Bagong Lingunan Youth Organization

Bagong Lingunan Youth Organization

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Lingunan Youth Organization, Public Service, Lingunan, Valenzuela.

Photos from Bagong Lingunan Youth Organization's post 08/03/2024

A month has passed but we're still in the RapRakan high!🎀🎧

Narito ang ngalan ng mga indibidwal, grupo, at negosyo na maiging nag-abot ng kani-kanilang suporta sa "RapRakan sa Lingunan: Rap Contest" ngayong taon bilang parte ng Araw ng Pasasalamat 2024.

Walang sukat o batayan ang pagtulong, kaya naman ay higit na nagpapasalamat ang BLYO sa lahat ng suportang inyong inihandog.

Muli, maraming salamat po!

12/02/2024
11/02/2024

Isang Gabi na Puno ng kasiyahan, talento at galing ng mga kabataan para sa Araw ng Pasasalamat sa Pinagbayanan 2024.

Pinagbayanan-Concepcion Youth Council
Bagong Lingunan Youth Organization
Kap. Pepe Cabral
Sibol Events Productions



Let's Get it on ....

10/02/2024

RAPRAKAN NA BUKAS!

Isang tulog na lamang at atin nang gaganapin ang ating hinihintay na β€œRapRakan sa Lingunan: Rap Contest.” Hindi lamang iyan, bigating mga bituin sa dwelo ang matutunghayan natin bukas.

Ayain na sila ate at kuya, mga tropa at barkada para manood sa labanan ng boses at linyahan na walang papalampasing nota at tibok ng tugtog.

Meet our guests for the Araw ng Pasasalamat 2024! Tara at makisaya! RapRakan na!

06/02/2024

Halina't makiisa at makisaya sa gaganaping "RapRakan Sa Lingunan: Rap Contest" sa darating na Pebrero 11, 2024 sa Pinagbayanan Street, Barangay Lingunan.

Hindi na natin papatagalin ang paghihintay sa mga inihandang piyesa ng ating mga kalahok na hindi na rin makapaghintay na magtanghal para sa inyong lahat. Narito ang mga pangalan ng mga kalahok para sa "Raprakan sa Lingunan" ngayong taon.

Mark Genesis Balansag
Lawrence John Agustin
Anthony 'OSIP' Ursal
Ariel "AYE" Ursal
Ryan 'CHiQOSZ' Antonio
Noelito 'Strict One' Agento Jr.
Raymart 'Marc D' Oscares
Roevel Vicencio 'Disasta 187' Sampang
Rommel 'Young Boi Melly' BeriΓ±o
John Erick 'SWiSSJME' Rivera
John David 'Midah' Hermida
John Patrick 'ITCHIRO' Garbin
Barmie 'HIDDEN WRITHA' Sarol
Gemwell Malilang 'Gemtag' Tagle
Bonifacio Rosal 'Law-Prof and Dricks' Martinez

Hatid ng Bagong Lingunan Youth Organization (BLYO), sa gabay ng Pinagbayanan-Concepcion Youth Council (PCYC), halina't pakinggan ang boses ng kabataan ng Lingunan. Mangyari lamang na may katanungan ay magpadala ng private message sa ating FB Page. Ano pa'ng hinihintay niyo? RAPRAKAN NA!

Photos from Bagong Lingunan Youth Organization's post 26/01/2024

HANDA NA BA KAYO?

Humanda na dahil sa darating na ika-11 ng Pebrero, 2024, magpapakitang gilas ang iba't ibang indibidwal ng kanilang talino sa pagsulat, tibay sa balagtasan, at lakas ng loob para hamakin ang hamon ng "RapRakan sa Lingunan: Open Mic Contest."

Mayroon ka bang kaibigan na palaging bumibitaw ng "bars" o kaya naman katropang talino at talas ang dala ng bibig? Tara na at ayain ang lahat na lumahok sa paligsahang ito.

Hatid ng Bagong Lingunan Youth Organization (BLYO), sa gabay ng Pinagbayanan-Concepcion Youth Council (PCYC), halina't pakinggan ang boses ng kabataan ng Lingunan.

Registration Link: https://forms.gle/knvHXzfFpSBz7F7V9

Mangyari lamang na may katanungan ay magpadala ng private message sa ating FB Page. Ano pa'ng hinihintay niyo?

RAPRAKAN NA!

16/01/2024

Coming soon…

Para sa paparating na Araw ng Pasasalamat 2024 ng Barangay Lingunan, abangan ang isa sa maraming pasabog hatid ng inyong lingkod, BLYO at ng Pinagbayanan-Concepcion Youth Council (PCYC) sa darating na Pebrero.

Manatiling updated para sa mga susunod na anunsyo. Abangan!

16/01/2024

Para sa paparating na Araw ng Pasasalamat 2024 ng Barangay Lingunan, abangan ang isa sa maraming pasabog hatid ng inyong lingkod, BLYO at ng Pinagbayanan-Concepcion Youth Council (PCYC) sa darating na Pebrero.

Manatiling updated para sa mga susunod na anunsyo. Abangan!

Photos from Bagong Lingunan Youth Organization's post 02/12/2023

𝑺𝑢𝑳𝑫 𝑢𝑼𝑻 𝑡𝑨 𝑡𝑨𝑴𝑨𝑡! 🀍

Sa ikalawang gabi ng "3S Lingunan Christmas Lighting and Bazaar," nagtayo muli ng food stall ang Bagong Lingunan Youth Organization (BLYO) na pinamunuan ng ilan sa ating mga miyembro. Maraming salamat sa pagbisita at pagbili sa ating booth, mga Ka-Barangay!

Bukas po ang 3S Bazaar hanggang 12:00MN na gaganapin tuwing Biyernes hanggang Linggo sa buong buwan ng Disyembre. Patuloy pa tayong makiisa sa mga susunod pang proyekto sa ating barangay. Sold-out for two nights na tayo. Bukas rin kaya? Tara, kain! πŸ’™πŸ€




Photos from Bagong Lingunan Youth Organization's post 01/12/2023

Nagtayo ng booth ang Bagong Lingunan Youth Organization (BLYO) bilang pakikiisa sa unang gabi ng 3S Lingunan Christmas lighting and Bazaar. Nag papasalamat po kami sa ating butihing Kapitan Pepe Cabral kasama ang mga Kagawad sa pagkakataong makapag bigay saya sa ating mga ka-barangay.

Bukas po ang bazaar mula 5:30PM hanggang 12:00MN na gaganapin tuwing Biyernes hanggang Linggo sa buong buwan ng Disyembre. Inaanyayahan po namin kayo na pumunta sa 3S Center upang makibahagi sa selebrasyon sa dadating na kapaskuhan. Patuloy pa tayong maki-isa para sa mga susunod pa na proyekto sa ating Barangay. Maraming salamat sa mga dumalo at bumili sa aming food stall. Unang gabi ay sold out! Bukas po ulit πŸ«°πŸ»πŸ’™πŸ€




Want your business to be the top-listed Government Service in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Lingunan
Valenzuela
1446