang bahagi ng ating patuloy na adhikain na mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating komunidad.

Sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Aris Christian Millora, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay, nilinis muli natin ang drainage canal upang maalis ang mga naipong basura, putik, at iba pang dumi na maaaring magdulot ng pagbabara. Sa pamamagitan nito, masisig**o ang maayos na daloy ng tubig at makatutulong sa pag-iwas sa pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Maraming salamat sa ating mga CVOs at iba pang mga volunteer na nakiisa at naglaan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon para sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito. Ang inyong pakikiisa at bayanihan ay malaking ambag sa pagpapanatiling malinis at maayos ng ating barangay.

Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa ikabubuti ng ating komunidad at para sa isang mas ligtas at mas maunlad na kapaligiran para sa lahat.

Good news, mga ka-barangay!Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at mag-open ng account sa BDO Unibank upang masimul...
18/05/2026

Good news, mga ka-barangay!

Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at mag-open ng account sa BDO Unibank upang masimulan ang inyong financial journey at maabot ang inyong financial goals. 💙

Sa pag-open ng account sa BDO, mas mapapadali ang inyong pag-iipon, pag-manage ng finances, at pagplano para sa inyong future. Whether para sa savings, allowance, negosyo, o pang-araw-araw na transactions, handang tumulong ang BDO para maging mas secure at convenient ang inyong banking experience.

📍 Nandito po bukas sa ating Barangay Hall ang BDO upang mag-assist sa inyong account opening at iba pang banking concerns.

Huwag palampasin ang pagkakataong makapagsimula para sa mas maayos at mas secure na kinabukasan. Tara na at mag-open ng account today! 😊

Naibigay na po ang request ng ating mga senior citizen na 1,000 pirasong reading glasses at mga office supplies sa Sangg...
08/05/2026

Naibigay na po ang request ng ating mga senior citizen na 1,000 pirasong reading glasses at mga office supplies sa Sangguniang Barangay ng Poblacion na pinamumunuan ng ating butihing Punong Barangay Aris Christian Millora.

Ang mga nasabing reading glasses at office supplies ay makakatulong para sa kanilang paningin at magagamit sa mga activities ng Senior Citizens Association of Poblacion.

Tinanggap ang mga ito ng kanilang Pangulo na si Pedro V. Mendoza Jr. kasama si Dra. Annie Raflores.

Dati: ₱60,000 ➡️ Ngayon: ₱9,700! 📉☀️Tingnan ninyo ang ating electric bill bago at pagkatapos maikabit ang bagong solar s...
06/05/2026

Dati: ₱60,000 ➡️ Ngayon: ₱9,700! 📉☀️

Tingnan ninyo ang ating electric bill bago at pagkatapos maikabit ang bagong solar system sa barangay. Mula ₱60,000, bumaba na ito sa ₱9,700 na lang!
Mahigit ₱50k ang tipid natin buwan-buwan. At ang maganda rito? Bawat pisong matitipid natin sa kuryente ay direktang mapupunta sa pagpondo ng mga bagong proyekto at mas magandang serbisyo para sa ating mga residente. Ang sustainable energy ay hindi lang maganda sa kalikasan, maganda rin ito para sa budget ng ating barangay. Abangan ang mas marami pang proyekto na paparating! ✌️💙

Address

Urdaneta
2428

Telephone

+63756534117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poblacion Ang Galing posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category