29/10/2021
Handa pong maglingkod ang aking anak na si Atty. Ethel Angeles na may PUSO, GALING at TALINO. 👍
PUSO, GALING, AT TALINO
Magandang buhay po sa inyo!
Bagamat ako po ay bago sa larangan ng politika, nahubog na po aking kakayahan sa ilang taong karanasan bilang isang public servant.
Ako po ay isang Certified Public Accountant at Abogada. Ito po ang nagbigay sa akin ng malawak na kaalaman tungkol sa batas at serbisyo publiko.
Lalo't higit, ang mga payo at gabay ng aking ama na si Working Vice Mayor Eliseo Boyet De Guzman Angeles ang nagbigay kamulatan sa aking puso para maglingkod at tumulong hindi lamang sa pamilya kundi sa bayan ng SANTA ROSA.
Ako po ay HANDA NA!
Hatid ko po ang isang paglilingkod na may puso para sa bayan, galing sa panunungkulan, at talino tungo sa patuloy na kaunlaran.
Samahan niyo po ako sa hangarin na ito. Tulungan niyo po akong mapaglingkuran kayo.
Muli, ako po si ATTY. ETHEL ANGELES, at your service!
21/10/2021
Paglilingkod Tungo sa Magandang Bukas
Paglilingkod Tungo sa Magandang Bukas
Lahat po tayo ay nag-aasam ng isang kinabukasang may saya, tagumpay, pag-asa, at mas ligtas mula sa nananalasang pandemya.
Hangarin ko pong magamit ang aking kaalaman sa batas upang mas mapabuti ang mga programa sa pinakamamahal po nating bayan ng Santa Rosa.
Samahan niyo po ako sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan at patuloy na seguridad ng ating mamamayan! 💕
08/10/2021
Magandang araw po mga kababayang taga Santa Rosa. Isang desisyon po ang aking ginawa ngayong araw matapos ang masusing pkikipag usap sa aking mga kapamilya, kapartido at mga supporters. Formal ko na pong winidraw ang aking kandidatura sa pagka Vice Mayor. Ang magandang balita po ay ipinalit ko sa tatakbuhan kong posisyon ang aking anak na si Atty. Ethel Angeles na alam ko sa aking puso ay mas higit na makakatulong bilang ating Vice Mayor sa mga darating na panahon. Kilala ko po ang aking anak na matalino, mabait at talagang may puso na tumulong sa kapwa. Sya po ang magpapatuloy ng matapat na serbisyo at paglilingkod na ating nasimulan at sigurado po akong mahihigitan pa nya ang mga nagawa ko bilang inyong dating Working Vice Mayor. Bilang kanyang ama naman, nasa likod nya po ako sa laban na ito kasama ang aming buong pamilya at hinihiling ko na sana gaya ng pagsama nyo sakin sa mahabang panahon ay samahan nyo rin sya sa laban nya nato patungo sa tagumpay at para sa patuloy na pag unlad ng ating bayan. Maraming salamat po sa inyong lahat. Yes na Yes Team Angeles
03/10/2021
Ngayong araw, kasama ng buong Team Yes na Yes, ay pormal na po akong naghain ng aking Certificate of Candidacy para Vice Mayor ng ating bayan. Minsan pa, susuungin ko po ang mundo ng pulitika para sa nag-iisang layunin “ang makapaglingkod na muli sa ating bayan ng Santa Rosa na nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng lubos na pagpapala”. Hindi po ito isang salita lamang pero ako po ay nangangako ng isang tunay at matapat na paglilingkod.
Sana po ay samahan ninyo akong muli sa laban ko na to. Marami pong salamat! Team Yes na Yes!
03/10/2021
Yes na Yes!
Yes the Best!
Serbisyong the Best! 👍
02/10/2021
Maraming maraming maraming salamat Fr. Edwin sa napkadaming proyekto mo na inilunsad para sa ating parokya at sa dami ng mga kababayan natin na iyong natulungan. Ikaw ay naging isang mahusay na pastol ng ating Panginoon at hindi ka namin makakalimutan. Good luck sa iyong bagong magiging tahanan. Muli, maraming salamat po!
15/08/2021
Masarap sa pakiramdam pag nakakatulong sa mga higit na nangangailangan.
13/08/2021
Magandang araw po sainyong lahat! Hindi ko na po ma-open ang dati kong page account. Maraming salamat po. Stay safe and healthy. Godbless.