22/03/2025
LGU San Jose, Occidental Mindoro - Municipal Information Office
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGU San Jose, Occidental Mindoro - Municipal Information Office, Parsons East, 25 E 13th St, San Jose.
22/03/2025
27/01/2025
Edit and make it better 🥹
24/01/2025
Feelings sad 😢 for camera men
23/01/2025
Never give up
18/07/2024
July 18, 2024
TINGNAN | Mga Certified Public Accountants mula sa Philippine Institute of Certified Public Aaccountants (PICPA) Occidental Mindoro Chapter bumisita at nagbigay-galang sa tanggapan ni Mayor Rey Cajayon Ladaga ngayong umaga.
Malugod at mainit silang tinanggap ng Punong Bayan at kanyang kinilala ang PICPA bilang isa sa mga katuwang sa pagsulong ng isang bayang angat sa pamahalaang tapat. Sila ay naparito bilang bahagi ng Accoountancy Week Celebration ngayong linggo.
Kabilang sina Municipal Administrator Ruzziel Ladaga-Cuisia, MHRM Officer Maridel A. Ralleta, Municipal Accountant Fatima C. Castronuevo, at Municipal Assessor Olivia W. Salgado sa mga miyembro ng PICPA.
17/07/2024
3,224 NA ANG DEPOPULATED SWINE AT MAY NAITALANG 1,216 SWINE DEATHS SA BAYAN NG SAN JOSE
Sa ikalimang araw ng pagsasagawa ng depopulation o pagpatay at paglibing sa mga baboy dahil sa African Swine Fever o ASF, umabot na sa 3,224 ang depopulated swine at may naitalang 1,216 swine deaths batay sa datos ng Municipal Agriculture Office.
Ang na-depopulate na 3,224 ay mula sa 315 hog raisers ng 12 barangay:
1. Bubog - 697
2. San Roque - 66
3. Mabini - 295
4. La Curva - 434
5. Labangan Poblacion - 193
6. San Isidro - 202
7. Camburay - 22
8. Bagong Sikat - 152
9. Mangarin - 509
10. Mapaya - 553
11. Magbay - 86
12. Bayotbot - 15
Samantala, ang naitalang 1,216 swine deaths ay mula sa 16 na barangay:
1. Bagong Sikat - 89
2. Bayotbot - 91
3. Bubog - 37
4. Camburay -3
5. Central - 28
6. La Curva - 213
7. Labangan Poblacion - 91
8. Mabini - 44
9. Magbay - 103
10. Mangarin - 134
11. Mapaya - 94
12. Murtha - 2
13. Pag-asa - 3
14. San Agustin - 14
15. San Isidro - 109
16. San Roque - 134
PAUNAWA📣 Sa mga bibili ng karne ng baboy o mga produktong gawa sa baboy ( tocino, longanisa) mula sa palengke ng San Jose, mangyaring humingi ng resibo sa tindahang pinagbilhan o certification mula sa market supervisor. Ito po ang ipapakita sa mga check point upang maipasok ang nasabing mga produkto sa inyong lugar dito sa San Jose.
Maliban po sa mga barangay ng Batasan, Naibuan at Monteclaro ng San Jose at karatig bayan na hindi nagpapapasok ng anumang pork products.
17/07/2024
July 17, 2024
TINGNAN | Mga kawani ng lokal na pamahalaan ng San Jose naging kalahok sa information drive ng Commission on Human Rights (CHR) - MIMAROPA ngayong umaga sa MPDO Conference Hall. Dito nila natutunan ang tungkol sa mga mandato na nakaatas sa Komisyon mula sa konstitusyon ng bansa.
Pinakatampok dito ay ang pagtalakay sa Republic Act No. 11596 o ang Anti-Child Marriage Law. Naniniwala ang pamunuan ng CHR na sa pamamagitan ng ganitong information and education campaign ay makakatulong ito na malinang sa ating mga kababayan ang tungkol sa kanilang mga karapatang pantao.
Personal na nagtungo at nagpaabot ng kanyang suporta si Mayor Rey Cajayon Ladaga kasama ang kanyang pagbati sa mga dumalong kawani. Si Mr. Vincent Leo L. Gamboa, Information Officer ng CHR-MIMAROPA, ang nagsilbing resource speaker ng mga paksa.
16/07/2024
July 16, 2024
TINGNAN: 680 na baboy ang na-depopulate dahil sa ASF sa ikaapat na araw ng depopulation o pagpatay at paglibing sa mga baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF) gayundin sa exposed cases. Pag-aari ito ng walumpung (80) hog raisers mula sa mga barangay ng Bagong Sikat, Mapaya, Mangarin at Bubog.
Samantala, ang bayan ng San Jose ay dineklara ng nasa state of calamity ng Sangguniang Bayan sa ginanap na 28th Regular Session ngayong araw dahil sa ASF outbreak.
16/07/2024
July 16, 2024
BAYAN NG SAN JOSE, DINEKLARANG NASA STATE OF CALAMITY NG SANGGUNIANG BAYAN DAHIL SA ASF
Pormal nang inaprubahan ngayong hapon sa 28th Regular Session ng Sangguniang Bayan ang rekomendasyon na ideklara ang bayan ng San Jose sa ilalim ng State of Calamity na nakapaloob sa inilabas na Joint Resolution No. 2024-001 ng MDRRMC at MAFC kamakailan. Ito ay sa mosyon ni Kons. Arneldo E. Argame na sinegundahan ng lahat ng konsehal.
Ayon sa ulat ni Municipal Agriculturist Romel B. Calingasan, Incident Commander ng ICS-ASF, umabot na sa ₱31,382,000.00 ang tinatayang pinsala mula sa namatay at na-depopulate na mga baboy bungsod ng African Swine Fever (ASF) sa ating bayan ayon sa pinakahuling datos. Apektado na ang labintatlong (13) barangay at 156 hog raisers sa San Jose samantalang ang depopulation ng mga baboy sa loob ng 500-meter radius ng confirmed cases ay nagpapatuloy.
Aprubado na rin ng konseho ang augmentation sa halagang ₱2,500,000.00 para sa Special Trust Fund ng lokal na pamahalaan. Ayon kay Ms. Marie Joy C. Domingo ng MDRRMO, ito ay para sa patuloy na disinfection, depopulation, at logistical support para sa pagkontrol ng pagkalat ng ASF.
Si Vice Mayor Sonny V. Javier ang nagsilbing Presiding Officer at ito ay dinaluhan ng lahat ng mga konsehal ng bayan.
16/07/2024
₱31,382,000.00, TOTAL ESTIMATED LOSS DAHIL SA ASF SA SAN JOSE AS OF JULY 15, 2024
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ang total estimated loss dahil sa African Swine Fever (ASF) ay ₱31,382,000.00. Mula ito sa 1,768 depopulated swine (₱19,588.000.00) at 969 swine deaths (₱11,794,000.00).
Ang na-depopulate na 1,768 ay mula sa 131 hog raisers sa mga barangay ng Bubog, San Roque, Mabini, La Curva, Labangan Poblacion, San Isidro, at Camburay.
Samantala, ang 969 swine deaths naman ay mula sa 156 hog raisers sa mga barangay ng Bagong Sikat, Bayotbot, Bubog, Camburay, La Curva, Labangan Poblacion, Mabini, Magbay, Mangarin, Mapaya, San Agustin, San Isidro, at San Roque.
Ang depopulation o pagpatay sa mga baboy ay ang pinakamabisang paraan upang mapigil ang pagkalat ng virus dahil wala pang bakuna kontra ASF. Ang mga affected hog raisers na hindi nakapagpa-insured sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC at may mga alagang baboy na napasama sa depopulation ay maaaring makatanggap ng limang libong piso (₱5,000.00) per head hanggang maximum na 20 heads mula sa Department of Agriculture.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pamahalaang bayan ng San Jose sa pagsasagawa ng depopulation sa patnubay ni Mayor Rey Cajayon Ladaga at pangunguna ni Municipal Agriculturist Romel B. Calingasan bilang Incident Commander. Isinasagawa ito ngayong araw sa barangay Bagong Sikat, Mapaya, Mangarin at Bubog.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Culinary Team
Attire
Contact the business
Telephone
Website
Address
Parsons East, 25 E 13th St
San Jose
10022
