27/04/2026
💙 MAGING FOSTER PARENT SA VALENZUELA CITY! 💙
May mga batang nangangailangan ng ligtas, mapagmahal, at pansamantalang tahanan—maaaring ikaw na ang magbigay nito.
Ang Foster Care Program ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal at pamilya na maging bahagi ng paghubog ng kinabukasan ng isang bata.
📌 Ang Foster Care ay pansamantalang pag-aalaga sa batang nangangailangan ng kalinga habang inaayos ang kanyang mas permanenteng tahanan.
👉 Simulan ang paglalakbay bilang Foster Parent ngayon.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring mag-send ng mensahe sa aming page.
28/03/2026
Basic Adolescent Reproductive and Sexual Health Education 💙
Ngayong, March 28, nagsagawa ang Valenzuela City Child Protection Center ng Module 2 ng aming Psychoeducation Series, na nakatuon sa Reproductive and Sexual Health.
Sa pamamagitan ng child-friendly at participatory na session, natutunan ng mga adolescents ang tungkol sa male at female reproductive system, ang tama at may paggalang na paggamit ng body terms, at ang kahalagahan ng pag-unawa at pag-aalaga sa kanilang katawan habang sila ay lumalaki.
Tinalakay din ang mga konsepto ng respect, private parts, at personal boundaries, kasama ang usapin tungkol sa sexually transmitted infections (STIs) at HIV, kabilang ang modes of transmission at prevention—na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng informed at responsible decision-making.
Maraming salamat sa aming resource speaker, Nurse Ruru, at sa aming team—Intervention Social Worker Julie, Ma’am Nea, at Doc Soi—for making today’s session engaging and meaningful. 💙
Nagpapasalamat din kami kina Ma’am Wina, Ma’am Edlie, at Sir Gerald sa kanilang suporta in facilitating their clients’ participation and completion of the health education module ngayong March. 💙
Stay tuned for more health education sessions from the VCCPC Medical Team!
Ang activity na ito ay bahagi ng aming continued efforts na mabigyan ang mga kabataan ng kaalaman upang makagawa ng healthy at informed choices.
📸 Photos were taken and posted with permission. Faces of children that appear blurred are intentionally protected, as consent for public posting was not provided.
Send a message to learn more
17/03/2026
Ang pagprotekta sa bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman at aksyon.
Ang gabay na ito na ibinahagi sa website ng Philippine Pediatric Society (PPS) ay nagpapaliwanag kung paano maghain ng kaso ng child abuse at kung paano dumaan sa legal na proseso.
🎥 Panoorin:
🔗
Child Protection: How to File Child Abuse Cases and Navigate the Legal Process
Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.
14/03/2026
Healthy habits start with the right knowledge—and the right tools.
Bilang bahagi ng Basic Health Education Module, makakatanggap ang mga kalahok ng basic health kit na may mahahalagang gamit para sa personal hygiene at preventive care, tulad ng toothbrush at toothpaste, mouthwash, sanitary pads, gamot laban sa kuto, at iba pang personal care items.
Kasama ng Health Record para sa mga Bata at Kabataan, layunin ng mga resources na ito na tulungan ang mga pamilya na makabuo ng mabubuting gawi sa kalusugan, mas maagang makilala ang mga posibleng health concerns, at masuportahan ang kalusugan at kapakanan ng mga bata at kabataan.
💙 Ang mga sesyon ay by appointment lamang at may limitadong slots.
Ang mga brand na makikita sa larawan ay hindi endorsement at bahagi lamang ng laman ng health kit.
12/03/2026
Ang kalusugan ng mga bata ay nagsisimula sa tamang kaalaman.
Bilang bahagi ng Basic Health Education Module para sa mga bata, ilulunsad ang Health Record para sa mga Bata at Kabataan—isang praktikal na gabay para sa mga pamilya sa pangangalaga ng kalusugan, kaligtasan, at tamang pag-unlad ng mga bata.💙