11/10/2026
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐈𝐘𝐎 | 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐊𝐄𝐃𝐘𝐔𝐋 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘
Ipinababatid sa lahat ng mga benepisyaryo na ang nakatakdang pamamahagi ng Rice Subsidy sa Lunes, Oktubre 12, 2026, ay ililipat sa 𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬, 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Ayon kay 𝑴𝑺𝑾𝑫𝑶 𝑶𝒇𝒇𝒊𝒄𝒆𝒓 𝑰𝑰 𝑴𝒂’𝒂𝒎 𝑰𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑪. 𝑫𝒆𝒍 𝑹𝒊𝒐, ang pagbabago sa iskedyul ay bunsod ng pagkaantala ng truck na maghahatid ng mga bigas.
Kaugnay nito, hinihiling sa mga kinauukulang barangay na agad na ipabatid ang anunsiyong ito sa lahat ng benepisyaryo upang maiwasan ang anumang abala at hindi masayang ang kanilang pagpunta sa itinakdang lugar ng pamamahagi.
Hinihingi ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po!
Para sa inyong kaalaman at wastong paggabay.
ANG BAGONG VINZONS | Local Government Unit of Vinzons News and Updates