07/09/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO | SOCIAL PENSION PAYOUT
Magkakaroon po ng ilang pagbabago sa schedule at venue ng Social Pension Payout dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya sa anumang abalang maaaring maidulot ng mga pagbabagong ito.
📅 SEPTEMBER 8, 2026
BAGONG VENUE:📍 SAN JOSE POBLACION BRGY. PLAZA
❗ Hindi na po sa Municipal Plaza gaganapin ang payout.
📅 SEPTEMBER 10, 2026
❌ WALA PO MUNANG PAYOUT para sa mga Interior Barangays.
📅 SEPTEMBER 11, 2026
✅ RESCHEDULED PAYOUT para sa mga apektadong Interior Barangays.
💙 Mga mahal naming Lolo’t Lola, maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pasensya. Nauunawaan po namin na maaaring makaabala ang pagbabagong ito, ngunit ginagawa po namin ang lahat upang maging maayos, ligtas, at maginhawa ang inyong pagtanggap ng social pension.
🙏 Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pag-unawa.