19/12/2025
Valenzuela City Cultural and Tourism Development Office
Our mission is to research, document, preserve, promote and develop Valenzuela City’s history, cultural heritage, artistic wealth and tourism potential.
19/12/2025
Maligayang pasko!
29/11/2025
Ngayong araw, inaalala natin ang tapang at pamana ni Andres Bonifacio, bayani ng ating kalayaan at matalik na kaibigan ni Dr. Pío Valenzuela.
Maligayang ika-162 taong kaarawan, Supremo!
28/11/2025
FREE TRAINING
Training on DocumentingMovable Heritage (Religious Objects)
Sunday, November 30, 2025
1:00 pm
Museo ni Dr Pio Valenzuela
Pariancillo Villa, Valenzuela City
Resource Person: Mr. Robby Dela Vega
27/11/2025
Naganap noong Nobyembre 13, 2025 ang Valenzuela City Culture and Arts Council Meeting sa Museo ni Dr. Pio Valenzuela upang talakayin at aprobahan ang panukalang 2026 Annual Cultural Development Plan ng lungsod. Kabilang sa mga dumalo sina G. Michael Angelo Urieta, Museum Curator ng Cultural Affairs and Tourism Development Office; Bb. Alice Sicat, Assistant Regional Director ng Philippine Information Agency–NCR; Bb. Rochelle Silverio mula sa Local Arts Group; G. Peter Quintana mula sa Business Sector; Konsehal Chiqui Carreon, Chair ng Committee on Arts, Culture and Tourism, kasama ang kanyang kinatawan na si G. Michael Sula; G. Alfredo Galicia mula sa Schools Division Office–Valenzuela; at Bb. Jenny Taborda, kinatawan ni Bb. Katrina Anne S. Bernardo-Balingit, Pinuno ng Public Information Office.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang mga programang magsusulong sa patuloy na pag-unlad ng sining, kultura, at pamanang Valenzuelano.
26/11/2025
Dumalo sina Jonathan Balsamo at Michael Angelo Urieta, mga kinatawan ng Lungsod Valenzuela sa "Training cm Writeshop on Crafting of Local Creative Industries Development Plan (LCIDP)" na idinaos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong Oktubre 20-24, 2025, sa Clark, Pampanga.
Layunin ng nasabing writeshop na bigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga lokal na pamahalaan upang makapagbalangkas ng kani-kanilang Creative Industries Plan bilang suporta sa paglago ng sektor na ito.
24/11/2025
Inimbitahan bilang Resource Speaker si G. Jonathan Balsamo, pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kultura at Turismo ng Lungsod Valenzuela, sa programang “Katapangan, Karangalan, Katarungan: Ang Pag-alala sa Pag-ibig ni Bonifacio sa Tinubuang Lupa” na inorganisa ng Social Studies Achievers Circle (SSAC) ng Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus ngayong Nobyembre 24, 2025.
Sa naturang pagdiriwang, ibinahagi ni G. Balsamo ang kanyang kaalaman hinggil sa makabayang diwa ni Andres Bonifacio, kasama ang kahalagahan ng kasaysayan at pagsusulong ng kulturang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon.
24/11/2025
Nagsilbi bilang Panel Member si G. Jonathan Balsamo, pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kultura at Turismo ng Lungsod Valenzuela, sa 17th Saint Hyacinth Research Colloquium ng University of Santo Tomas – College of Tourism and Hospitality Management na ginanap noong Nobyembre 20, 2025, sa UST, Manila.
Sa temang “Sustainable Transformation through Tourism and Hospitality Development,” nakibahagi si G. Balsamo sa pagtasa at pagtalakay ng mga pananaliksik kaugnay ng makabagong usapin, hamon, at pag-unlad sa industriya ng turismo at hospitality management.
24/11/2025
Inanyayahan si G. Jonathan Balsamo, pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kultura at Turismo ng Lungsod Valenzuela, bilang Panel Speaker sa Youth for Tourism and Hospitality International Conference (Y4TH) na inorganisa ng UP Asian Institute of Tourism Alumni Association (UP AITAA) noong Nobyembre 8, 2025, sa Far Eastern University – Manila (FEU).
Tinalakay sa kumperensiya ang temang “Tourism Metamorphosis: Transforming Travel Towards Sustainability,” kung saan ibinahagi ni G. Balsamo ang karanasan at gawi ng Valenzuela City sa pagpapatupad ng sustainable tourism sa sektor ng pamahalaan at pribadong institusyon.
19/11/2025
Ngayong araw, ating ipinagdiriwang ang ika-40 kaarawan ni G. Jonathan Balsamo, Pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kultura at Turismo ng Lungsod Valenzuela.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pangunguna, dedikasyon, at malasakit sa pagsusulong ng kasaysayan, sining, at kulturang Valenzuelano. Nawa’y maging masagana at makabuluhan ang sumunod na yugto ng inyong buhay.
Maligayang kaarawan, Sir Jobal!
10/11/2025
📢 Abiso sa Publiko
Ang Pistang Polo 2025 Singing Contest na nakatakda sa Nobyembre 10, 2025 (Lunes), 8:00 PM sa San Diego Church Patio ay kanselado dahil sa inaasahang paglandfall ng Bagyong Uwan. 🌧️
Ang kaligtasan ng lahat ang aming pangunahing prayoridad. Magingat po tayong lahat. 🙏
10/11/2025
JUST IN: President Ferdinand R. Marcos Jr. signs into law a bill declaring November 12 of every year as a special non-working holiday in Valenzuela City, in commemoration of its founding anniversary. | Ruth Abbey Gita-Carlos
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Address
Museo Valenzuela
Valenzuela
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 9am - 5pm |
