DepEd Tayo Agno NHS 300154

  • Home
  • DepEd Tayo Agno NHS 300154
Directions Website

DepEd Tayo Agno NHS 300154 Premier High School in the West

BRIGADA ESKWELA | DAY 4 | JUNE 4, 2026Sa ikaapat na araw ng brigada ay hindi naging hadlang ang ulan sa pagtutulungan at...
04/06/2026

BRIGADA ESKWELA | DAY 4 | JUNE 4, 2026

Sa ikaapat na araw ng brigada ay hindi naging hadlang ang ulan sa pagtutulungan at pagmamalasakit para sa paaralan. Sa kabila ng maulang panahon, patuloy ang paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga silid-aralan upang maging handa para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, volunteers, at mga katuwang sa komunidad na patuloy na naglaan ng oras, lakas, at suporta sa kabila ng pabago-bagong panahon.


DAY 3 | BRIGADA ESKWELA 2026Sa bawat patak ng pintura at bawat sulok na nilinis, mas lalo nating naihahanda ang paaralan...
03/06/2026

DAY 3 | BRIGADA ESKWELA 2026

Sa bawat patak ng pintura at bawat sulok na nilinis, mas lalo nating naihahanda ang paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.

Lubos na pasasalamat sa mga BFP personnel na nagsagawa ng pagpipintura at sa mga miyembro ng 4P's na buong pusong tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng mga silid-aralan. Ang inyong oras, sipag, at malasakit ay malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Tunay ngang mas nagiging makabuluhan ang Brigada Eskwela kapag sama-sama ang komunidad sa iisang layunin.


BRIGADA ESKWELA | DAY 2 | JUNE 2, 2026Patuloy ang bayanihan at pagkakaisa para sa mas ligtas, malinis, at maayos na paar...
03/06/2026

BRIGADA ESKWELA | DAY 2 | JUNE 2, 2026

Patuloy ang bayanihan at pagkakaisa para sa mas ligtas, malinis, at maayos na paaralan.

Sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela, sama-samang pa ring naglaan ng oras, lakas, at suporta ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad upang maihanda ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang tulong. Ang bawat ambag ay hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral.


Matagumpay na isinagawa sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Agno (PMPA) ang Brigada Eskwela 2026 Division Kick-Off Cerem...
02/06/2026

Matagumpay na isinagawa sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Agno (PMPA) ang Brigada Eskwela 2026 Division Kick-Off Ceremony, Hunyo 1, 2026, na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”

Pinangunahan ni Schools Division Superintendent Dr. Fatima R. Boado, CESO V, ang pagbubukas ng programa na nilahukan ng mga opisyal ng DepEd, mga kawani ng lokal na pamahalaan, katuwang na ahensya, mga stakeholder, at iba’t ibang sektor ng komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Boado ang mahalagang papel ng bayanihan sa tagumpay ng Brigada Eskwela. Aniya, “Kayang-kaya basta’t sama-sama,” bilang pagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Bilang bahagi ng programa, naglunsad ng iba’t ibang information at service booths na nagbigay ng mahahalagang serbisyo sa mga dumalo. Kabilang dito ang Medical Booth SDO 1, Rural Health Unit PhilHealth, Region I Medical Team, Dental Booth, Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Booth, Agno Response Team Booth, Learners’ Rights and Protection Booth, at Learning Resources Booth.

Nagsagawa rin ng iba’t ibang gawaing tulad ng pagtatanim ng puno, pagpipintura ng mga pasilidad, at pagkukumpuni ng mga kagamitan sa paaralan, paglilinis sa loob at labas ng mga klassrum upang higit na mapabuti ang kapaligiran ng pagkatuto.

Ipinakita ng aktibong pakikilahok ng mga stakeholder at miyembro ng komunidad gaya ng mga miyembro ng TUPAD ang kanilang suporta sa layunin ng Brigada Eskwela na matiyak ang isang ligtas, malinis, at maayos na paaralan para sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng taong panuruan 2026–2027.

Nagwakas ang programa sa mensahe ni Dr. Angelo Rosete, punong-g**o ng PMPA, na nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026. Hinikayat niya ang patuloy na pakikipagtulungan ng komunidad at iba’t ibang sektor upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral.

01/06/2026

AGNO NHS HOSTS DIVISION KICK-OFF CEREMONY FOR BRIGADA ESKWELA 2026

AGNO, Pangasinan – June 1, 2026 – Agno National High School hosted the Division Kick-Off Ceremony for Brigada Eskwela 2026, carrying the theme, "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman."

The event was led by Schools Division Superintendent Dr. Fatima R. Boado, Assistant Schools Division Superintendent Dr. Rosario O. Cabrera, and Dr. Arlene B. Casipit, together with Dr. Michael E. Rame, Chief of SGOD, Education Program Supervisors, and Division Personnel of SDO1 Pangasinan.

Also present were Public School District Supervisor Dr. Rosie A. Caasi, Agno Municipal Mayor Engr. John F. Celeste, represented by Engr. Domiciano Soriano, Vice Mayor Jonathan Doromal, Municipal Councilors, other LGU officials, school heads, teaching and non-teaching personnel, parents, stakeholders, and public and private partners.

The ceremony officially launched Brigada Eskwela 2026, highlighting the spirit of bayanihan and the collective commitment of stakeholders in ensuring schools are safe, clean, and ready for the opening of classes.

The activity underscored the importance of collaboration among the Department of Education, local government units, community partners, and volunteers in supporting quality education and learner success.








31/05/2026

2026 Brigada Eskwela Division Kick-Off live at Agno National High School!

31/05/2026

2026 Brigada Eskwela Division Kick-Off

📢 ANNOUNCEMENTPlease be informed that enrollment transactions at Agno National High School will be CLOSED TOMORROW due t...
21/05/2026

📢 ANNOUNCEMENT

Please be informed that enrollment transactions at Agno National High School will be CLOSED TOMORROW due to the implementation of a Work-From-Home setup.

We would also like to clarify that the previously posted enrollment schedule of May 18–22 has been corrected. Enrollment is only until May 21, as May 22 falls on a Friday.

Thank you for your understanding and cooperation.


📣 PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN: ISANG PANAWAGAN PARA SA BAYANIHAN! 🤝Mga kapwa naming magulang, mag-aaral, alumni, at mga...
20/05/2026

📣 PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN: ISANG PANAWAGAN PARA SA BAYANIHAN! 🤝

Mga kapwa naming magulang, mag-aaral, alumni, at mga kaibigan ng Agno National High School! Papalapit na naman ang panahon ng pagkakaisa para sa ating ikalawang tahanan.
Upang masig**ong ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa darating na pasukan, kami po ay kumakatok sa inyong mga mabubuting puso para sa BRIGADA ESKWELA 2026 ngayong darating na Hunyo 1 hanggang 5, 2026.

🛠 Paano kayo makatutulong?
• Maging Volunteer: Bukas po ang ating pintuan para sa mga Skilled Workers/Craftsmen (Carpenters, Electricians, Plumbers) at mga nagnanais tumulong sa paglilinis, pagsasaayos, at pagpipinta.
• Magbahagi ng Donasyon: Malaking tulong po ang mga materyales tulad ng school supplies, maintenance & repair tools, at cleaning materials (tingnan ang mga kalakip na larawan para sa kumpletong listahan).
Walang tulong na maliit kung ito ay nagmumula sa pusong nagkakaisa. Magtulungan po tayo para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga kabataan!

🏫 Mag-punta lamang sa ating paaralan o makipag-ugnayan sa mga g**ong tagapayo para sa inyong mga donasyon o pagpaparehistro bilang volunteer.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Agno NHS 300154 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share