08/10/2026
𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃
Sa pamumuno ni 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐀𝐮𝐫𝐞𝐥𝐢𝐨 “𝐎𝐲𝐢𝐞” 𝐌. 𝐔𝐦𝐚𝐥𝐢, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang mga programang nagbibigay sa mga Novo Ecijano ng kasanayan, kakayahan at mas maraming oportunidad para sa kabuhayan at trabaho.
Naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan na ang pagbibigay ng technical at vocational skills ay isang mahalagang hakbang upang mabigyan ang bawat Novo Ecijano ng kakayahang makahanap ng trabaho, makapagsimula ng sariling pagkakakitaan, o mapaunlad ang kanilang kasalukuyang kabuhayan.
Sa pamamagitan ng mga 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀-𝐚𝐜𝐜𝐫𝐞𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐬 at iba pang skills development initiatives, binibigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na matuto ng mga kasanayang may praktikal at direktang aplikasyon sa trabaho at livelihood—mula housekeeping, wellness and beauty services, automotive, welding, electrical, refrigeration, computer servicing, at iba pa.
Dahil para kay 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐎𝐲𝐢𝐞, ang tunay na serbisyo ay hindi lamang ang pagbibigay ng tulong, kundi ang pagbibigay sa bawat Novo Ecijano ng kakayahang tumayo sa sariling paa at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Kasanayan ngayon. Oportunidad bukas. Mas matatag na kabuhayan para sa bawat Novo Ecijano.
𝐄𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐰 𝐨𝐧𝐠𝐨𝐢𝐧𝐠!
𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐍𝐂 𝐂𝐎𝐔𝐑𝐒𝐄𝐒 :
• HOUSE KEEPING NC II (New TESDA Course)
• SHIELDED METAL ARC WELDING NC II
• BEAUTY CARE (Nail Care) SERVICES NC II
• HILOT - WELLNESS MASSAGE NC II
• HAIRDRESSING NC II
𝐎𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐨𝐮𝐫𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐯𝐚𝐢𝐥𝐚𝐛𝐥𝐞 :
• COMPUTER LITERACY COURSE
• COMPUTER SYSTEM SERVICING
• REFRIGERATION AND AIR-CONDITIONING
• ELECTRICAL INSTALLATION AND MAINTENANCE
• CONSUMER ELECTRONICS
• BASIC WELDING
• AUTOMOTIVE BASIC ENGINE REPAIR
• AUTOMOTIVE ENGINE SERVICING
• AUTOTIVE UNDER CHASSIS REPAIR
• AUTOMOTIVE ELECTRICAL SERVICING
Visit us at Gen. Tinio street, Quezon District, Cabanatuan City, Nueva Ecija.