PPA PMO Zamboanga Baseport

Call Directions Website Contact the organization

PPA PMO Zamboanga Baseport This is the OFFICIAL FB Page of the Philippine Ports Authority ZAMBOANGA

TRIP ADVISORY | For everyone's information.
03/10/2026

TRIP ADVISORY | For everyone's information.

02/10/2026
PORT UPDATE|PhilHealth YAKAP Program Ipinakilala sa PPA-PMO ZamboangaIsinagawa ng PhilHealth Local Health Insurance Offi...
30/09/2026

PORT UPDATE|PhilHealth YAKAP Program Ipinakilala sa PPA-PMO Zamboanga

Isinagawa ng PhilHealth Local Health Insurance Office–Zamboanga City (LHIOZC) ang isang Information, Education and Communication (IEC) Campaign upang ipakilala at ipaliwanag ang mga benepisyo ng Yaman ng Kalusugan (YAKAP) Program sa mga kawani ng Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA-PMO Zamboanga). Ginanap ang aktibidad noong Setyembre 29, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga sa Conference Room ng PPA Administration Building.

Layunin ng programa na mabigyan ang mga kawani ng sapat na impormasyon tungkol sa mga benepisyong maaaring makuha sa ilalim ng YAKAP Program. Bago ang talakayan, isinagawa muna ang isang orientation kung saan ipinaliwanag ng mga kinatawan ng PhilHealth ang programa, kabilang ang mga serbisyong pangkalusugan at benepisyong saklaw nito. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga empleyado ng PPA-PMO Zamboanga na magtanong at linawin ang kanilang mga katanungan hinggil sa programa.
Matapos ang orientation, nagkaroon naman ng libreng medical consultation para sa mga kawani na isinagawa sa pakikipagtulungan ng West Metro Medical Center.

Sa pamamagitan ng aktibidad, nabigyan ang mga empleyado ng PPA-PMO Zamboanga ng pagkakataong mas maunawaan ang kanilang mga benepisyo sa PhilHealth at magkaroon ng access sa serbisyong pangkalusugan.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:

Pormal nang nagtapos ang pagdiriwang ng National Maritime Week (NMW) 2026 sa pamamagitan ng Conclusion Ceremony na isina...
28/09/2026

Pormal nang nagtapos ang pagdiriwang ng National Maritime Week (NMW) 2026 sa pamamagitan ng Conclusion Ceremony na isinagawa ng Maritime Industry Authority (MARINA) bilang host ngayong taon. Ginanap ang seremonya nitong ika-27 ng Setyembre, sa Royce Convention Hall ng Grand Astoria Hotel sa Zamboanga City, na dinaluhan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, institusyong pang-edukasyon, at mga kinatawan ng sektor pandagat.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang Turnover Ceremony kung saan pormal na ipinasa ang Key of Responsibility sa Philippine Coast Guard (PCG), bilang simbolo ng pagtatapos ng pagiging host ng Maritime Industry Authority (MARINA) at paghahanda para sa susunod na pagdiriwang ng NMW.

Sa pamamagitan ng seremonya, muling binigyang-diin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba't ibang maritime stakeholders sa pagsusulong ng mga programa at inisyatiba para sa pagpapaunlad ng sektor pandagat ng bansa.







β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”

Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:

PPA-PMO Zamboanga Nakiisa sa National Maritime Week Mangrove PlantingNakiisa ang Philippine Ports Authority–Port Managem...
28/09/2026

PPA-PMO Zamboanga Nakiisa sa National Maritime Week Mangrove Planting

Nakiisa ang Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA-PMO Zamboanga) sa Mangrove Planting Activity bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Maritime Week 2026 noong Setyembre 26, 2026, ganap na alas-6:00 ng umaga sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng Maritime Industry Authority (MARINA), bilang host ng pagdiriwang ng National Maritime Week ngayong taon. Nakibahagi sa Mangrove Planting Activity ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, kabilang ang MARINA, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine National Police–Maritime Group (PNP Maritime).

Sa naturang aktibidad, nagpaabot ng pasasalamat si MARINA Regional Director Dr. Farida Cunanan sa lahat ng ahensya, kawani, at mga kalahok na nakiisa at naglaan ng oras upang maging matagumpay ang programa.

Ang naturang pagkakaisa ng mga maritime agencies ay nagpapakita ng patuloy na pakikiisa sa mga gawaing naglalayong mapangalagaan ang kapaligiran at mapalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga yamang-dagat para sa mga susunod na henerasyon.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:

Bangsamoro Ports Management Authority Bumisita sa PPA PMO ZamboangaBumisita ang mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Port...
28/09/2026

Bangsamoro Ports Management Authority Bumisita sa PPA PMO Zamboanga

Bumisita ang mga opisyal at kawani ng Bangsamoro Ports Management Authority (BPMA) sa Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA-PMO Zamboanga) para sa isang Coordination Meeting at Port Tour noong Setyembre 24, 2026.

Isinagawa ang Coordination Meeting ganap na alas-9:00 ng umaga, kung saan tinalakay ng BPMA at PPA-PMO Zamboanga ang mga usapin kaugnay ng transition plan ng Sulu sa Region IX. Naging bahagi ng talakayan ang pagpapalitan ng mga ideya, koordinasyon, at brainstorming ng dalawang panig hinggil sa mga posibleng hakbang at pamamaraan upang maging maayos ang naturang transition.

Samantala, ganap na alas-1:00 ng hapon ay isinagawa naman ang Port Tour sa loob ng Port of Zamboanga. Ipinakita ng mga opisyal at kawani ng PPA-PMO Zamboanga sa delegasyon ng BPMA ang mga proseso at sistema na ginagamit sa pang-araw-araw na operasyon ng pantalan.

Kabilang sa mga tampok sa Port Tour ang cargo handling operations at berthing management, kung saan naibahagi ng PPA-PMO Zamboanga ang mga aktuwal na proseso at operational practices na isinasagawa sa pantalan.

Layunin ng pagbisita na mapalakas ang koordinasyon at ugnayan ng BPMA at PPA-PMO Zamboanga, gayundin ang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan sa pamamahala at operasyon ng pantalan bilang bahagi ng patuloy na institutional collaboration.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Nagsagawa ng Port Educational Tour para sa mga Senior High School StudentsBilang bahagi ...
28/09/2026

PORT UPDATE | PPA-PMO Zamboanga Nagsagawa ng Port Educational Tour para sa mga Senior High School Students

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Maritime Week 2026, nagsagawa ang Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA-PMO Zamboanga) ng Port Educational Tour para sa mga mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12 mula sa Baliwasan Senior High School–Stand Alone noong Setyembre 23, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga.

Mahigit isang daang Senior High School students ang nakibahagi sa naturang aktibidad. Upang maging maayos ang pag-accommodate sa mga mag-aaral, hinati ang mga ito sa dalawang grupo. Ang mga mag-aaral ng Grade 11 ay isinagawa ang kanilang educational tour sa umaga, habang ang mga Grade 12 naman ay nakatakdang lumahok sa hapon.

Bago isinagawa ang aktuwal na Port Educational Tour, binigyan muna ang mga mag-aaral ng orientation tungkol sa Basic Port Operations, gayundin sa mga umiiral na rules and regulations sa loob ng Port of Zamboanga.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong magkaroon ng mas malawak na kaalaman at aktuwal na pag-unawa sa operasyon ng pantalan at sa kahalagahan ng sektor maritime.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:

PPA PMO Zamboanga Nagkaroon ng Film Viewing Bilang Bahagi ng Ika-39 na Anibersaryo ng PANTALANNaghandog ang Philippine P...
21/09/2026

PPA PMO Zamboanga Nagkaroon ng Film Viewing Bilang Bahagi ng Ika-39 na Anibersaryo ng PANTALAN

Naghandog ang Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA PMO Zamboanga) ng Film Viewing para sa mga kawani nito bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng Pambansang Tinig at Pantalan (PANTALAN) noong Setyembre 17, 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon sa Conference Room ng PPA Administration Building.

Pinanood ng mga kawani ang pelikulang β€œAng Pangarap Kong Holdap,” na pinagbibidahan nina Jerald Napoles at Paolo Contis. Layunin ng aktibidad na magbigay ng pagkakataon sa mga kawani na makapagpahinga, makapaglibang, at makapaglaan ng oras para sa kanilang kapakanan bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, nabigyan ang mga kawani ng PPA PMO Zamboanga ng pagkakataong pansamantalang makapagpahinga mula sa kanilang mga tungkulin habang ipinagdiriwang ang mahalagang okasyon ng tanggapan.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:

PPA PMO Zamboanga Nagsagawa ng Love Drive Donation Bilang Bahagi ng Ika-39 na Anibersaryo ng PantalanNagsagawa ang Phili...
21/09/2026

PPA PMO Zamboanga Nagsagawa ng Love Drive Donation Bilang Bahagi ng Ika-39 na Anibersaryo ng Pantalan

Nagsagawa ang Philippine Ports Authority–Port Management Office of Zamboanga (PPA PMO Zamboanga) ng Love Drive Donation bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-39 na anibersaryo ng Pambansang Tinig at Pantalan (PANTALAN) noong Setyembre 17, 2026, ganap na alas-7:00 ng umaga sa Multi-Purpose Court ng PPA Administration Building.

Ang pagdiriwang ay may temang β€œStronger Together in Unity and Resilience,” na nagbibigay-diin sa pagkakaisa at katatagan ng mga manggagawa at katuwang ng pantalan.Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ang PPA PMO Zamboanga ng mga ready-to-eat food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga tauhang nagtatrabaho sa loob ng Port of Zamboanga.

Layunin ng Love Drive Donation na maipakita ang pagpapahalaga at suporta sa mga manggagawang patuloy na nagsisilbi at tumutulong sa maayos na operasyon ng pantalan.






β€œπ‘Ίπ’‚ π’‘π’“π’π’ˆπ’“π’†π’”π’Šπ’ƒπ’π’π’ˆ 𝑷𝒂𝒏𝒕𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒐 π’‚π’π’ˆ π’ƒπ’‚π’šπ’‚π’.”
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:

Address

RT Lim Boulevard
Zamboanga City
7000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PPA PMO Zamboanga Baseport posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PPA PMO Zamboanga Baseport:

Shortcuts

Share