30/03/2026
PPA PMO-Bohol
Landline Number: (038) 501-8138
30/03/2026
23/03/2026
!
The Philippine Ports Authority (PPA) is looking for interested and qualified applicants for the following vacant positions.
Here is the link text from the image:
Accomplish the Application link:
https://forms.office.com/Pages/ResponsePage.aspx?id=IIDy3hYE_EywuZiVmoM5x6PCtOkY_ZBPh9x8GOoJ2F5UMk1QNDFJU1dBWVg0RFRIRlJLTUQzU1JLSy4u&origin=QRCode
βπΊπ ππππππππππππ π·πππππππ, πππππππ πππ πππππ.β
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:
02/03/2026
Masiglang ipinagdiwang ng Port Management Office (PMO) ng Bohol ang ika-30 anibersaryo nitong Linggo, ika-1 ng Marso 2026, sa pamamagitan ng isang Zumba Dance activity na may temang βUmarangkada, Arangkada Pa.β
Nagsimula ang nasabing aktibidad bandang alas-sais ng umaga at nilahukan ng mga empleyado ng pantalan. Layunin nitong itaguyod ang pangangalaga sa kalusugan, mapanatili ang maayos na pangangatawan, at mapalakas ang resistensya ng mga kawani.
Naging matagumpay ang selebrasyon na hindi lamang nagbigay-daansa pisikal na kalusugan kundi nagpatibay rin sa samahan at pagkakaisa ng mga empleyado ng PMO Bohol.
βπΊπ ππππππππππππ π·πππππππ, πππππππ πππ πππππ.β
Facebook:
Twitter:
YouTube:
Instagram:
TikTok:
24/02/2026
Matagumpay na sinimulan ng Port Management Office (PMO) Bohol ang isang linggong pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo nito sa pamamagitan ng Sports Tournament para sa mga empleyado nitong ika-23 ng Pebrero 2026.
Bahagi ang naturang aktibidad ng serye ng mga programa bilang paghahanda sa culminating activity na nakatakda sa ika-2 ng Marso 2026. Layunin nitong palakasin ang diwa ng pagkakaisa, kooperasyon at mabuting samahan ng mga kawani, mga salik na itinuturing na mahalaga sa patuloy na paghahatid ng episyente at de-kalidad na serbisyo publiko.
Isasagawa rin sa loob ng linggo ang ibaβt ibang aktibidad tulad ng Port Urban Gardening and Clean-up Activities, Port Familiarization and Orientation, Larong Pinoy, at Outreach Activity, bilang bahagi ng pagdiriwang.
Inaasahang higit pang paiigtingin ng pagdiriwang, sa ilalim ng temang βBOHOL: Umarangkada, Arangkada Pa,β ang adhikain ng tanggapan tungo sa tuluy-tuloy na pag-unlad at mas mahusay na paglilingkod sa publiko.
βπΊπ ππππππππππππ π·πππππππ, πππππππ πππ πππππ.β
Facebook:
X:
YouTube:
Instagram:
TikTok:
23/01/2026
Nakilahok ang Port Management Office (PMO) Bohol sa isinagawang Multi-Agency Coordination Center (MACC) meeting katuwang ang ibaβt ibang ahensya nitong ika-22 ng Enero 2026, bilang paghahanda para sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang at plano upang maging maayos at ligtas ang pagbisita ng mga banyagang kalahok. Kabilang sa mga inisyatiba na ipapatupad ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagtatalaga ng Express Lanes at Helpdesk, gayundin ang paglalaan ng parking area sa loob ng Port of Tagbiliran.
Patuloy ang mga awtoridad sa pagpapahusay ng operational plans, pamamahala sa trapiko, at paghahanda sa emerhensiya upang matiyak ang ligtas at maayos na pagbisita ng lahat.
βπΊπ ππππππππππππ π·πππππππ, πππππππ πππ πππππ.β
Facebook:
X:
Youtube:
Instagram:
Tiktok:
Contact the business
Website
Opening Hours
| Monday | 08:00 - 17:00 |
| Tuesday | 08:00 - 17:00 |
| Wednesday | 08:00 - 17:00 |
| Thursday | 08:00 - 17:00 |
| Friday | 08:00 - 17:00 |
