01/29/2022
Stream Red TV (Taylor's version)!!!
This page is for readers
01/29/2022
Stream Red TV (Taylor's version)!!!
01/24/2022
“𝑰 𝒇𝒆𝒍𝒍 𝒊𝒏 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒆𝒗𝒊𝒍”
☾❀ 𝓟𝓻𝓸𝓵𝓸𝓰𝓾𝓮☽❀
⚵𝑺𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆 𝑷𝑶𝑽⚵
Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay galing sa school, gabi na at mag isa lamang akong nag lalakad walang dumadaan na sasakyan dahil sa hindi gaanong dinadaan itong lugar namin ng mga sasakyan
Habang tahimik akong nag lalakad sa madilim na daan at tanging liwanag lang ng buwan ang syang nag bibigay ng ilaw sa lugar ay may naramdaman akong sumusunod sa akin kaya't nilingon ko ito ngunit wala naman akong nakitang tao kaya't pinag patuloy ko na lamang ang pag lalakad
Subalit nakakailang hakbang palang ako ay ayan na naman sya kaya naman binilisan ko na ang aking pag lalakad, Habang mabilis akong nag lalakad ay sya din naman pag bilis nito kaya't napag pasyahan ko ng tumakbo
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa may eskwater, At habang tumatakbo ako ay bigla nalamang may himila sa akin
Pilit akong nag pupumiglas sa kanya ngunit masyado syang malakas kaya hindi ko magawang makawala, hanggang sa maramdaman ko na lamang na sinandal ako nito sa isang pader tyaka tinakpan ang aking bunganga
"shhh, wag kang maingay baka makita nya tayo" saad ng lalaking nag takip ng aking bunganga
Makalipas ang ilang minuto ay tinangal nya na ang kanyang k**ay sa aking bunganga kaya naman nag karoon ako ng pag kakataon na makapag salita
"sino kaba? at bakit basta basta ka nalang nang hihila?" sunod² na tanong ko rito
"that's not important for now ang mahalaga ay hindi tayo nakita ng sumusunod sayo" saad nito
"teka nga pano mo nalaman na may sumusunod sa akin, siguro sinusundan mo rin ako noh" saad ko dito
"tsk assumera" mahinang saad nito pero sapat na para marinig ko
"hoy lalaki anong karapatan mo para sabihan ako ng asumera ha" pasigaw na saad ko dito
"tsk" tanging saad nito tyaka umalis sa aking harapan at nag lakad palayo, aba't napaka bastos nya ah
Dahil sa inis ko ay umalis nalang ako sa lugar nayon at nag patuloy sa pag lalakad pauwi
_____
Nakahiga na ako ngayon dito sa aking k**a habang iniisip ang nangyari kanina, Bw*sit talaga ang lalaking yon
Oo, yes po lalaki po yung humila sa akin, pano ko nasabi? well halata naman sa boses nya
"Haystt anyways mabuti pa matulog nalang ako dahil may pasok pa bukas" saad ko sa aking sarili tyaka pinikit ang aking mga mata at hinayaang lamunin ng dilim and
Everything went black
✬𝓔𝓷𝓭 𝓸𝓯 𝓟𝓻𝓸𝓵𝓸𝓰𝓾𝓮✬
___________
𝑺𝒕𝒂𝒕𝒖𝒔:Ongoing
𝑾𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚: Binibining Xylia Zuriñe