BFAR Region 9

BFAR Region 9

Share

The Official FB Page of DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - Regional Fisheries Office IX

31/05/2026

Sharing from BFAR Philippines

Happy National Fisherfolks Day!

๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง, ๐‡๐ข๐ฒ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š๐š๐ง!

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Mangingisda, kinikilala at pinararangalan ng DA-BFAR ang ating mga masisipag at matatag na mangingisdang Pilipino na katuwang ng pamahalaan sa pangangalaga at pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan.

Malaki ang kanilang ambag sa pagpapatatag ng seguridad sa pagkain at sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy silang nagsisilbing haligi ng ating lipunan at kabuhayan.

Bilang tugon, nananatiling matatag ang mga programa ng BFAR na suportahan at paunlarin ang industriya ng pangisdaan upang makamit ang mas maunlad at masaganang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Taos-pusong pagpupugay at pasasalamat sa ating mga mangingisda na walang sawang humaharap sa panganib ng dagat at sa mga hamon ng buhay para sa kapakanan ng sambayanan.

Photos from BFAR Philippines's post 31/05/2026

Sharing from BFAR Philippines

31/05/2026

Sharing from BFAR Philippines

| ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž โ€“ ๐๐ฎ๐ซ๐ž๐š๐ฎ ๐จ๐Ÿ ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐€๐ช๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐œ ๐‘๐ž๐ฌ๐จ๐ฎ๐ซ๐œ๐ž๐ฌ ๐จ๐ง ๐•๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฅ ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐š๐ญ๐š ๐’๐ก๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐š๐œ๐ญ๐ข๐œ๐ž๐ฌ

The Department of Agriculture โ€“ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) takes note of the call made by Representative Kaka Bag-ao for the Bureau to disclose vessel monitoring system (VMS) data in relation to efforts to address illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing. The Bureau recognizes and supports the underlying intent of this call, particularly the use of information technology as an effective tool in strengthening fisheries enforcement and curbing IUU fishing. In fact, the Philippine government, through DA-BFAR, has long pursued this direction with the establishment and continued enhancement of the VMS as part of its broader monitoring, control, and surveillance system.

๐‘๐ž๐š๐ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ฎ๐ฅ๐ฅ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐จ๐ง ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฐ๐ž๐›๐ฌ๐ข๐ญ๐ž: https://www.bfar.da.gov.ph/2026/05/29/statement-of-the-department-of-agriculture-bureau-of-fisheries-and-aquatic-resources-on-vessel-monitoring-and-data-sharing-practices/

Photos from BFAR Region 9's post 30/05/2026

๐ƒ๐€-๐๐…๐€๐‘ ๐Ÿ— ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐‚๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š๐ง๐  ๐ƒ๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ฌ๐š ๐™๐š๐ฆ๐๐ž๐ง

Isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) 9 ang Culmination Ceremony ng Mangingisdang Direktor Program (MDP) noong Mayo 29, 2026 sa BFAR Conference Hall, Zamboanga City.

Dinaluhan ito ng mga lider ng mangingisda mula sa ibaโ€™t ibang lalawigan at lungsod sa buong Zamboanga Peninsula, na nagpapakita ng mas matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga pamayanang pangisdaan at mga katuwang sa sektor ng pangisdaan sa rehiyon.

Nagsilbi rin ang seremonya bilang pangwakas na aktibidad ng isang buwang pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month na nagbibigay-pugay sa mahalagang ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa seguridad sa pagkain, kabuhayan, at pambansang kaunlaran.

Sa pamamagitan ng Mangingisdang Direktor Program, higit pang pinagtibay ng Bureau ang kanyang layunin na mabigyan ng boses at pagkakataon ang mga mangingisda na makilahok sa mga talakayan at programang may kinalaman sa sektor ng pangisdaan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Regional Director Dir. Al-Zath K. Kunting ang mahalagang papel ng mga mangingisda sa pagpapanatili ng industriya ng pangisdaan at sa pagtitiyak ng seguridad sa pagkain sa rehiyon. Ipinaalala rin niya ang kahalagahan ng pakikinig sa hinaing at boses ng mga mangingisda upang makabuo ng mas makabuluhan at inklusibong mga programa para sa sektor.

Samantala, nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si CY 2026 Regional Fisherfolk Director Winnie Tagapan sa Bureau sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga lider ng mangingisda na maging bahagi ng programa. Ayon sa kanya, ang mga programang tulad ng MDP ay nagbibigay sa mga mangingisda ng pakiramdam na sila ay pinakikinggan, pinahahalagahan, at kinikilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan.

Sa katunayan, patuloy na binibigyang-boses at pagpapahalaga ng Mangingisdang Direktor Program ang mga Pilipinong mangingisda tunay na pagsasabuhay ng temang, โ€œBoses ng Mangingisdang Pilipino sa Bagong Pilipinas, Ipagpugay Natin Ito.โ€






28/05/2026

Sharing from BFAR Philippines

28/05/2026

Taos-pusong pagbati sa lahat ng BFAR Region 9 FSP Scholars Batch 2026! ๐ŸŽ“

Hindi naging madali ang inyong paglalakbay, ngunit nalampasan ninyo ito sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at determinasyon. Tunay na karapat-dapat ipagmalaki ang tagumpay na ito hindi lamang para sa inyo kundi pati na rin sa inyong mga pamilya.

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon at daan tungo sa mas marami pang oportunidad habang patuloy ninyong tinutupad ang inyong mga pangarap at naglilingkod sa sektor ng pangisdaan nang may puso at dedikasyon.

Muli, congratulations at mabuhay kayong lahat, BFAR Region 9 FSP Scholars Batch 2026!



Photos from BFAR Region 9's post 27/05/2026

๐ƒ๐€-๐๐…๐€๐‘ ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  โ€œ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐“๐ซ๐š๐ฌ๐กโ€ ๐‚๐จ๐š๐ฌ๐ญ๐š๐ฅ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ฌ๐š ๐™๐š๐ฆ๐๐ž๐ง

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmersโ€™ and Fisherfolk Month 2026, nagsagawa ang Department of Agriculture โ€“ Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Rehiyon 9 ng serye ng coastal clean-up activities sa ilalim ng programang โ€œRice for Trashโ€ sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Zamboanga Peninsula upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan at palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa konserbasyon ng yamang baybayin.

Isinagawa ang mga clean-up activity sa Isabela City noong Mayo 13, 2026; sa Zamboanga del Norte noong Mayo 19, 2026; at sabay na isinagawa sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur noong Mayo 22, 2026 at Zamboanga City noong Mayo 26, 2026.

Nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng BFAR, mga organisasyon ng mangingisda, mga lokal na pamahalaan, at mga boluntaryo mula sa komunidad sa pangangalap ng mga basura sa mga baybaying lugar.

Sa ilalim ng programang โ€œRice for Trash,โ€ tumanggap ng limang kilong bigas ang mga kalahok na mangingisda kapalit ng mga basurang kanilang nakolekta sa isinagawang clean-up activity. Layunin ng inisyatibong ito na hikayatin ang wastong pamamahala ng basura, palawakin ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan, at magbigay ng suporta sa mga komunidad ng mangingisda sa pamamagitan ng makabuluhang gawaing pang komunidad. Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng DA-BFAR ang pangako nito sa pangangalaga at pagpapanatili ng yamang-dagat at yamang baybayin habang kinikilala ang mahalagang papel ng mga magsasaka at mangingisdang Pilipino sa pagsusulong ng seguridad sa pagkain at pag-unlad ng bansa.





26/05/2026

As we celebrate Eid al-Adha, the BFAR Region 9 Family extends our warmest greetings to our Muslim brothers and sisters.

May this blessed occasion bring peace, happiness, and renewed faith to every home and community. May the spirit of sacrifice, compassion, and unity continue to inspire us to care for one another and work together for a better future.

Eid Mubarak to you and your loved ones.

โ€” BFAR Region 9 Family

Photos from BFAR Philippines's post 26/05/2026

Please Like ๐Ÿ‘and Share BFAR Region 9's Artwork entry. Thank you.

Want your business to be the top-listed Government Service in Zamboanga City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources Regional Office No. IX, R. T. Lim Boulevard
Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm