06/10/2026
MULING BUMISITA SA TANGGAPAN NI MAYOR PIWA LIM ANG MGA KINATAWAN NG DEPARTMENT OF HEALTH–CENTER FOR HEALTH DEVELOPMENT (DOH-CHD) CALABARZON upang talakayin ang planong pagtatayo ng Sub-National Reference Laboratory sa Barangay Ibabang Palale, malapit sa SLSU-Tayabas Campus.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong sina Engr. Ronald Doroteo at DMO Maria Nicole G. Denolo-Pumarada, na nakipag-usap sa alkalde hinggil sa mga plano at kinakailangang paghahanda para sa naturang pasilidad.
Layunin ng proyekto na mapalakas ang kapasidad ng rehiyon sa laboratory diagnostics, disease surveillance, at iba pang serbisyong pangkalusugan, na makatutulong sa mas mabilis at episyenteng pagtukoy at pagtugon sa mga sakit at banta sa kalusugan ng publiko.
Kasama ni Mayor Piwa Lim sa pagpupulong ngayong Martes, October 6, 2026 sina City Planning and Development Coordinator EnP. Gino Carlo Zaporteza, City Health Officer Dr. Hernando Marquez, at City Social Welfare and Development Officer Irma Ilocario.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod sa DOH upang maisulong ang mga programang magpapalakas sa serbisyong pangkalusugan at makapagbibigay ng mas mahusay na serbisyong medikal sa mga mamamayan.