26/08/2026
𝐌𝐞𝐚𝐭 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐕𝐞𝐡𝐢𝐜𝐥𝐞 (𝐌𝐓𝐕) 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬/𝐎𝐰𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐕𝐢𝐫𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠
Pinangunahan ng National Meat Inspection Service Regional Technical Operation Center 1 (NMIS RTOC 1), sa pangunguna ni 𝐃𝐫. 𝐂𝐡𝐞𝐫𝐫𝐢𝐞 𝐀𝐧𝐧 𝐉𝐚𝐯𝐢𝐞𝐫, OIC, Regional Technical Director, ang virtual meeting para sa mga Meat Transport Vehicle (MTV) Operators/Owners noong Agosto 20, 2026.
Tinalakay sa pagpupulong ang updated MTV registration, kabilang ang mga bagong documentary requirements at proseso ng pagpaparehistro. Ipinaliwanag din ang 𝙈𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙣𝙙𝙪𝙢 𝙊𝙧𝙙𝙚𝙧 𝙉𝙤. 𝘾𝙊-08-2026-510, na may petsang Hulyo 30, 2026, tungkol sa pagpapatupad ng updated MTV registration documents at Good Hygiene Practices (GHP) orientation materials.
Pweding i-access ang updated MTV Application Form at Documentary Requirements Checklist sa link na ito: https://bit.ly/updated_mtv
Layunin ng pagpupulong na matulungan ang mga operators/owners ng MTV na maging tama at kumpleto ang kanilang mga requirements upang maiwasan ang pagkaantala, pagtanggi, o pagbabalik ng kanilang mga dokumento. Naging pagkakataon din ito para sa mga kalahok na magtanong at magbigay ng kanilang mga concerns at problema kaugnay ng MTV registration.
Sa huli, layunin ng pagpupulong na mas mapadali ang proseso ng MTV registration at matiyak na kumpleto at tama ang mga kinakailangang dokumento.