01/06/2026
Magandang araw Pamilyang Valenzuelano!
Mula sa Valenzuela City Health Office, ipinapaalam po sa inyong lahat na ang ating "LIGTAS TIGDAS" bakunahan ay magsisimula na ngayong HUNYO 2026!
Kung kayo po ay may anak na edad 6 MONTHS hanggang 59 MONTHS o WALA PANG LIMANG TAONG GULANG, DALHIN NA PO NATIN SILA!
Pumunta na po tayo sa pinakamalapit na HEALTH CENTER at sa lahat ng TEMPORARY FIXED POSTS sa ating Barangay
LIBRE, LIGTAS, AT EPEKTIBO po, ANG MGA BAKUNA!
Huwag nang mag-atubili pa! Dahil ang batang BAKUNADO, PROTEKTADO! Muli ang LIGTAS TIGDAS ay magsisimula na ngayong Hunyo 2026.
Sa lahat ng health center at temporary fixed posts sa ating barangay. SAMA-SAMA NATING PROTEKTAHAN ANG ATING MGA CHIKITING!
Maraming salamat po.

01/06/2026
30/05/2026
28/05/2026
28/05/2026
28/05/2026
28/05/2026
26/05/2026
24/05/2026
21/05/2026