SDS New York

Call Directions Contact the organization

SDS New York Sara Duterte Supporters in New York (SDS New York) champions democratic principles & human rights which include freedom of speech and peaceful assembly.

We are committed to protect and support VP Sara Duterte in 2028 💚 🇵🇭

10/15/2026

🔴MULA SA KAIBU-TURAN NG AKING PUSO, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! 🇵🇭🇺🇸

Sa lahat ng aking mga mahal sa buhay, kaibigan, kapamilya, kapwa OFWs, supporters, followers, at sa lahat ng mga taong patuloy na nagtitiwala, naniniwala, sumusuporta, at nagmamahal sa akin .
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG MGA PAGBATI AT PAG-ALALA SA AKING KAARAWAN!

Hindi ko man kayo maisa-isang mabanggit o personal na mapasalamatan, nais kong malaman ninyo na bawat mensahe, pagbati, panalangin, at pagpapakita ng pagmamahal ay tunay na nagpapasaya at nagpapagaan ng aking puso.

Sa totoo lang, wala nang mas hihigit pang regalo kaysa sa malaman mong maraming taong nagmamahal, nagtitiwala, at naniniwala sa iyo, kahit hindi mo sila personal na nakakasama o nakikita.

Sa mga taong naniwala sa akin noong nagsisimula pa lamang ako, sa mga nanatili sa kabila ng mga pagsubok, at sa mga patuloy na sumusuporta hanggang ngayon hindi ko po kayo kailanman malilimutan.

Ang inyong pagmamahal at pagtitiwala ang nagbibigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ang aking adbokasiya, lalo na ang pagtulong at pagtatanggol sa karapatan at kapakanan ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers.

Marami na tayong pinagdaanan. May mga tagumpay, sakripisyo, pagsubok, at pagkakataong hindi naging madali ang ating paglalakbay. Ngunit sa bawat hakbang, nariyan kayo upang magbigay ng inspirasyon at lakas ng loob.

Ang anumang tagumpay at karangalang aking natatanggap ay hindi lamang sa akin, kundi para rin sa inyong lahat na naging bahagi ng aking buhay at paglalakbay.

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa ating Poong Maykapal sa panibagong taon ng aking buhay, sa aking asawa at pamilya, sa mabuting kalusugan, at sa mga taong patuloy Niyang ipinagkakaloob upang maging bahagi ng aking buhay.

Sa aking mga tagasuporta sa Pilipinas, Saudi Arabia, sa buong Middle East, Estados Unidos, Canada, Europa, at saanmang panig ng mundo, maraming salamat sa walang sawang pagmamahal at suporta.

Hindi ko man masuklian ang lahat ng inyong kabutihan, dalangin ko na pagpalain kayo ng Panginoon at ang inyong mga pamilya.

Habang may lakas at pagkakataon akong tumulong, patuloy akong magsisilbi, makikinig, at magiging boses ng ating mga kababayang nangangailangan.

Ang inyong pagtitiwala ay isang karangalang aking iingatan. Ang inyong pagmamahal ay biyayang habambuhay kong pahahalagahan.

Muli, mula sa kaibuturan ng aking puso, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT!

TO GOD BE ALL THE GLORY! 🙏

Lubos na nagpapasalamat,

DJ SURDO SALANAP

10/15/2026

IMPEACHMENT ANG MINAMADALI, PERO ANG BUDGET NG BAYAN, MAIIWAN NA LANG BA?!

Hindi puwedeng puro impeachment ang inuuna habang nakataya ang pondong para sa serbisyo, ayuda, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangangailangan ng taumbayan!

Ito ang punto ni Senator Alan Peter Cayetano: **Puwedeng pagsabayin ang patas na impeachment trial at pagtalakay sa 2027 national budget.** Hindi kailangang isakripisyo ang isa para lang madaliin ang isa.

Dahil sa huli, hindi lang impeachment ang dapat pagtuunan ng Senado. May milyon-milyong Pilipinong umaasa sa maayos at napapanahong budget!

HUSTISYA, OO! PERO HUWAG KALIMUTAN ANG SIKMURA NG BAYAN!

10/15/2026

Isang balde ng Polvoron ang solusyon para maglaho si Ngagva!😆

10/15/2026
10/15/2026

O AYAN NA ANG BALDENG UTAK NA SINASABI MO ANTEH
🤣🤣🤣🤣🤣🤣






10/15/2026

SARA DUTERTE SUPPORTERS NEW YORK ay excited na sa TAPANG AT MALASAKIT sa 2028💚

Spotted here is Atty. Vic Rodriguez with Atty Arnedo Valera👊💚🇵🇭

10/14/2026

Maligaya at Mapagpalang Ika-43 Kaarawan, Kaibigang DJ Surdo Salanap !

Taos-puso ang aking paghanga sa iyong tapang at paninindigan bilang tagapagtanggol ng ating mga OFW, ng malayang pamamahayag, at ng ating Saligang Batas.

Muli, pagbati sa iyong pagkilala bilang isa sa Most Outstanding Migrant Awardees 2026 ng Global Migrant Heritage Commission sa People's Ball!

Dalangin ko ang iyong mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na pagpapala ng Panginoon.

Mabuhay ka, kaibigan! Huwag magsasawang ipaglaban ang katotohanan, katarungan, at karapatan ng sambayanan!

— Atty. Arnedo Valera
SDS New York
Itanong mo kay Atty. Valera - IMKAV
Hakbang ng Maisug - USA
GLOBAL MIGRANT HERITAGE FOUNDATION Group page

Address

New York, NY
10029

Telephone

+13473873877

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SDS New York posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SDS New York:

Shortcuts

Share