BABALA ; Matinding Scammer ng mga OFW โ โ๐๐๐ข๐ก ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ก๐,โ gumagamit din ng mga pangalang โ๐๐๐ข๐ก ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญโ at โ๐๐ข๐๐ก ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐ฅ๐ค๐จ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ก๐.โ Nag-aalok umano ito ng trabaho bilang Dairy Farming at Fruit Picker papuntang New Zealand. Nag-aayos din daw siya ng Red Ribbon (Apostille) at nag-iisyu umano ng IELTS / PTE Certification (English Test).
Mga biktima niya ay mga OFW sa Saudi Arabia, UK, at Hong Kong, at tinatayang umabot na sa mahigit โฑ1 milyon ang kanyang na-scam!
Handa ng magsampa ng reklamo ang mga biktima. Sa katunayan, pina-blotter na siya ng asawa ng isang OFW na nasa UK. Ayon sa ulat, matapos umano silang makapagbigay ng mahigit โฑ300,000 ay muli pa itong humihingi ng karagdagang โฑ180,000 at nagtakda pa ng meet-up sa Pampanga. Ngunit dahil sa kutob ng asawa ng OFW na isa itong scam, nag-request siya ng back-up mula sa mga pulis.
Matalino umano ang scammer dahil bago ang kanilang pagkikita ay pinapicturan muna nito ang lugar at mga kasama. Nang makita sa larawan na may kasamang pulis, hindi na ito tumuloy sa meet-up.
Kadalasan kung bakit na i- SCAM ang mga OFW ;
โข Paghingi ng tulong ( Kung isa kang OFW DISTRESSED)
โข Online lending o pautang
โข Pangakong pagpapalipat ng trabaho abroad (cross-country)
โข Paghahanap umano ng trabaho online
โข Pangakong Trabaho ( Pekeng Consultant)
Mag-ingat at huwag agad magtitiwala sa mga taong humihingi ng pera online kapalit ng tulong o trabaho.
OFW Heart of Asia
MABUHAY KA KABAYAN! Visit Youtube channel;https://www.youtube.com/c/JOEMixVideos
Company Seg.Reg.202503019428211-The Purpose of our oragnization is to empower, uplift women specially OFW DISTRESSED people concerns by providing them with resources, support, and opportunities to growth.
06/05/2026
Check your Digital ID || EgovPh App !
05/05/2026
โผ๏ธ๐๐๐๐๐๐ ! ๐ฆ๐๐๐ !
Mag-ingat po sa taong ito na nagngangalang โ JOHN MICHAEL SANA โ gamit ang Facebook account na โMarquez Jhon โ Nagpapanggap umano siya na isang General Consulate at handang tumulong sa mga distressed OFW.
Isang OFW kasambahay sa Jeddah na si Lorna Omega Calderon ang umanoโy kaniyang nabiktima,( Nakilala niya ito sa Comment Section) Nagpadala si kabayan ng halagang 924 SAR, 556 SAR, at โฑ4,520 sa pamamagitan ng GCash na may kabuuang halaga na humigit-kumulang โฑ28,294.
Ayon kay kabayan, pinangakuan siya ng trabaho sa dairy farming sa New Zealand at hiningian ng bayad para umano sa kaniyang IELTS processing. Ngunit matapos maipadala ang pera, hindi na umano nagparamdam ang suspek.
๐ฃ๐๐๐๐๐๐:
Mag-ingat po sa mga nakakausap sa social media lalo na kung pera agad ang hinihingi kapalit ng trabaho o tulong. Huwag basta magpadala ng pera nang walang sapat na beripikasyon dahil malaki ang posibilidad na ito ay scam.
05/05/2026
UAE - Nagkaroon ng sunog sa isang petroleum complex sa Fujairah, United Arab Emirates (UAE), matapos umano ang pag-atake gamit ang Iranian drone, ayon sa ulat ng mga awtoridad.
Ayon sa paunang impormasyon, mabilis na rumesponde ang mga emergency team upang kontrolin ang apoy at tiyakin ang kaligtasan ng mga manggagawa at residente sa lugar. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala at kung may mga nasaktan o nasawi sa insidente.
Ang Fujairah ay isa sa mahahalagang sentro ng oil at fuel storage sa UAE kayaโt nagdulot ng pangamba ang naturang insidente sa seguridad ng rehiyon at suplay ng langis. | Reuters
OFW Heart of Asia
STOP POSTING & SHARING PO ANG VIDEO AT PICTURE NI MERRYMAE ANDAGON, NASA PILIPINAS NA PO SI OFW.
OFW REAKSYON; TUNGKOL SA SCHOLARSHIP PARA SA MGA OFW. OFW Heart of Asia
NAPAKARAMING PROGRAMA ANG OWWA PARA SA MGA OFWS, IKAW KABAYAN NAKAPAG -AVAIL KA NA BA NG ALINMAN SA MGA ITO ?
1) Scholarship Program
2) OFW Pension Act
3) Cash Assistance / Aksyon Fund
4) OFW Negosyo Fund
5) Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program
6) Education for Development Scholarship Program (EDSP)
7) OFW Dependent Scholarship Program (ODSP)
8] Seafarers Upgrading Program (SUP)
9) Welfare Assistance Program
10) Repatriation Assistance
11) Livelihood Assistance Program
12) OFW Enterprise Development and Loan Program (OFW-EDLP)
13) Tulong PUSO Program
14) Financial Literacy at Skills Training
15) Reintegration Program para sa mga umuwing OFW
16) Legal Assistance at Counseling Services
17 ) Airport at Halfway House Assistance para sa distressed OFWs
Ikaw kabayan, nakapag-avail ka na ba ng alinman sa mga programang ito? OFW Heart of Asia
OWWA AT CHED, MAGKAKALOOB NG SCHOLARSHIP GRANTS PARA SA MGA KWALIPIKADONG OFWS ! LIBRENG PAG AARAL AT MAY ALLOWANCE PA !
OFW Heart of Asia
03/05/2026
Mga OFW, Maaaring Magkaroon ng Dagdag Puntos sa Civil Service Exam Simula August 9, 2026!
Sa pamamagitan ng CSC Resolution No. 2600596 na may petsang 30 Abril 2026, ipinagkakaloob ng Civil Service Commission (CSC) ang Overseas Filipino WorkersโPreference Rating (OFW-PR) sa mga kwalipikadong OFW batay sa haba ng kanilang trabaho sa abroad at work performance.
Simula sa August 9, 2026 Civil Service Examination, ang mga kwalipikadong OFW na makakakuha ng general rating na hindi bababa sa 70. ay maaaring mabigyan ng karagdagang puntos sa Civil Service Exam, alinsunod sa mga alituntunin ng CSC.
๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฝ๐น๐?
1) Mga OFW na nagtatrabaho, kasalukuyang nagtatrabaho, o magtatrabaho pa lamang sa abroad, anuman ang bansang pupuntahan, uri ng trabaho, antas ng sahod, o employment status.
2) Mga OFW na may kontrata na para sa trabaho abroad ngunit hindi pa umaalis ng Pilipinas.
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป:
1) Dapat ay may kabuuang hindi bababa sa limang taon ng trabaho sa abroad mula January 1, 2000 hanggang sa petsa ng aplikasyon, tuloy-tuloy man o putol-putol; at
2) Dapat ay nakapag-apply at nakakuha ng Civil Service Examination simula 9 Agosto 2026 at mga susunod pa, gamit man ang pen-and-paper o iba pang paraan, at nakakuha ng bagsak na general rating ngunit hindi bababa sa 70.
Kinikilala ng programang ito ang propesyonalismo, dedikasyon, at sakripisyo ng ating mga OFW, at nagbibigay ng panibagong oportunidad upang patuloy silang makapaglingkod sa bayan bilang mga Lingkod Bayani.
https://www.facebook.com/share/p/1H1XJsbQed/?mibextid=wwXIfr
|PCSC
OFW Heart of Asia
ISANG OFW KASAMBAHAY SA SAUDI ARABIA, NAKA 7 EMPLOYER NA SA LOOB NG 3 BUWANG PANANATILI SA KAHARIAN !
Magandang balita para sa ating mga OFW!
Nagkasundo ang OWWA at CHED upang matulungan ang mga OFW na makapagtapos ng kolehiyo sa pamamagitan ng LEAP-OFWs at ETEEAP program.
Sa programang ito, maaaring kilalanin ang work experience ng OFW bilang daan para makakuha ng college degree. Maaari ring makatanggap ng scholarship o educational assistance ang mga kuwalipikadong aplikante.
1) Flexible ang pag-aaral
2) Maaaring habang nasa abroad pa
4) Puwedeng gawing degree ang years of experience sa trabaho
โข Makakuha ng tulong pinansyal habang nag aaral
Gayunman, inilunsad na ang programa noong April 29, 2026 at inaasahang maglalabas pa ng official guidelines at application process sa mga susunod na linggo.
| OWWA
OFW Heart of Asia
May 2, Pumutok ang Bulkang Mayon at nagbuga ng makapal na abo at mga debris na umabot sa ilang bahagi ng Bicol Region sa Pilipinas.
Naglabas na ng babala ang mga awtoridad at emergency services para sa mga kalapit na bayan upang manatiling alerto at sumunod sa mga safety protocols.
Ang 2,462 metrong taas na Bulkang Mayon ang isa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Address
Riyadh
1447
