John MANOY Ajero

John MANOY Ajero

Share

Malinis, Maayos at Maasahang Serbisyo.

Tuloy ang Lakas ng Parada!

📲 Like, Share, at i-Tag ang iba para updated sa mga plano, activities, at programa ni Kap Manoy!

Photos from Valenzuela City's post 16/06/2026

🩺 Libreng Serbisyong Medikal para sa ating mga Ka-Barangay!

Inaanyayahan po natin ang lahat na samantalahin ang pagkakataong makiisa sa Alagang Pamilyang Valenzuelano Medical Mission.

🗓️ Hunyo 20, 2026 (Sabado)
⏰ 8:00 A.M. – 11:00 A.M.
📍 Jaworski Court, Barangay Parada

Magkakaroon ng libreng medical consultation, ECG screening, dental services, laboratory services, family planning services, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Kita-kits po tayo!

Photos from Valenzuela City's post 12/06/2026

🏥 Mula sa dating Barangay Hall, isa na ngayong makabagong Health Center.

Pormal nang pinasinayaan ang bagong Health Center ng ating barangay, na ngayon ay isang PhilHealth YAKAP Accredited Facility na magbibigay ng mas maayos, mas dekalidad, at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat kay Mayor WES Gatchalian sa kanyang patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan ng lungsod.

Patuloy po nating pagsisikapan na makapaghatid ng mga proyekto at programang makatutulong sa kapakanan ng bawat taga-Parada.

10/06/2026

‼️ MAYNILAD ADVISORY ‼️

Please be informed that our customers in portions of Arkong Bato, Bagbaguin, Balangkas, Bignay, Bisig, Coloong, Dalandanan, East Canumay, Gen. T. De Leon, Isla, Karuhatan, Lawang Bato, Lingunan, Mabolo, Malanday, Malinta, Mapulang Lupa, Marulas, Maysan, Palasan, Parada, Pariancillo Villa, Paso De Blas, Pasolo, Poblacion, Pulo, Punturin, Rincon, Tagalag, Ugong, Veinte Reales, Wawang Pulo, and West Canumay in Valenzuela City will experience a water service interruption from 11:00 PM on June 10, 2026, to 3:00 PM on June 11, 2026, due to preventive maintenance and system improvement works at the La Mesa Pumping Stations.

We apologize for the inconvenience. Thank you.

Photos from John MANOY Ajero's post 06/06/2026

Congratulations sa aking maybahay sa pagkakahalal bilang bagong President ng KALIPI Federation Valenzuela!

Nawa’y maging matagumpay ang iyong paglilingkod at mas marami pang kababaihan sa ating lungsod ang mabigyan ng boses, pagkakataon, at inspirasyon.

Proud of you Lourelie Mae Ajero! Buong puso kaming sumusuporta sa iyo. God bless you always.

Photos from Senator Win Gatchalian's post 03/06/2026

Congratulations, Senator Win Gatchalian!

A leader who puts service above politics and the people’s interests above all else.

Mabuhay po kayo!

Photos from John MANOY Ajero's post 03/06/2026

Kaisa tayo sa Brigada Eskwela 2026!

Nag-abot tayo ng kaunting tulong na mga materyales gaya ng pintura at iba pang kagamitan sa ating Elementarya at High School. Nagsagawa rin ng paglilinis at maintenance ng mga aircon upang makatulong sa paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sama-sama nating suportahan ang ating mga paaralan at magtulungan para maging handa ang mga silid-aralan sa bagong taon ng pag-aaral. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras para sa gawaing ito!

30/05/2026

🩸 Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong donors na makiisa sa Mass Blood Donation Drive ngayong araw sa 3S Center Barangay Parada, bilang bahagi ng program drive ng Philippine Red Cross Valenzuela City Chapter at Red Cross 143 Barangay Parada.

Ang bawat patak ng dugong inyong ibabahagi ay maaaring magligtas ng buhay at maging pag-asa ng mga nangangailangan.

Maging bayani.


Photos from John MANOY Ajero's post 25/05/2026

Pre-construction meeting para sa sisimulang Improvement of Road & Drainage sa Parada Road (Maysan Bridge to VALTECH) kasama ang City Engineers at contractor, isang priority project ng lungsod sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian.

Asahan po ninyo ang patuloy nating koordinasyon at pagbabantay sa maayos na implementasyon ng proyekto, para sa mas maayos na kalsada, mas maayos na daluyan ng tubig, at mas ligtas na komunidad para sa ating lahat.

25/05/2026

Isang pagbati sa bagong Presidente ng Fortune Village 4 HOA at sa kanilang mga officers na nanumpa sa ating harapan.

Asahan ninyo ang patuloy na pakikipag-ugnayan at koordinasyon ng barangay upang lalo pang mapalakas ang samahan, pagkakaisa, at maayos na serbisyo para sa kapakanan ng ating mga residente.

25/05/2026

Thank you sa mga kinatawan ng Valenzuela City’s Alternative Learning System (ALS) sa kanilang courtesy visit at sa layunin nilang maipalaganap ang mga programang pang-edukasyon para sa mga out-of-school youth at adult learners sa ating komunidad.

Inaanyayahan natin ang ating mga kabarangay na gustong magbalik-eskwela na huwag mahiya. Hindi hadlang ang edad o anumang pinagdaanan sa buhay para muling magsimula, mangarap, at makapagtapos ng pag-aaral. 📚

Want your business to be the top-listed Government Service in Valenzuela?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Parada
Valenzuela