FO IX - Project LAWA at BINHI

FO IX - Project LAWA at BINHI

Share

ProjectLAWAatBINHI
BawatBuhayMahalagasaDSWD

Photos from FO IX - Project LAWA at BINHI's post 02/06/2026

𝙈𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙉𝙖𝙜𝙗𝙪𝙣𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙠𝙖𝙥 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙋𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧-𝘽𝙚𝙣𝙚𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙣𝙜 𝘽𝙧𝙜𝙮. 𝘿𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣, 𝙏𝙞𝙩𝙖𝙮, 𝙕𝙖𝙢𝙗𝙤𝙖𝙣𝙜𝙖 𝙎𝙞𝙗𝙪𝙜𝙖𝙮

Muli na namang nakapag-ani ang mga partner-beneficiaries ng Brgy. Dalangin, Titay, Zamboanga Sibugay ng kanilang mga tanim na pechay at okra, patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon at pagsusumikap sa ilalim ng Project LAWA at BINHI.

Ang kanilang matagumpay na ani ay nagpapakita ng bunga ng sama-samang pagtutulungan, wastong pangangalaga sa mga pananim, at pagpapatuloy ng mga natutunang kaalaman mula sa proyekto. Higit sa lahat, nakatutulong ito sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, pagdagdag ng kita ng pamilya, at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.

Patuloy na nagbibigay inspirasyon ang mga partner-beneficiaries ng Brgy. Dalangin sa kanilang pagsisikap tungo sa isang mas matatag at masaganang komunidad.



Photos from FO IX - Project LAWA at BINHI's post 31/05/2026

Matagumpay na natapos ang Stage 3 Sustainability Cash-for-Training ng Project Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished sa Imelda, Zamboanga Sibugay 🌱

Matagumpay na naisagawa ang Stage 3 Sustainability Cash-for-Training ng Project Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished sa Imelda, Zamboanga Sibugay, na may kabuuang 200 partner-beneficiaries mula sa 10 barangay.

Sa isinagawang aktibidad, lumahok ang mga benepisyaryo sa mga workshop na naglalayong mapanatili at mapalakas ang mga naipatupad na proyekto sa kanilang mga komunidad.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Imelda, ng Municipal Social Welfare and Development Office na kinatawan ni Ms. Joy Mae Manliguez, at ng Municipal Agriculture Office.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na napapalakas ang seguridad sa pagkain, kabuhayan, at katatagan ng komunidad laban sa epekto ng pagbabago.



29/05/2026

Photos from Office of the Provincial Agriculturist's post 28/05/2026
Photos from FO IX - Project LAWA at BINHI's post 26/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Stage 1 implementation ng Project LAWA at BINHI sa Isabela City, Basilan, na mayroong 100 partner-beneficiaries mula sa Brgy. Baluno at Brgy. Masula.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan at suporta ng mga barangay officials, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at ng City Agriculturist Office.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nabigyan ng orientation at paghahanda ang mga partner-beneficiaries para sa maayos na pagpapatupad ng proyekto tungo sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, kabuhayan, at katatagan laban sa pagbabago ng klima sa kanilang komunidad.



Want your business to be the top-listed Government Service in Zamboanga City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Gen Vicente Alvarez Street Zone 4
Zamboanga City
7000