08/10/2026
| ๐๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ: ๐๐ข๐ซ๐๐ค๐ญ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง๐จ๐ง, ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐๐ซ๐
Matapos isulong ni Governor Patrick Alain T. Azanza ang mas direktang suporta para sa mga abacaleros, magsisimula na ngayong Oktubre ang pagbili ng Provincial Government of Catanduanes ng abaca fiber mula sa mga rehistradong magsasaka sa lalawigan sa ilalim ng ๐๐๐๐๐-๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐๐) Program.
Isasagawa ang soft launch ng programa mula October 16 hanggang 30, bilang unang hakbang sa pagtatatag ng provincial abaca buying and consolidation hub.
Mahalaga ang hakbang na ito para sa Catanduanes, na nananatiling nangungunang producer ng abaca fiber sa bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority, nakapag-produce ang lalawigan ng 11,256.59 metric tons ng abaca noong 2025, katumbas ng 20.2% ng kabuuang produksyon ng Pilipinas.
Para sa mga abacaleros, ang programa ay naglalayong gawing mas direktang konektado ang abaca fibers sa pamilihan, habang binabawasan ang pagdepende sa mga middleman at pinapalakas ang kita sa farm-gate.
๐๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐ง๐ญ๐?
Ang provincial buying hub ay para sa mga rehistradong abaca farmers na kabilang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at validated ng kanilang Municipal Agriculture Office (MAO).
Bibigyan din ang mga kwalipikadong magsasaka ng Provincial Abaca Farmer ID o Passbook kung saan itatala ang farm area, production capacity, mga transaksyon at payout records.
May production ceiling din batay sa dokumentadong laki ng sakahan upang maiwasan ang pagpasok ng fiber mula sa hindi rehistradong sources na maaaring ibenta gamit ang pangalan ng ibang farmer.
๐๐๐ฒ ๐ฅ๐ข๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข
Upang mas maraming magsasaka ang makinabang sa provincial buying system, may volume limits sa bawat transaksyon.
Ang iminungkahing minimum delivery ay 50 kilos kada transaksyon, habang ang maximum ay 300 kilos bawat farmer kada buwan. Makakatulong ang mga limitasyong ito upang maiwasan ang pagmonopolyo ng buying fund at mapanatili ang access ng mas maraming rehistradong magsasaka.
May nakatakda ring buying schedule kada munisipalidad upang mas maayos na maipamahagi ang access sa provincial buying hub.
๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข
Tatlong fiber grades ang saklaw ng programa: Excellent Fiber, S2, at Grade 1.
Dadaan ang fiber sa weighing, grading at quality control, kabilang ang moisture testing. Isasagawa ang pagtitimbang sa harap mismo ng farmer upang malinaw ang volume at kalidad ng fiber na tatanggapin.
Para sa payout, maaaring gamitin ang GCash, Maya, LandBank cash card, o cash, alinsunod sa operational procedures ng programa.
May quota monitoring system din upang masubaybayan ang dami at dalas ng transaksyon ng bawat farmer at matukoy ang mga volume o selling patterns na hindi tugma sa kanilang inaasahang produksyon.
๐๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐๐๐ซ, ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ญ๐จ
Hindi nagtatapos sa pagbili ang ABACA Program.
Ang bahagi ng fiber na makokonsolida sa provincial warehouse, kabilang ang Grade 1 fiber para sa livelihood training, ay maaaring gamitin bilang raw material para sa skills training, handicraft production at product development.
Maaaring makinabang dito ang mga farmer associations, cooperatives, women and youth organizations, local artisans, academe at iba pang kwalipikadong grupo at MSMEs.
Ang mga grupong bibigyan ng fiber para sa training at livelihood ay sasailalim sa documented allocation at monitoring. Hindi rin maaaring ibenta muli bilang raw fiber ang mga materyales na inilaan para sa mga aktibidad na ito.
Sa ganitong sistema, ang fiber na binili ng programa ay maaaring maging simula ng mga produktong ginawa mismo sa Catanduanes, na may dagdag na livelihood at enterprise opportunities para sa mga Catandunganon.
๐๐๐ ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐
May tinatayang โฑ10 milyon na pondo para sa pagpapatupad ng programa, kabilang ang โฑ9 milyon na revolving fund para sa pagbili ng fiber at payout sa mga magsasaka, at โฑ1 milyon para sa weighing scale, digital moisture meter, supplies, materials, fuel at iba pang operational requirements.
Sa pagsisimula ng provincial buying system, layunin ng ABACA Program na palakasin ang ugnayan ng mga magsasaka sa merkado at paunlarin ang abaca value chain mula sakahan, buying at consolidation, hanggang sa local product development.
Bilang โ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ,โ sinisimulan ng Provincial Government of Catanduanes ang isang sistema na naglalayong mas mapalapit ang pamilihan at mga oportunidad sa mga magsasakang nasa likod ng industriya.
๐๐๐ฌ ๐๐ข๐ซ๐๐ค๐ญ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ซ๐ค๐๐๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐. ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข. ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐จ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.