24/07/2026
CONGRATULATIONS!!! You won an iPhone!
Familiar? Sa Pilipinas, Napakarami nang nabibiktima ng online gambling. Madaling kumita, ngunit madali rin mawala. Mabubulaklak na salitang binabanggit ng mga influencer at artista para ma-click mo and download, habang sila yung KUMIKITA.
Alam mo bang marami nang pamilya ang nasira dahil sa sugal? Mga anak na walang makain sa tuwing nagsusugal si papa? Ito ay reyalidad ng ibang tahanan dahil sa addiction na “isang spin nalang” at “isang game nalang” ay nasasaktan na ang buong pamilya—ang asawa, mga anak, at mga pangarap na pinaghirapang buuin.
No amount of luck can replace the value of hardwork! DIBA? Imbes na ginugugol mo ang oras at pera mo sa pagsusugal, Why not render some time to gain new skills? Save your money! At the end of the day, The best bet you’ll ever make is betting on yourself. STOP ONLINE GAMBLING.
Uto uto ka ba? Nakaka engganyo nga namang marinig kung sasabihin nilang madali lang dumoble ang iyong pera. PERO, MAG ISIP KA NGA! Ipinapakita lang nila ang mga iilan na nanalo, pero hindi nila isheshare yung mga libo-libong natatalo.
📝 - Jhon Sugui
🎨 - Jae Abrio