11/09/2025
ANG MAPAGKUMBABANG TAGUMPAY
(A Testimonial Video for the 2025 Gawad Lam-ang Regional Search for Outstanding DepEd Personnel - Secondary School Head Category)
Matamis ang tagumpay at nakalulugod ang magtagumpay. Subalit, saan nga ba dinadala ng pananagumpay ang isang nagwawagi sa laban ng buhay?
Sa Schools Division Office I Pangasinan, may isang huwarang punong-g**o na sa kabila ng mga matatayog na personal at propesyonal na naabot niya sa larangan ng edukasyon ay nananatiling mapagkumbaba lalo na sa kabi-kabilang papuri, parangal, at pagkilala na iginagawad sa kaniya sa loob at labas ng kasalukuyan niyang pinamumunuang paaralan na Pangasinan School of Arts and Trades (PSAT) sa Lingayen, Pangasinan.
Si Dr. Jonathan R. Estrada na tubong-Bugallon, pinanday ng PSAT, at lalong kilala sa tawag na “Sir Jong” ay sadyang naiiba bilang lider at edukador: naglilingkod nang tapat at ipinatutupad ang makatarungan at dapat; mahusay na gumagabay sa mga mag-aaral, kaguruan, mga kawani, at maging sa iba’t ibang organisasyon sa paaralan gaya ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG); at nagmamalasakit at tumutulong sa kapwa sa abot ng makakaya.
Sa pamumuno ni Sir Jong ay tunay niyang naiangat ang PSAT sa lahat ng aspekto: sa akademiko at di-akademiko taglay ang sari-saring programa, proyekto, at aktibidad na gaya ng Joint Reading Enhancement Program; sa pagpapaigting ng seguridad at pagtitiyak sa maayos na kalusugan sa tulong ng modernong Dental Clinic, Mental Health Hub, at mas komprehensibong School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM); at maging sa pagsusulong sa karera ng mga g**o.
Higit pa, sa katangi-tanging pangangasiwa at pagpapangulo ni Sir Jong, sadyang nagningning at nanguna ang PSAT hindi lamang sa pisikal na kaunlaran kundi maging sa mga patimpalak mula lokal hanggang nasyonal na antas gaya sa Palarong Pambansa, dahilan sa pagtataglay ng tagline na “Powerhouse of Success: Building Excellence and Craftsmanship into a Lasting Legacy”.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang lider na matagumpay ay nanatiling mapagkumbaba at mas pinag-alab pa ang pagseserbisyo sa paaralan at komunidad katuwang ang mga pangunahing organisasyon sa paaralan na gaya ng School Parents-Teachers Association (SPTA), Alumni Association, at maging ang mga utility personnel na hanga sa kaniyang pag-abot at pagdamay sa kanila na walang-kapara.
Si Dr. Jonathan R. Estrada ay isang patunay na hindi kailangang laging maingay ang tagumpay sapagkat ang isang tunay na tala ay kusang nagliliwanag at kinikilala, higit sa mga pagkakataong ito’y yumuyuko’t nagpapakumbaba.
***
Writers:
JONATHAN R. ESTRADA, EdD
JAYNARD J. HERNANDEZ, PhD
Narrator & Voice Artist:
DENIELLE ALEXIS M. JUNIO, PhD
Contributors:
ALIZA MARIE S. CASTILLO, PhD
LORNA ADELAIDA C. CRUZ
JACQUELINE O. DIAZ
MINALYN O. GARCE, LPT
HILDA F. MORALISTA, LPT
Creative Consultant:
JONATHAN R. ESTRADA, EdD
Video Editor & Assistant Director:
TARA LAILA M. PARAGAS, LPT
Director:
JAYNARD J. HERNANDEZ, PhD
"POWERHOUSE OF SUCCESS: BUILDING EXCELLENCE AND CRAFTSMANSHIP INTO A LASTING LEGACY"