08/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฌ, ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ฆ ๐๐ง๐ก๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
Nagsagawa ang Regional Language Skills Institute (RLSI) ng workshop noong May 7โ8, 2026 na nakatuon sa finalization ng Competency-Based Curriculum (CBC), Competency-Based Learning Materials (CBLM), Learnerโs Record Book (LRB), at E-Training Charts bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay ng mga learning materials at training tools na ginagamit sa mga programa ng institusyon.
Dinaluhan ito ng mga RLSI trainers upang repasuhin, ayusin, at pagtibayin ang mahahalagang curriculum components at training documents na makatutulong sa mas organisado at epektibong paghahatid ng competency-based training. Layunin din ng aktibidad na matiyak na ang mga learning resources ay naaayon sa pangangailangan ng mga trainees at sa kasalukuyang pamantayan ng pagsasanay.
Pinangungunahan ang nasabing actibidad nina Aramar B. Bayani, Vocational Instruction Supervisor, at Hajimar A. Jamlod, Curriculum Developer, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at gabay kaugnay ng pagbuo at pagrepaso ng mga learning materials at institutional documents.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na pinapalakas ng RLSI ang kalidad ng kanilang mga programa upang masuportahan ang pagkatuto at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga trainees, lalo na ng mga Bangsamoro learners.
06/05/2026
๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ฌ' ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ก๐๐ง๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ & ๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐จ๐ฅ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
Nakiisa ang Regional Language Skills Institute (RLSI) sa Trainers' Capability Enhancement & Institutional Tool Development Workshop na ginanap noong May 4โ6, 2026 sa Cotabato City, kasama ang mga kalahok mula sa ibaโt ibang bahagi ng BARMM, bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng mga programang iniaalok para sa mga trainees.
Layunin ng workshop na palakasin ang kakayahan ng mga trainer at paigtingin ang paggamit ng mga angkop na institutional tools para sa mas epektibong paghahatid ng pagsasanay. Sa pamamagitan ng mga talakayan at workshop activities, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong magbahagi ng karanasan at matuto ng mga praktikal na pamamaraan na maaari nilang magamit sa aktwal na pagtuturo.
Bilang kinatawan ng RLSI, dumalo at aktibong nakibahagi sina Aramar B. Bayani (VIS, Trainer) at Marwina I. Jarawi (Information Officer, Trainer). Ang kanilang partisipasyon ay nakatuon sa pagkuha ng mga kaalaman at estratehiya na makatutulong sa mas malinaw, organisado, at epektibong paghatid ng learning sessions para sa mga trainees ng institusyon.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na pinapalakas ng RLSI ang kalidad ng kanilang pagsasanay, na may malinaw na layunin na masuportahan ang pagkatuto at pagpapaunlad ng kasanayan ng mga trainees, lalo na sa mga Bangsamoro learners.
30/04/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐!
Great news! Our partner, Upstaff, is currently looking for a Personal Assistant to join their team.
If you have experience in administrative or virtual assistant roles, basic bookkeeping, and strong organizational and communication skills, this could be your opportunity to step into the digital workforce.
๐ผ Position: Personal Assistant
๐ฉ Apply here: https://forms.gle/bMZq7GCYbHc2Uzxz9
๐ง For inquiries: [email protected]
๐ Facebook: Upstaff Zamboanga
๐ฃ ๐๐โ๐๐ ๐๐๐๐๐๐! ๐ฃ
Weโre excited to announce that weโre looking for a talented and detail-driven individual to join our growing team at Upstaff!
๐ผ Available Position: ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ
๐ Apply here: https://forms.gle/5Cxw8BRtBqvabj3h8
๐ก ๐๐ก๐ฒ ๐๐จ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐ฆ?
โ
Be part of a dynamic and people-first work environment
โ
Gain experience supporting operations for global clients
โ
Competitive compensation and opportunities for career growth
โจ ๐๐๐ซ๐ค๐ฌ & ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ญ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ฉ๐ฌ๐ญ๐๐๐:
โ๏ธ HMO Coverage
โ๏ธ Government Statutory Benefits
โ๏ธ Monthly Transportation Allowance
๐ข Weโre actively accepting applications โ apply now and grow your career with Upstaff!
๐ Reach out for inquiries:
Facebook: https://www.facebook.com/upstaffzamboanga
๐ง Email: [email protected]
๐ Build Your Career with Upstaff โ Apply Today!
28/04/2026
๐๐๐ ๐ก๐ฎ๐๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐๐ง: ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐๐ซ ๐๐ฎ๐ข๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง
ZAMBOANGA CITY โ Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na ihanda ang mga trainees sa mundo ng trabaho, isinagawa ng Regional Language Skills Institute โ Zamboanga City Liaison Office (RLSI-ZCLO) sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education โ Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) ang Career Guidance and Employment Coaching noong Abril 28, 2026 sa pamamagitan ng online platform. Dinaluhan ito ng 100 trainees mula sa ibaโt ibang kwalipikasyon na naglalayong mapalawak ang kanilang kaalaman at kahandaan sa pagpasok sa mundo ng trabaho.
Pinangunahan ni Ms. Johaina B. Ebrahim, Labor and Employment Officer II mula sa Ministry of Labor and Employment (MOLE), ang sesyon kung saan tinalakay ang mahahalagang aspeto ng employability tulad ng career planning, wastong paghahanda sa job application, at pag-unawa sa kasalukuyang pangangailangan ng labor market. Sa kanyang talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang mindset, kasanayan, at disiplina upang maging handa at matagumpay sa napiling larangan.
24/04/2026
๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก๐๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐ญ๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฉ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ
Isinagawa ng Regional Language Skills Institute โ Zamboanga City Liaison Office (RLSI-ZCLO), sa ilalim ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education โ Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD), ang Pre-Employment and Entrepreneurial Mindset Session bilang bahagi ng Enterprise-Based Education and Training (EBET) Initiative noong Abril 24, 2026 sa pamamagitan ng isang online platform. Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 100 trainees mula sa English Language A1 at A2 batches, na naglalayong mapalakas ang kanilang kahandaan sa larangan ng empleyo at mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga oportunidad sa pagnenegosyo.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang mindset at kakayahan sa pagharap sa hamon ng mundo ng trabaho. Tampok bilang resource speaker si Mr. Alnadz M. Asbi, CEO ng Royale Vows Events Coordination, na nagbahagi ng kanyang karanasan at inspirasyon mula sa pagiging empleyado tungo sa pagiging matagumpay na negosyante. Sa pamamagitan ng kanyang makabuluhang talakayan, hinikayat ang mga kalahok na maging mas handa, masigasig, at bukas sa ibaโt ibang landas ng oportunidad para sa kanilang hinaharap.
23/04/2026
๐๐๐ฆ๐ ๐๐ง, ๐๐ญ๐๐ฒ ๐
๐ข๐ญ: ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐
๐ข๐ญ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
Isinagawa noong ika-23 ng Abril 2026 ang Fitness and Wellness Activity na nilahukan ng mga administrative staff at trainers, sa pangunguna ni Datu Sean Jaafar, Fitness and Wellness Focal. Layunin ng aktibidad na ito na hikayatin ang aktibong pamumuhay at mapanatili ang maayos na kalusugan ng mga kawani.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang pickleball at basketball na nagbigay pagkakataon sa mga kalahok na makapag-ehersisyo at makapaglibang. Nakatulong din ito upang mapalakas ang samahan at teamwork sa loob ng opisina.
23/04/2026
๐๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ข๐ซ๐๐ฅ๐
Isinagawa ng Regional Language Skills Institute Zamboanga City Liaison Office ang kanilang Monthly Health and Wellness Activity noon ika-23 ng Abril, 2026, kasabay ng isang Study Circle na dinaluhan ng mga administrative staff, sa pangunguna ng GAD Focal Person at Nurse na si Brenda B. Alpha. Layunin ng gawaing ito na hindi lamang mapalakas ang pisikal na kalusugan ng mga kawani kundi pati na rin ang kanilang espiritwal na kalagayan sa pamamagitan ng makabuluhang pagninilay at pagkatuto.
Sa isinagawang Study Circle, nagbahagi si Sheikh Nidzfar Arabani ng mahalagang talakayan tungkol sa kahalagahan ng pagpapaalala sa kamatayan ayon sa pananaw ng Islam. Binigyang-diin niya na ang patuloy na pag-alala sa kamatayan ay nagsisilbing gabay upang maging mas maingat ang isang tao sa kanyang mga gawain, makaiwas sa kasalanan, at higit na mapatatag ang kanyang pananampalataya (Iman) kay Allah. Ang nasabing talakayan ay nagbigay inspirasyon sa mga kalahok na mamuhay nang may layunin, kababaang-loob, at pananagutan.
21/04/2026
๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐๐ ๐ ๐๐ค๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ ๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ข๐ญ๐ฎ๐ญ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐๐จ๐ฆ๐๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐
๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ณ๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ
Pormal na pinagtibay ng Regional Language Skills Institute (RLSI) at Bangsamoro Women Commission โ Tawi-Tawi Provincial Office ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) Signing na isinagawa noong Abril 20, 2026, sa pamamagitan ng isang virtual signing ceremony. Layunin ng kolaborasyong ito na palakasin ang mga programa at inisyatiba na nagtataguyod ng kapakanan at empowerment ng mga kababaihang Bangsamoro.
Kinatawan ang RLSI ni OIC-Center Administrator Abdulhakim T. Sauti Jr., habang si Commissioner Ranisa Jimlan Ejinnajar naman ang kumatawan sa Bangsamoro Women Commission. Ipinahayag ng magkabilang panig ang kanilang pangako na isulong ang inklusibong pag-unlad at palawakin ang mga oportunidad para sa kababaihan sa rehiyon ng Bangsamoro.
13/04/2026
๐ข OUR PARTNER IS HIRING! ๐ผ
Good news for job seekers!
One of our valued partners, Upstaff, is currently looking for a Part-Time Executive Assistant.
If you are organized, detail-oriented, and have strong communication skills, this opportunity might be for you!
๐ Interested applicants are encouraged to apply and submit their updated resume.
Donโt miss this chance to grow your career with a trusted partner!
๐ฃ ๐๐โ๐๐ ๐๐๐๐๐๐! ๐ฃ
Weโre excited to announce that weโre looking for a talented and detail-driven individual to join our growing team at Upstaff!
๐ผ Available Position: ๐๐๐ซ๐ญ-๐๐ข๐ฆ๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ญ
๐ Apply here: https://forms.gle/5Cxw8BRtBqvabj3h8
๐ก ๐๐ก๐ฒ ๐๐จ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐ฆ?
โ
Be part of a dynamic and people-first work environment
โ
Gain experience supporting operations for global clients
โ
Competitive compensation and opportunities for career growth
โจ ๐๐๐ซ๐ค๐ฌ & ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ญ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐ฉ๐ฌ๐ญ๐๐๐:
โ๏ธ HMO Coverage
โ๏ธ Government Statutory Benefits
โ๏ธ Monthly Transportation Allowance
๐ข Weโre actively accepting applications โ apply now and grow your career with Upstaff!
๐ Reach out for inquiries:
Facebook: https://www.facebook.com/upstaffzamboanga
๐ง Email: [email protected]
๐ Build Your Career with Upstaff โ Apply Today!