SKC Datu Rashid Kalim

  • Home
  • SKC Datu Rashid Kalim
Directions

SKC Datu Rashid Kalim 𝗣𝗨𝗦𝗢 𝗛𝗨𝗦𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗟𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬 𝗛𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦-𝟴

🩺 HIV, SMOKING & VA**NG AWARENESS! 🚭💨Kaakibat ng SK sa pagtataguyod ng mas malusog at responsableng kabataan! 💙💚Isang ma...
11/09/2026

🩺 HIV, SMOKING & VA**NG AWARENESS! 🚭💨

Kaakibat ng SK sa pagtataguyod ng mas malusog at responsableng kabataan! 💙💚

Isang makabuluhang awareness activity tungkol sa HIV prevention, smoking, at va**ng awareness na pinangunahan ni SK Chairman Datu Rashid Kalim, sa tulong ng ating mga Barangay Health Workers (BHW) at City Health Office.

Sa tamang kaalaman, pag-iwas, at malasakit—kabataan ay mas ligtas, mas malusog, at mas handa para sa kinabukasan. 💪

Alamin. Mag-ingat. Makiisa. Para sa Healthy Kabataan! 🌱

LINGGO NG KABATAAN 2026 | Successfully Concluded! 💪🏻🎉Isang masaya, makabuluhan, at puno ng saya ang naging pagdiriwang n...
01/09/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026 | Successfully Concluded! 💪🏻🎉

Isang masaya, makabuluhan, at puno ng saya ang naging pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 ng mga kabataan ng Rosary Heights 8!

Mula sa libreng ice cream, street foods, palaro at paligsahan, hanggang sa musika at tawanan —tunay na naging makulay ang araw na ito!

Sa temang “Kabataan ang Pag-asa, Sama-sama sa Pag-unlad ng Barangay!”, ipinakita natin na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi aktibong katuwang sa pagbuo ng mas masaya, mas matatag, at mas maunlad na komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng kabataang nakilahok at nakiisa!

Mabuhay ang kabataan ng RH-8! 👊🏻

Youth Development Office - Cotabato CityCotabato City GovernmentBYC Maguindanao with Cotabato City & SGA

LINGGO NG KABATAAN 2026 🎉Mga kabataan ng Rosary Heights 8, tara na at magsama-sama tayo para sa isang masaya at makabulu...
25/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026 🎉

Mga kabataan ng Rosary Heights 8, tara na at magsama-sama tayo para sa isang masaya at makabuluhang pagdiriwang!

📅 Agosto 31, 2026
⏰ 12:00 PM
📍 RH-8 Covered Court, Cotabato City

🍦Libreng Ice Cream
🍢 Libreng Street Foods
🎮 Palaro at Paligsahan
🎶 Musika at Saya

Sa temang “Kabataan ang Pag-asa, Sama-sama sa Pag-unlad ng Barangay!”, sama-sama nating ipakita na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan, kundi aktibong bahagi ng pag-unlad ng ating komunidad.

Kita-kits, kabataan ng RH-8! 👊🏻

25/08/2026
Together, we can build a brighter future for our children. 📚📺❤️Under the leadership of Sangguniang Kabataan Chairman Dat...
29/07/2026

Together, we can build a brighter future for our children. 📚📺❤️

Under the leadership of Sangguniang Kabataan Chairman Datu Rashid Kalim, the SK proudly donated a Smart TV, learning materials, cleaning equipment, and food to our daycare students. This initiative reflects our commitment to supporting quality education, promoting a clean learning environment, and bringing smiles to our young learners.

May this simple act of service inspire hope, encourage learning, and remind every child that their future matters. Thank you to everyone who helped make this meaningful outreach possible.

Youth Development Office - Cotabato CityBangsamoro Youth Commission

18/06/2026
Drug Prevention and AwarenessNagkaisa ang walong (8) barangay mula sa Rosary Heights 7 hanggang Rosary Heights 13 at Pob...
18/06/2026

Drug Prevention and Awareness

Nagkaisa ang walong (8) barangay mula sa Rosary Heights 7 hanggang Rosary Heights 13 at Poblacion 8 sa isinagawang Drug Prevention Awareness Program na ginanap sa RH-8 Barangay Hall noong Hunyo 18, 2026.

Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan, lalo na ng kabataan, hinggil sa masamang epekto ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng isang ligtas, malusog, at drug-free na komunidad.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa ilalim ng pangangasiwa at pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng City Health Office (CHO).

Youth Development Office - Cotabato City
Office on Health Services-Cotabato City
Philippine drug enforcement agency
BYC Maguindanao with Cotabato City & SGA

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SKC Datu Rashid Kalim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share