02/06/2026
HAPPENING NOW: Ang Social Security System (SSS) E-Wheels na isinasagawa ngayong umaga sa 3S Center Bignay. Hanggang 1:00PM lang po ito kaya tara na mga ka-barangay.
Paki-open ang original post sa FB Page ng Barangay Bignay para sa ibang impormasyon patungkol sa SSS E-Wheels.
🔗 https://www.facebook.com/share/p/1Xqq5YKRuQ/
29/05/2026
Barangay Bignay | May 26, 2026 | Tuesday
𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 & 𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐉𝐔𝐕𝐄𝐍𝐈𝐋𝐄 𝐂𝐑𝐈𝐌𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐓𝐀𝐍𝐎𝐃 𝐒𝐊𝐈𝐋𝐋𝐒 𝐄𝐍𝐇𝐀𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
Ang pagsasagawa ng seminar patungkol sa Juvenile Crime Prevention at Barangay Tanod Skills Enhancement na ginanap sa Multi-Purpose Hall HRO Building, Disiplina Village Bignay. Pinangunahan ito ng ating Guest Speaker na si Mr. Kim Daniel Cerbito, LGOO III mula sa DILG - Valenzuela City.
Atin itong dinaluhan kasama ang Konseho ng Barangay Bignay, mga Barangay Tanod at mga miyembro ng Barangay Peace and Order Council.
28/05/2026
Barangay Bignay | May 18, 2026 | Monday
Naisagawa ang libreng check-up sa mata, ilong at lalamunan para sa ating mga mahal na Senior Citizens.
28/05/2026
Alinsunod sa Republic Act No. 8491, Seksyon 30 at Seksyon 31, nagsisimula ang National Flag Days ngayong araw, Mayo 28, 2026, hanggang Hunyo 12, 2026, kung saan hinihikayat ang mga Pilipino na i-display ang pambansang watawat sa mga opisina, ahensya, at sangay ng pamahalaan, mga establisyemento ng negosyo, paaralan, pribadong gusali, at mga tahanan.
Makiisa sa pagdiriwang na ito at taas-noong itaas ang watawat ng Pilipinas, Valenzuelanos!
26/05/2026
Barangay Bignay | May 25, 2026 | Monday
Bilang bahagi ng programa para sa ating mga kabarangay na kabilang sa PWD at Senior Citizens na nangangailangan ng mga kagamitan na pangsuporta sa kanilang pangaraw-araw, patuloy muling naghahandog ang ating Barangay Bignay ng wheelchairs, diapers at quadcane.
Katuwang natin sa pagpapamahagi ang ating mga
Barangay Staff na sina Ms. Shiela Joy Cruz at Mr. Erwin Lopez.
Nawa po ay makatulong po sa inyo ang mga kagamitang ito na magpapaginhawa at magpapagaan ng inyong karamdaman. Patuloy po ninyong palakasin ang inyong kalusugan.
26/05/2026
Barangay Bignay | May 25, 2026 | Monday
𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆: 𝐋𝐔𝐏𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐏𝐀 (𝐌𝐀𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔)
Ang pagpupulong ng mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa para sa Buwan ng Mayo na isinagawa dito sa 3s Bignay Conference Room na pinasimulan ng ating Barangay Secretary Rico De Jesus at Lupon President Fidel Francisco.
26/05/2026
Barangay Bignay | May 25, 2026 | Monday
Ang Courtesy Call ng mga Persons with Disability (PWD) Cash For Work Beneficiaries.