Rojo Sannad Law Office

Directions

Rojo Sannad Law Office LEGAL CONSULTANT

04/11/2026

ANO ANG MGA KASONG KRIMINAL NA DAPAT DUMAAN MUNA SA BARANGAY BAGO I-FILE SA FISCAL O KORTE?

1. Slight Physical Injuries – Art. 266, Revised Penal Code

2. Other Light Physical Injuries – Art. 266, RPC
Slander/Oral Defamation – Art. 358, RPC, kung pasok sa penalty threshold

3. Other Light Threats – Art. 285, RPC

4. Other Light Coercions – Art. 287(2), RPC

5. Unjust Vexation – Art. 287(2), RPC

6. Trespass to Property – Art. 280, RPC, kung pasok sa threshold

7. Alarms and Scandals – Art. 155, RPC, kung pasok sa threshold

8. Malicious Mischief – Art. 327, RPC, kung pasok sa threshold

9. Theft – Art. 308, RPC, kung pasok sa applicable penalty threshold

10. Other offenses punishable by imprisonment of not more than 1 year or fine of not more than ₱5,000, subject to Sec. 408(c), R.A. No. 7160.

Legal Basis: Sections 408 and 412, R.A. No. 7160 (Katarungang Pambarangay Law).

03/11/2026

DILG, pinaigting ang safer cities initiative noon pang Abril!

Narito ang mga ipinagbabawal gawin;

❎Inuman sa Kalsada- huhulihin ang mga nag iinuman sa kalye at paglatag ng mesa at silya para rito.

❎Topless sa Kalye- Huhulihin ang mga topless o walang damit pang itaas sa kalye.

❎Videoki past 10- huhulihin ang mga nag vivideoki ng lagpas 10 PM

❎Paggala-galang Kabataan- gagawa ng kaukulang aksyon para sa mga menor de esad na pakalat kalat ng lagpas 10 PM.

Our heartfelt thanks to Pangasinan State University and LGU Urdaneta City for the invitation and for giving one of our l...
02/11/2026

Our heartfelt thanks to Pangasinan State University and LGU Urdaneta City for the invitation and for giving one of our lawyers the opportunity to serve as a resource speaker for PSU’s GAD Webinar Series and LGU Urdaneta City’s GAD Training and Seminar.

It was a meaningful and fulfilling experience to share legal knowledge, practical insights, and perspectives on gender and development. More than an opportunity to speak, it was also a chance to engage in conversations that inspire awareness, understanding, respect, and positive change.

We truly appreciate the trust, warm hospitality, and recognition extended to our office. It is always a privilege to contribute our knowledge and expertise to initiatives that promote gender equality and empower individuals and communities.

Thank you for having us! 💜

30/10/2026

PWD's

Hindi lahat ng kapansanan ay nakikita sa panlabas na anyo. May mga disability rin na may kaugnayan sa pagsasalita, pagkatuto, mental health, cancer, at rare diseases.

Narito ang 10 kategoryang dapat nating malaman upang mas maunawaan ang mga karapatan ng persons with disabilities.

Paalala: Kumuha ng PWD ID sa inyong LGU/PDAO upang makuha ang mga benepisyong naaayon sa batas.

23/10/2026
20/10/2026

⚖️ 𝐊𝐀-𝐋𝐔𝐏𝐎𝐍, 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐑𝐈𝐒𝐃𝐈𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍!

Join us for the 3rd Webinar of the Gabay sa Lupon Series: “𝑱𝒖𝒓𝒊𝒔𝒅𝒊𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑨𝒔𝒑𝒆𝒄𝒕 𝒐𝒇 𝑲𝒂𝒕𝒂𝒓𝒖𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒎𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚!”

Palalimin ang inyong kaalaman sa hurisdiksyon at mga kasong saklaw ng Katarungang Pambarangay tungo sa mas wasto, makatarungan, at epektibong pagresolba ng mga alitan sa komunidad.

📅 Date: October 20, 2026
🕒 Time: 1:30 PM
💻 Platform: ZOOM Teleconferencing

Meeting ID: 841 7376 3102
Passcode: 091188

Tara na, Ka-Lupon! Sama-sama nating palakasin ang katarungan at kapayapaan sa bawat barangay!

19/10/2026

📢 VAWC: BREAK THE SILENCE, STOP THE VIOLENCE!

Ang karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak ay hindi dapat balewalain. Sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act of 2004, pinoprotektahan ang kababaihan at kanilang mga anak laban sa pisikal, seksuwal, sikolohikal, at ekonomikong pang-aabuso.

⚖️ MGA DAPAT TANDAAN:
✅ Huwag manahimik sa harap ng pang-aabuso.
✅ Alamin ang iyong mga karapatan at legal na proteksyon.
✅ I-report ang mga insidente ng VAWC sa kinauukulang awtoridad.
✅ Suportahan at huwag husgahan ang mga biktima.

📌 PAALALA: Ang tahanan ay dapat maging ligtas na lugar, hindi lugar ng takot at karahasan. Sama-sama nating itaguyod ang paggalang, pagkakapantay-pantay, at proteksyon para sa bawat babae at bata.

MAGSALITA. HUMINGI NG TULONG. LABANAN ANG VAWC!

16/10/2026

📣 𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠-𝐫𝐞𝐪𝐮𝐞𝐬𝐭, 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩, 𝐚𝐭 𝐚𝐮𝐭𝐡𝐞𝐧𝐭𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐢𝐯𝐢𝐥 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐃𝐨𝐜𝐮𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬!

Sa ilalim ng Philippine Statistics Authority (PSA) Memorandum Circular No. 2019-15A, may malinaw na guidelines para matiyak ang tamang proseso ng pag-request, pag-release, at authentication ng mga dokumento.

📌 Sino ang puwedeng mag-request ng Civil Registry Documents?
📌 Ano ang mga requirements?
📌 Sino ang awtorisadong tumanggap ng mga dokumento?
📌 Ano ang tamang proseso ng pag-release at authentication?

Layunin ng mga guidelines na ito na protektahan ang personal information alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 at mga kaugnay na guidelines ng National Privacy Commission (NPC).

🔒 Tandaan: Ang tamang proseso ay mahalaga para mapanatiling ligtas at protektado ang personal information ng bawat isa!

Ctto
15/10/2026

Ctto

🏘️ Paano naman kung sa barangay ka pinatawag?

Ang barangay ay maaari ring magpadala ng summons o opisyal na patawag sa mga panig na sangkot sa isang reklamo upang dumalo sa barangay conciliation o pag-uusap na naglalayong maayos ang kanilang alitan. Hindi ito kapareho ng summons na inilalabas ng korte dahil magkaiba ang layunin at prosesong sinusunod.

⚠️ Tandaan: Huwag balewalain ang anumang opisyal na patawag! Basahing mabuti ang dokumento, alamin kung saan at kailan ka kailangang humarap, at sundin ang mga naaangkop na tagubilin. Kung hindi ka sigurado sa iyong mga obligasyon, makabubuting kumonsulta sa abogado.

13/10/2026

Civil Law Series : Succession

Know your rights

Address

2nd Floor Kumintang Bldg. , Zone 1 Brgy. Poblacion
Villasis
2427

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rojo Sannad Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category