31/10/2026
PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA SEMENTERYO NGAYONG UNDAS!
Bukod sa pag-alala sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay, siguraduhin din nating ligtas at malinis ang ating kapaligiran.
Ang basurang iniiwan sa mga sementeryo ay maaaring maging pamugaran ng mga lamok na nagdudulot ng dengue at iba pang sakit! Kaya sa pagbisita natin sa mga sementeryo ngayong November 1, magbaon ng sariling trash bag at dalhin ang sariling basura at itapon ito sa tamang basurahan.
Ipakita natin ang ating pagmamahal at respeto sa pamamagitan ng pagiging responsable sa ating kapaligiran.