Malinta National High School - Junior High

Malinta National High School - Junior High

Share

This is the OFFICIAL page of Malinta National High School - Junior High

01/06/2026

Pabatid sa mga Magulang at Mag-aaral

Magandang araw po!

Narito po ang ilang mahahalagang paalala at iskedyul para sa nalalapit na pagbubukas ng klase:

1. Listahan ng mga Seksyon - Nakapaskil na po sa Activity Center ang mga pangalan at seksyon ng mga mag-aaral. Maaari po ninyo itong tingnan ayon sa itinakdang iskedyul.

2. Brigada Eskwela - Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, guardian, at iba pang stakeholder na makiisa sa Brigada Eskwela. Sama-sama po nating linisin at ayusin ang ating paaralan upang maging handa at ligtas para sa darating na pasukan. Maaari rin po kayong magdala ng mga cleaning materials bilang inyong kontribusyon.

3. State of the School Address (SOSA) - Inaasahan po ang pagdalo ng mga magulang at guardian sa gaganaping State of the School Address (SOSA). Mahalaga po ang gawaing ito sapagkat ilalahad ng Punong G**o ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan, mga nagawa nitong programa at proyekto, gayundin ang mga plano at layunin para sa susunod na taon ng pag-aaral.

4. Mahahalagang Iskedyul - Pakitingnan po ang mga iskedyul na nakalagay sa ibaba at tandaan ang mga ito upang maging gabay sa mga aktibidad ng paaralan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa, suporta, at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng ating paaralan.

01/06/2026

Pabatid sa mga Magulang at Mag-aaral!

Ipinababatid po na ang Brigada Pagbasa (Pagpapabasa sa Asignaturang Filipino)para sa mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ay gaganapin bukas, Hunyo 2, 2026, magsisimula sa ganap na ika-9 ng umaga. Ito po ay isasasagawa sa MNHS Activity Center.
Inaasahan pong ang lahat ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ay makadalo sa itinakdang oras. Maraming salamat po.

11/05/2026

Pabatid!
Ipinaaalam po sa lahat na ang enrollment para sa mga Balik-aral at Transferees ay nailipat sa Mayo 18-19, 2026, mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, dahil sa mahalagang pagpupulong na dadaluhan ng pamunuan ng ating paaralan.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon.
Maraming salamat po.

05/05/2026

ANUNSYO
Narito ang mga kasagutan sa mga katanungan kaugnay ng nalalapit na enrollment:
1. Kailan at saan gaganapin ang enrollment para sa Grade 7?
Ang mga nagtapos mula sa Malinta Elementary School ay nakatakdang mag-enroll sa Mayo 11, 2026.
Susundan ito sa Mayo 12, 2026 para sa mga nagtapos mula sa Pinalagad Elementary School at Rincon Elementary School.
Samantala, ang mga nagtapos mula sa iba pang paaralan sa Valenzuela at mula sa labas ng lungsod ay maaaring mag-enroll sa Mayo 13, 2026.
*Ang venue ng enrollment ay sa Malinta National High School – Junior High School Activity Center.
2. Kailan ang enrollment para sa transferees at balik-aral?
Ang mga transferees at balik-aral ay maaaring mag-enroll sa Mayo 14 at Mayo 18, 2026.
3. Sino-sino ang mga kasali sa Project I CARE?
Ang mga kasali ay ang mga mag-aaral na kinakailangang makausap ng Punong-G**o kasama ang kanilang mga magulang. Ang listahan ng mga mag-aaral ay ipapaalam ng mga adviser sa pamamagitan ng group chat (GC).
Para sa karagdagang detalye tungkol sa iskedyul ng oras, mangyaring basahing mabuti ang unang anunsyo.
Maraming salamat po!

04/05/2026

Anunsyo!

Ipinapaalam po na ang Mathematics Regional Remediation Program na nakatakda mula May 6 hanggang June 2, 2026 ay hindi na matutuloy.

Maraming salamat po sa inyong pang- unawa.

-Pamunuan-

27/04/2026

Narito po ang schedule ng Enrollment at Oral Reading Assessment.
Basahin ang mga detalye, ihanda ang kinakailangang requirements, at sundin ang itinakdang schedule.

30/01/2026
30/01/2026

FYI
For incoming Grade 7 only.
Starts January 31 - February 27, 2026
9-4 pm
Monday - Friday at the Registrar's Office
Saturday at the Guard house.

Photos from Malinta National High School - Junior High's post 17/11/2025

Ang PEPT ay isang pagsusulit para sa mga mag-aaral na overage (huminto sa pag-aaral, hindi agad nakapag-aral, o may bagsak na taong pampaaralan) upang makapagpatuloy ng pag-aaral sa tamang baitang ayon sa edad. Inaanyayahan ang mga kwalipikadong mag-aaral mula Grade 7 to 9 ng MNHS na magpalista at magsumite ng mga sumusunod na requirements:

1. Registration Form (Guidance Office)
2. Original and Photocopy of Birth Certificate from PSA or Local Civil Registry
3. Certified True Copy of SF10/Form 137 (Registrar’s Office)
4. 2pcs 1x1 Colored ID Picture w/ Name Tag

Isumite ang mga requirements sa Guidance Office hanggang November 21, 2025.

04/08/2025

Pabatid sa mga G**o, Magulang, at Mag- aaral:
May pasok na po bukas, Agosto 5, 2025, dahil naayos na po ang linya ng kuryente. Balik na po tayo sa face to face classes.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

Want your business to be the top-listed Government Service in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


A. Pablo Street , Malinta
Valenzuela
1444

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm