Barangay Bagbaguin Valenzuela City

Call Directions Website Contact the organization

Barangay Bagbaguin Valenzuela City Local Government Unit

09/10/2026
05/10/2026

THE BATTLE FOR TOP 4 BEGINS! βš”οΈπŸ€

Kilalanin ang mga kopunan na maghaharap-harap sa ating LIGA NG MGA BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT QUARTER FINALS.

Walang bibitaw, Kitakits sa covered court, mga kabarangay!

OPISYAL NA PAHAYAG NG BARANGAY BAGBAGUIN PATUNGKOL SA POST NI G. JA ESCOBAR SA KANYANG PERSONAL FACEBOOK ACCOUNTUna sa l...
05/10/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG BARANGAY BAGBAGUIN PATUNGKOL SA POST NI G. JA ESCOBAR SA KANYANG PERSONAL FACEBOOK ACCOUNT

Una sa lahat, humihingi po kami ng pang-unawa kung medyo natagalan ang aming pagtugon sa nasabing post.

Kinailangan po namin ng sapat na panahon upang ma-verify ang lahat ng impormasyong kaugnay ng insidente, masuri ang ambulance logbook, at makuha ang salaysay ng mga taong direktang sangkot, upang matiyak na ang aming ilalabas na pahayag ay naaayon sa aktuwal na nangyari.

Hindi po namin nais na agad magbigay ng pahayag nang hindi muna nasusuri nang maayos ang buong pangyayari. Mahalaga sa amin na maging tama, patas, at batay sa mga dokumento at salaysay ang anumang paglilinaw na aming ilalabas.

Una sa lahat, nais po naming linawin na sa Barangay Bagbaguin ay walang scheduling system sa paggamit ng ambulansya. Lahat ng emergency cases ay agad na tinutugunan at itinatakbo ng barangay ambulance. Kung sakaling wala ang ambulansya dahil kasalukuyan itong may tinutugunang emergency, agad itong itinatawag sa Valenzuela Rescue upang matugunan ang pangangailangan ng pasyente.

Ikalawa, ayon sa aming ambulance logbook, sa oras at araw ng nasabing insidente ay may apat (4) na pasyente na sabay-sabay na nagtungo sa barangay upang humingi ng transportasyon. Ang kamag-anak ni G. Escobar ang ikaapat. Sa pagdating ng kamag-anak ng nanay ni JA Escobar, ang ambulansya ay kasalukuyang may sakay nang pasyente na hinimatay at walang malay at nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Mayroon din itong kasabay na pasyente na isang dialysis patient, na ibinaba sa Hope Dialysis Center, na along the way papunta sa Valenzuela Emergency Hospital. Ayon sa ambulance driver, malinaw niyang ipinaalam na kung kaya namang umupo ng pasyente ay maaari na nila itong isabay. Gayunpaman, iginiit ng kamag-anak na kinakailangan ng pasyente ang stretcher. Dahil dito, ipinaalam ng ambulance driver na babalikan sila pagkatapos maihatid ang kasalukuyang pasyente sa ospital.

Sa pagkakataong iyon, pumayag naman sila at nagpahayag na handa silang mag-standby at maghintay sa pagbabalik ng ambulansya. Tatlong (3) beses ding nilinaw ng ambulance driver na babalikan sila matapos maihatid ang kasalukuyang pasyente. Pagdating ng ambulansya sa Valenzuela Emergency Hospital, agad na tumawag ang ambulance driver upang ipaalam na pabalik na siya at upang maabisuhan ang kamag-anak na naiwan sa barangay. Sa pagkakataong iyon, payag pa rin naman sila at nagpahayag na handa silang mag-standby at maghintay sa pagbabalik ng ambulansya. Ngunit, makalipas lamang ang ilang minuto, bigla nilang binawi ang kanilang desisyon na maghintay at sinabi na magbu-book na lamang sila ng Grab.

Sa kabila nito, ipinaabot pa rin ng ambulance driver sa dispatcher na ipaalam sa kamag-anak na kung sino man ang maunang makarating sa kanila ng Grab, siya ang magdadala sa pasyente sa Fatima Hospital, upang matiyak na hindi na maaantala ang kinakailangang pagpapagamot ng pasyente.

Ikatlo, nais din naming ipahayag na nakakasama po ng loob ang ilan sa mga mensaheng aming natanggap kaugnay ng insidenteng ito.

Nauunawaan namin ang pag-aalala ng bawat isa para sa kanilang mahal sa buhay, ngunit hindi po nararapat ang paggamit ng mga salitang nagmumura, nanlalait, o tumatawag ng β€œtonta” sa mga taong nagsisikap tumugon sa emergency situations.

Hinihiling po namin na bago magbigay ng komento o manghusga sa nangyari, alamin muna ang buong pangyayari at aktuwal na sitwasyon, upang maiwasan ang pagbibigay ng maling impormasyon o pagpapalala ng usapin.

Ang aming layunin ay hindi ang makipagtalo o manisi ng sinuman. Nais lamang po naming mailahad ang panig ng Barangay Bagbaguin at ang aktuwal na pangyayari batay sa ambulance logbook at sa salaysay ng mga taong direktang sangkot, upang maging malinaw sa lahat ang naging proseso at desisyon noong araw na iyon.

Muli, humihingi po kami ng pang-unawa kung hindi kami agad nakapagbigay ng pahayag. Kinailangan po naming maglaan ng oras upang maayos na beripikahin ang bawat detalye bago magsalita, dahil nais naming maging responsable at patas sa lahat ng panig.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

04/10/2026
π™π™„π™‡π™ˆ π™‹π™Šπ™Žπ™π™€π™ | π˜½π˜Όπ™π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™” π˜Ύπ™ƒπ™„π™‡π˜Ώπ™π™€π™‰'π™Ž π˜Όπ™Žπ™Žπ™Šπ˜Ύπ™„π˜Όπ™π™„π™Šπ™‰ π˜½π˜Όπ™‚π˜½π˜Όπ™‚π™π™„π™‰ π˜Ύπ™ƒπ˜Όπ™‹π™π™€π™ 🎬 ✨Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng PI...
02/10/2026

π™π™„π™‡π™ˆ π™‹π™Šπ™Žπ™π™€π™ | π˜½π˜Όπ™π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™” π˜Ύπ™ƒπ™„π™‡π˜Ώπ™π™€π™‰'π™Ž π˜Όπ™Žπ™Žπ™Šπ˜Ύπ™„π˜Όπ™π™„π™Šπ™‰ π˜½π˜Όπ™‚π˜½π˜Όπ™‚π™π™„π™‰ π˜Ύπ™ƒπ˜Όπ™‹π™π™€π™ 🎬 ✨

Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng PISTA NG MGA BATA ngayong 2026, narito ang isa sa mga film poster na inihahandog ng ating mga Ka-Tropaaa bilang pagpapakita ng kanilang makulay na paglalakbay bilang mga Kabataang Lider.

Abangan ang iba pang film poster na nagmula sa mga BATA para sa mga BATA! πŸ’™



PAALALA: Ang lahat ng larawang makikita rito ay may kaukulang pahintulot mula sa mga kabataang lumahok sa aktibidad. Maging responsable at magalang sa pagkomento. Iwasan ang anumang mapanakit o hindi naaangkop na pahayag.

π™π™„π™‡π™ˆ π™‹π™Šπ™Žπ™π™€π™ | π˜½π˜Όπ™π˜Όπ™‰π™‚π˜Όπ™” π˜Ύπ™ƒπ™„π™‡π˜Ώπ™π™€π™‰'π™Ž π˜Όπ™Žπ™Žπ™Šπ˜Ύπ™„π˜Όπ™π™„π™Šπ™‰ π˜½π˜Όπ™‚π˜½π˜Όπ™‚π™π™„π™‰ π˜Ύπ™ƒπ˜Όπ™‹π™π™€π™ 🎬 ✨

Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagdiriwang ng PISTA NG MGA BATA ngayong 2026, narito ang isa sa mga film poster na inihahandog ng ating mga Ka-Tropaaa bilang pagpapakita ng kanilang makulay na paglalakbay bilang mga Kabataang Lider.

Abangan ang iba pang film poster na nagmula sa mga BATA para sa mga BATA! πŸ’™



PAALALA: Ang lahat ng larawang makikita rito ay may kaukulang pahintulot mula sa mga kabataang lumahok sa aktibidad. Maging responsable at magalang sa pagkomento. Iwasan ang anumang mapanakit o hindi naaangkop na pahayag.

P.S! Ang pag-count ng HEART reaction ay hanggang November 15, 2026 lamang.

UPDATE | SOLAR LIGHTS SA SAPA ST. BAGBAGUINMatapos malaman na may nag-jumper sa wiring ng mga streetlights sa Sapa St., ...
02/10/2026

UPDATE | SOLAR LIGHTS SA SAPA ST. BAGBAGUIN

Matapos malaman na may nag-jumper sa wiring ng mga streetlights sa Sapa St., agad na isinagawa ang kaukulang hakbang upang maiwasan ang posibleng electrical hazard at mas malalang insidente.

Bilang tugon dito, kasalukuyan nang ikinakabit ngayong araw ang mga solar lights sa Sapa upang maibalik ang ilaw sa lugar sa mas ligtas na paraan.

Patuloy ang Barangay Bagbaguin sa paghahanap at pagpapatupad ng mga ligtas at maayos na solusyon para sa ating komunidad.

Para sa mas ligtas at mas maliwanag na Sapa. πŸ’‘β˜€οΈ


01/10/2026
PAKIUSAP PO SA MAY-ARI NG SASAKYAN 🚨Kung sino man po ang may-ari ng sasakyang ito na kasalukuyang nakaparada sa 3S Bagba...
01/10/2026

PAKIUSAP PO SA MAY-ARI NG SASAKYAN 🚨

Kung sino man po ang may-ari ng sasakyang ito na kasalukuyang nakaparada sa 3S Bagbaguin Grounds, pakiusap po na pakikuha o ilipat po ito sa ibang lugar.

Ang naturang pwesto ay allotted parking area para sa mga sasakyan ng Barangay. Dahil po sa pagkakapark nito, nahihirapan ang mga barangay vehicles na makapag-manuobra, makapasok at makalabas nang maayos.

Pakiusap po ang inyong kooperasyon upang hindi maabala ang operasyon at serbisyo ng Barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan.

29/09/2026

Kami po ay patuloy na tumatanggap ng mga aplikante para sa TESDA Training

β€Ό LIBRENG TRAINING AT ASSESSMENT

πŸ”ΉEVENTS MANAGEMENT SERVICES NC III
(14 days online class)

QUALIFICATION: at least 18 years old
REQUIREMENTS:
πŸ“Œ High School Diploma, College Diploma, ALS Certificate, o Transcript of Records (TOR)
πŸ“Œ 4 pcs. Passport-size ID Picture (white background, with name tag)
πŸ“Œ 3 pcs. 1Γ—1 ID Picture
πŸ“Œ Colored Photocopy ng PSA Birth Certificate
πŸ“Œ Colored Photocopy ng PSA Marriage Certificate (if married)
πŸ“Œ3 photocopies of National ID (front & back)
πŸ“Œ 1 Long Brown Envelope
πŸ“Œ BSRS Account (panoorin ang video kung paano gumawa ng BSRS Account)
https://youtu.be/-QOVxoyR6i0?si=OEcYNcohzXDbwGJe

For inquiries, Contact us at 8352-1000 loc 1603 / 0955-308-1149 or message us at our FB Page Cris Feliciano
Kung kumpleto na po ang inyong requirements, maaari nyo na pong ipasa sa:
Office of Coun. Cris Feliciano 2nd Floor, Legislative Building Valenzuela City Hall .


Address

A. Mariano Street , Bagbaguin
Valenzuela
3020

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+6389620014

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bagbaguin Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Bagbaguin Valenzuela City:

Shortcuts

Share