DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro

  • Home
  • DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro
Directions Contact the organization

DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro Official account of DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro. Malasakit sa Mahihirap. Maagap at Mapa

Narito ang mahahalagang detalye tungkol sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assis...
20/07/2026

Narito ang mahahalagang detalye tungkol sa Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance, kabilang ang payout schedule para sa bawat beneficiary group.

Ang UPLIFT Assistance ay inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para magbigay ng karagdagang suporta sa mga poor, near-poor at low-income households sa gitna ng energy emergency at mapanatili ang kanilang purchasing power.

Para sa iba pang impormasyon at mga susunod na anunsyo, i-follow ang aming official page , at DSWD MIMAROPA Region

🔗 Kaugnay na post: https://www.facebook.com/share/p/189e9qH3LL/?mibextid=wwXIfr

❤️

08/07/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝟒𝐏𝐬

Isang makabuluhang tagumpay para sa kapakanan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang pagpasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ng isang ordinansang nagbabawal sa pagsasangla ng ATM card, cash card, at iba pang dokumento ng 4Ps bilang kolateral sa pautang.

Sa pamamagitan ng ordinansang ito, higit na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang pangangalaga sa mga pamilyang benepisyaryo laban sa mga gawaing maaaring magdulot ng pang-aabuso, pagkakautang, at pagkawala ng akses sa mga benepisyong nararapat para sa kanila.

Ang hakbang na ito ay patunay ng matibay na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng integridad ng programa at sa pagtiyak na ang tulong na inilaan ng pamahalaan ay tunay na mapakikinabangan ng mga pamilyang nangangailangan para sa kanilang kalusugan, edukasyon, at pangkalahatang kapakanan.

Nagpapasalamat ang DSWD sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro at sa Sangguniang Panlalawigan sa kanilang patuloy na pakikiisa sa pangangalaga sa kapakanan ng mga benepisyaryo at sa pagpapatibay ng mga mekanismong nagtataguyod ng responsable at wastong paggamit ng mga benepisyo ng programa.

Sama-sama nating protektahan ang 4Ps. Sama-sama nating pangalagaan ang kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.



08/07/2026

𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐎𝐜𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨, 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐥𝐨𝐬-𝐔𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐅𝐫𝐚𝐦𝐞𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝟒𝐏𝐬

Isang makasaysayang hakbang ang isinulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pagpapatibay ng Special Ordinance No. 46, na nagsasabatas sa Kilos-Unlad Framework, isang konkretong patunay na ang paglalakbay ng mga pamilyang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay hindi nagtatapos sa kanilang pagtatapos sa programa.

Sa pangunguna ni Hon. Sonia C. Pablo at sa suporta ng buong Sangguniang Panlalawigan, isinabatas ang isang mekanismong magtitiyak na ang mga 4Ps graduates at exiting beneficiaries ay patuloy na magkakaroon ng akses sa mga oportunidad sa kabuhayan, edukasyon, scholarship, social protection, at iba pang serbisyong magpapalakas sa kanilang kakayahang maging ganap na self-reliant.

Patunay ito ng matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa pagtatapos sa programa, kundi sa kakayahan ng bawat pamilya na mapanatili ang kanilang pag-unlad at mabigyan ng mas matatag na kinabukasan.

Lubos ang pasasalamat ng DSWD sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa patuloy na pakikiisa sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa bawat pamilyang 4Ps. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang lokal na pamahalaan na palakasin ang suporta sa mga pamilyang nagsusumikap na makamit ang isang mas maunlad, matatag, at marangal na buhay.

Dahil sa ganitong programa ng DSWD, nagsisimula ang pagbabago. Sa suporta ng lokal na pamahalaan, nagpapatuloy ang pag-unlad.

Basahin ang buong ulat sa: https://fo4b.dswd.gov.ph/2026/07/occidental-mindoro-pinagtibay-ang-ordinansa-para-sa-pangmatagalang-suporta-sa-mga-nagtapos-at-lalabas-sa-4ps/

❤

08/07/2026
08/07/2026

Pambato ng Occidental Mindoro!

Mula Municipal, hanggang Provincial, at ngayon ay Regional Level na ang ating pambato! Kilalanin natin si Jerlyn Fay Socao, isang Grade 9 student mula sa Occidental Mindoro National High School – Mamburao.

Sa kabila ng mga hamon ng buhay, hindi siya sumuko. Sa tulong ng programang 4Ps, mas lalong nagningning ang kanyang determinasyon na abutin ang kanyang mga pangarap. Ngayon, siya ang ating kinatawan sa Regional Vlog Contest: "Sa Likod ng Kamera: Tunay na Buhay ng 4Ps".

Ipakita natin ang pagkakaisa ng mga taga-Occidental Mindoro! Ang inyong suporta ang magdadala sa kanya para makuha ang People's Choice Award.

PAANO BUMOTO?
1️⃣ I-follow ang FB Page ng DSWD MIMAROPA.
2️⃣ Panoorin ang entry ni Jerlyn Fay Socao.
3️⃣ Mag-react (Heart/Like) at i-SHARE ang kanyang video!

Tara, panoorin, suportahan, at ipagdiwang natin ang kuwento ng pag-asa ni Jerlyn! 🇵🇭

Video Link: https://www.facebook.com/share/v/1CpU4pYaTU/

Join us and be part of the dedicated workforce of DSWD 4Ps-Occidental Mindoro!If you possessed all the qualifications ne...
13/06/2025

Join us and be part of the dedicated workforce of DSWD 4Ps-Occidental Mindoro!

If you possessed all the qualifications needed, go na sa aming JOB FAIR.

Please see photos for details.

Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Pantawid Pamilya Occidental Mindoro:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share