10/04/2026
Magandang araw po sa lahat.. Gusto ko lang po ipabatid po sa inyo na ang Resolusyon po na ginawa po ng inyong lingkod para po sa ating mga PWDs at SOLO PARENTS po ng ating barangay na nagbibigay sakanila ng LIBRE at WALANG BAYAD ang kanilang anumang hingin na Barangay CLEARANCES o CERTIFICATIONS mula sa ating Barangay. Ito po ay bilang suporta sa ating mga PWD at SOLO PARENTS. Alam naman po natin na kahit maliit lang po ang barangay fee ay maaari pa rin itong maging dagdag gastos at pasanin po para sakanila..
Masaya po akong ibahagi sainyo na ngayong araw po ay napagtibay at nalagdaan na po ng Sanggunian ang aking Resolusyon na ito sa tulong po ng aking mga Kasama sa konseho at ng ating Punong barangay. Maraming salamat po at God bless po sa ating lahat.
10/03/2026
Magandang araw po sa lahat. Ngayong araw po, tayo po at personal na bumili at nagkabit po ng Convex mirrors para sa ating kalsada upang makatulong po sa ating mga nasasakupan na mas makita ang paparating na sasakyan, lalo na po sa mga blind spot sa kahabaan ng P.Deguzman St. papunta po ng FV7.
Sakto naman po nakita rin natin ang post ni sir Cris ILocto na kinakailangan rin po nito sa area nila, kaya po dinagdagan na po natin at naglagay na rin po tayo agad sa tukoy na area galing kaingin papuntang P.Deguzman St.
Maliit man na bagay, malaking tulong po ito para makaiwas sa aksidente at mas maging ligtas ang ating daan.. Maraming salamat po..
08/02/2026
Magandang araw po..☺️ Nakaraang buwan ng Enero po kasama ang Buong Konseho, nagkaroon po tayo ng Development plan para sa ating barangay sa lahat ng komite at isa na po rito ang komite ng Imprastraktura. Bago pa man rin po ang planning ay nagmungkahi rin po ang inyong lingkod ng mga proyekto sa ating Punong Barangay Manoy Ajero na sa tingin po natin ay kailangan nang unahin ayon rin sa pakikinig ng hinaing ng ating mga ka-barangay.
Ang mga proyektong ito ay tumutugon sa mga pangunahing problema sa imprastraktura na makakatulong para mas gumaan at mas maging maayos ang pamumuhay ng ating mga kabarangay. Ilan sa mga naging priority natin ngayong taon ay ang Rehabilitasyon ng secondary roads sa loob ng ating barangay, Drainages, pagtatayo ng ilang offices para sa mga importanteng komite upang mas makatugon sa mas nakararaming constituents.
Bagamat maliit at limitado lang ang kaya ng ating Barangay para ilaan sa Imprastaktura, Tayo po ay Bumisita at nakipag Ugnayan sa ating Butihing Congressman ng pangalwang distrito, Cong. Gerald Galang para po sakanyang mga plano na proyekto para sa ating Barangay.
28/01/2026
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐓 𝐌𝐈𝐂𝐑𝐎𝐂𝐇𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐆 🐾
Mga ka-barangay! Inaanyayahan po ang lahat ng 𝒎𝒂𝒚 𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒔𝒐 𝒂𝒕 𝒑𝒖𝒔𝒂 na makiisa sa 𝒍𝒊𝒃𝒓𝒆𝒏𝒈 𝑨𝒏𝒕𝒊-𝑹𝒂𝒃𝒊𝒆𝒔 𝑽𝒂𝒄𝒄𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝑴𝒊𝒄𝒓𝒐𝒄𝒉𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒈.
📆𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 29, 2026
⏰ 8:00 𝗔𝗠 – 12:00 𝗡𝗡
📍 𝗙𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗲 𝗩𝗶𝗹𝗹𝗮𝗴𝗲 7 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁
Patuloy po tayo naka suporta para sa kaligtasan ng ating komunidad at mga alagang hayop ❤️
Maraming salamat po Kap Manoy Ajero ❤️
10/12/2025
𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐘𝐎 𝐏𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐊𝐎𝐃 𝐀𝐘 𝐆𝐔𝐌𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐋𝐔𝐒𝐘𝐎𝐍
na magkaron po ang ating barangay ng christmas bazaar tuwing buwan ng December.
𝐋𝐀𝐘𝐔𝐍𝐈𝐍 𝐍𝐈𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐑𝐀𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘
at
𝐌𝐀𝐓𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀 𝐋𝐈 𝐋𝐈𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐍𝐄𝐆𝐎𝐒𝐘𝐀𝐍𝐓𝐄 𝐎 𝐌𝐀𝐌𝐔𝐌𝐔𝐇𝐔𝐍𝐀𝐍.
Isa na rin po itong daan upang mas maramdaman po natin ang kapaskuhan sa ating barangay at kahit papaano may ligtas na lugar po tayo para maicelebrate ang buwan ng Pasko..
ikinagagalak ko pong ibahagi sainyo na ito po ay pumasa na at naaprubahan na rin po ng aking mga kasama sa konseho at ng ating Punong Barangay John Michael Ajero.
Maraming Salamat po!
21/07/2025
RELIEF GOODS OPERATION BAGO BAGYO
Maulang araw po sa ating lahat.. Ramdam na po natin ang tag-ulan at ang mga posibleng paparating na bagyo. Tayo po ay nagpauna at namigay ng Bigas sa 400 households sa ating nasasakupan bilang tulong at suporta sa Pag pe-prepara sa posibleng pagdating ng bagyo’t sakuna.
Alam ko po may masasabi ang iba dahil hindi po mabibigyan ang lahat pero hayaan niyo po muna ako sundin ang layunin at puso ko na makatulong from my own pocket at sa abot po ng aking makakaya..
Hayaan ninyo po, hindi pa po dito natitigil at sa mga susunod na pagkakataon eh sana mapaabot ko na ang layunin ko po na makatulong sa mas nakararami at sa lahat ng aking nasasakupan.
Wala po tayong pinipili, Serbisyo at Pagtulong lang para sa lahat ang aking Layunin.
Palagi po tayong mag doble ingat at maging alerto sa ganitong masamang panahon.
01/02/2025
𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐁-𝐈𝐁𝐈𝐆 ❤️💙💚
𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐍𝐍𝐄𝐑 𝐃𝐀𝐓𝐄 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐋𝐈𝐕𝐄 𝐁𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐔𝐒𝐎 💘
May Plano na po ba kayo kung saan i-celebrate ang Araw ng mga Puso?
Kung wala pa, Ito na ang Sagot para sainyo. Libre ko na po ang Memorable DINNER DATE ninyo with Live Acoustic Band. ☺️❤️
𝙊𝙋𝙀𝙉 𝙋𝙊 𝙄𝙏𝙊 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝘼𝙆𝙄𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼-𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼𝘿𝘼 at Dahil Araw ng mga Puso, 𝙄𝙎𝘼𝙈𝘼 𝘿𝙄𝙉 𝙋𝙊 𝙉𝘼𝙏𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝘼𝙏𝙄𝙉𝙂 𝙇𝘼𝙃𝘼𝙏 𝙉𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙆𝘼𝙋𝙄𝙏-𝘽𝘼𝙃𝘼𝙔 𝙉𝘼 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙇𝙊𝙊𝘽 𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙎𝙏𝙍𝙄𝘾𝙏 2
BASAHIN KUNG PAANO ANG PAGSALI:
1. Siguraduhing Naka-Like & Follow dito mismo sa aking official page JERICHOXZAN “COCO” AJERO at I-Share Public ang Post na ito
2. Ibahagi sa comment section throwback photo together at ibahagi kung saan/paano nag simula ang inyong Love Story ❤️ Isama rin ang Pareho ninyong buong Pangalan at Barangay
(Example: Raul Lee & Adonisa Pecsonillo/Barangay Parada)
3. I-tag/mention sa inyong photo entry sa comment section sa ibaba ang inyong malalapit na mga kaibigan at imbitahan sila na I-Heart React ito.
4. Bukas ito sa lahat ng magkasintahan/mag asawa/ live in partner at sa mga LGBT couples sa Parada at sa Lahat ng Barangay sa District 2 lungsod ng Valenzuela na may edad 18 taong gulang pataas.
5. Isang pares lamang na couple sa bawat barangay sa District 2 ng Valenzuela maliban sa Barangay Parada ang mapipili.
PAALALA:
1. Isa lamang sa inyo ng iyong partner ang maaari mag-entry.
3. Magdala ng inyong valid ID kung sakali na kayo ang mapipili (kayo ay makakatanggap ng mensahe mula sa akong page na ito)
4. Ang inyong Entry ay tatanggapin hanggang February 13, 2025 lamang.
5. Abangan ang announcement ng mga couples na makakasama para sa isang libreng dinner date with Live Acoustic Band sa February 13, 2025 | 8:PM