90IB, Alpha "Agila" Company

  • Home
  • 90IB, Alpha "Agila" Company
Call Directions

90IB, Alpha "Agila" Company Alpha company, lage ninyong maaasahan.. Saan man at kanino man..

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit (RHU) ang isang Medical Outreach Program and Feeding Activity sa pamumuna n...
28/11/2025

Matagumpay na isinagawa ng Rural Health Unit (RHU) ang isang Medical Outreach Program and Feeding Activity sa pamumuna ni Sittie Mo Husaifah M Baliwan na naglalayong maihatid ang pangunahing serbisyong medikal sa mga residente ng Barangay Sayap, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur. Nakinabang ang mamamayan sa iba’t ibang serbisyo gaya ng konsultasyong medikal at pamamahagi ng mga libreng gamot. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ang mga nasa liblib at mahihirap na komunidad.

Upang masiguro ang maayos, mapayapa, at ligtas na daloy ng programa, nagbigay ng buong suporta ang Alpha Company, 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion, 6ID, PA sa ilalim ng pamumuno ni 2LT ARJEM PAUL CASTROMAYOR (INF) PA, Platoon Leader. Ang kanilang presensya ay nagbigay ng katiyakan sa mga residente at nagsilbing gabay upang maging maayos ang pagsasagawa ng Outreach Program, lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan sa paligid ng venue.

Kasama rin sa nagpabilis at nagpatatag ng seguridad sa aktibidad ang PNP Datu Hoffer Municipal Police Station na pinangunahan ni PCapt Beatriz R Taeza, Chief of Police. Sa pagtutulungan ng Philippine Army at Philippine National Police, naging organisado ang pagdaloy ng mga benepisyaryo at natugunan ang anumang pangangailangan para sa seguridad at peace and order, na nagbigay daan para sa komportableng pag-avail ng mga residente ng serbisyong medikal.

Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng kasiyahan ang mga residente ng Brgy. Sayap dahil sa oportunidad na makatanggap ng libreng serbisyong medikal.


Barangay Assembly Day, TALAKAYAN sa BARANGAY"Aktibong Diskosyon ng Pamayanan Tungo sa Maunlad at Masiglang Bagong Pilipi...
19/11/2025

Barangay Assembly Day, TALAKAYAN sa BARANGAY"Aktibong Diskosyon ng Pamayanan Tungo sa Maunlad at Masiglang Bagong Pilipinas".

Layuning mapalakas ang partisipasyon ng mamamayan at mas paigtingin ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad, isinagawa ng Barangay Mantao, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur, ang taunang Barangay Assembly Day ngayong ika-19 ng Nobyembre 2025 na dinaluhan ng mga residente, opisyal ng barangay, at kinatawan mula sa lokal na pamahalaan.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ng mga opisyal ang kasalukuyang kalagayan ng barangay, kabilang ang peace and order updates, mga programa laban sa kriminalidad, at mga hakbang para sa mas ligtas na pamayanan. Ibinahagi rin ang mga naging tagumpay ng barangay sa pagpapanatili ng katahimikan, tulad ng aktibong pakikipagtulungan ng bawat myimbro ng komunidad, pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad, at pagpapatibay ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Nagkaroon din ng open forum kung saan malayang nagtanong ang mga residente tungkol sa seguridad, illegal drugs, at iba pang isyung pang-komunidad. Pinuri naman ng mga dumalo ang bukas na komunikasyon at malinaw na direksyon ng barangay para sa mga susunod na programa.

Dumalo sina, ,2LT ROJAN M TINDAY (INF) PA, PL ACOY 90IB; 2LT ARJEM PAUL CASTROMAYOR (INF) PA, PL ACoy 90IB, at 2LT ROLDAN T OMLANG (CE) PA, PL CCoy 65IB. Kasama din sa aktibidad si PCPT BEATRIZ TAEZA, COP, Datu Hoffer, MDS, at SFO1 Mohammad Zahir A Baguindali, BFP.

Sa pagtatapos ng pagtitipon, nagpapasalamat si Brgy Captain Fatima Masingan ng Brgy Mantao, Datu Hoffer, MDS, sa publiko na ipagpatuloy ang pakikiisa sa mga programa, lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan upang makamit ang isang maunlad, ligtas, at organisadong barangay.


GreatestHighlights

Address


Telephone

+639052202178

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 90IB, Alpha "Agila" Company posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share