PEPO - Occidental Mindoro

  • Home
  • PEPO - Occidental Mindoro
Directions Contact the organization

PEPO - Occidental Mindoro Our office is mandated to deliver efficient maintenance and optimized utilization of provincial equipment.

We serve as wheels for economic growth and partner in the development of every community.

𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓Sa atas ng ating butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝...
03/09/2026

𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓

Sa atas ng ating butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, patuloy na isinasagawa ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐨𝐨𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐏𝐎), katuwang ang iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, ang clearing operation para sa proposed park site development sa Sitio Bunot, Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro. 🌿

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐!
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐!

𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓Kasama ang iba't ibang departamento ng Pamahalaang Panlal...
26/08/2026

𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐏𝐎𝐒𝐄𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐊 𝐒𝐈𝐓𝐄 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓

Kasama ang iba't ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, sa pamumuno ng butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, bilang pakikiisa at pakikibahagi sa isinasagawang proposed park site development sa Sitio Bunot, Barangay Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, agad na nagpadala ng mga makinarya at nagsagawa ng clearing operation ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐨𝐨𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐏𝐎).

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐

𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐋𝐀𝐂𝐀𝐀𝐊  𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐈𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐑𝐎𝐀𝐃Kaugnay ng nagdaang habagat, isa ang Barang...
20/08/2026

𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐆𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐇𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐋𝐀𝐂𝐀𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐒𝐈𝐑𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐑𝐎𝐀𝐃

Kaugnay ng nagdaang habagat, isa ang Barangay Alacaak sa mga lubhang naapektuhan. Nasira ang Barangay Road na nagsisilbing pangunahing daan na nagkokonekta sa bawat sitio.

Dahil dito, agad na tinugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro, sa pamumuno ng butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨, ang nasabing kahilingan. Sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐨𝐨𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐏𝐎), agad na ipinadala ang mga kinakailangang makinarya upang maisakatuparan ang kahilingan at maisagawa ang pagkukumpuni sa nasirang daan.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐

 #𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐! #𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐!
17/08/2026

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐!
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐!

04/08/2026

Palaging maaasahan ang 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐨𝐨𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐏𝐎) sa paghahatid ng mga medical supplies para sa ating mga pampublikong pagamutan. Ang 𝐏𝐄𝐏𝐎 ay laging handang maglingkod upang matiyak ang maagap na paghahatid ng kinakailangang suporta sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Mindoreño.

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐!
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐!

03/08/2026
03/08/2026
31/07/2026

𝐏𝐆𝐎𝐌, 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐑𝐄𝐒𝐒𝐄𝐃 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐖𝐄𝐄𝐊 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 3, 2026

Muling magpapatupad ng Compressed Workweek ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro (PGOM) para sa mga empleyado at kawani nito simula sa ika-3 ng Agosto (Lunes) ngayong taon, sa Kapitolyo at mga sub-offices nito.

Ang nasabing direktiba ay pinirmahan ni Gobernador Eduardo B. Gadiano alinsunod sa kautusang inilabas ng Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ang Memorandum Circular No. 114, series of 2026, na naglalayong makatipid ang bawat ahensya ng gobyerno sa paggamit ng enerhiyang nagmumula sa petrolyo, bunga ng patuloy na sumisiklab na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Ang hakbanging ito ay ibinase rin ng PGOM sa CSC Resolution No. 2600838, "Amendment to the Policies on Flexible Work Arrangements in the Government." Dahil dito, papasok ang mga kawani ng PGOM sa kanilang mga tanggapan mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali, at muling babalik mula ala-1:00 ng hapon hanggang alas-6:30 ng gabi. Ang araw ng Biyernes ay nakalaan para sa mga gawaing maaaring gampanan sa kani-kanilang mga tahanan.

Hindi saklaw sa Compressed Workweek ang mga tanggapang nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo (basic services), tulad ng:
-Provincial Jail Division under PGOM
-Operations and Warning Division under PDRRMO
-Information and Communication Division under MIS (PPDO)
-Animal Regulatory Services Section under PVET
-Mga empleyadong nakadeploy sa lahat ng Demo Farm under OPA
-Ticket Checkers and Revenue Collection Clerks under PTO
-Provincial/District/Community Hospitals under PHO
-Community Development Assistants under ENRO
-Security Section under GSO
-Utility Workers under GSO
-Residential Care Facilities under PSWDO

Hindi rin saklaw ng nasabing kautusan ang mga tanggapan ng pambansang ahensya na matatagpuan sa loob ng PGOM Compound.

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na magtungo sa mga tanggapan ng PGOM mula Lunes hanggang Huwebes upang maasikaso ang kanilang mga dokumento.

Hinihikayat din ni Gov. Ed Gadiano ang bawat mamamayan at tanggapan na makiisa sa pagtitipid ng enerhiya upang malampasan ang kasalukuyang krisis sa petrolyo.

𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐒𝐎. 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐇𝐔𝐀𝐍, 𝐁𝐑𝐆𝐘 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙Agad n...
31/07/2026

𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐒𝐎. 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐇𝐔𝐀𝐍, 𝐁𝐑𝐆𝐘 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍, 𝐒𝐓𝐀. 𝐂𝐑𝐔𝐙

Agad na tumugon ang pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamumuno ng butihing 𝐆𝐨𝐛𝐞𝐫𝐧𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐄𝐝𝐮𝐚𝐫𝐝𝐨 𝐁. 𝐆𝐚𝐝𝐢𝐚𝐧𝐨 sa kahilingan ng 76th Infantry (Victrix) Battalion na pinangungunahan ni LTC ZACARIAS DEXTER P. FOLLERO na ma-ihatid ang mga materyales na gagamitin para sa Alangan-Mangyan Pabahay Project para sa residente ng So. Kapahuan. Sa pamamagitan ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐄𝐪𝐮𝐢𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐏𝐨𝐨𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐄𝐏𝐎), agad na nagpadala ng mga makinarya para maisakatuparan ang nasabing kahilingan.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

#𝑷𝑬𝑷𝑶𝑳𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈𝑯𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈𝑴𝒂𝒈𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐!
#𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈𝑮𝒂𝒏𝒂𝒅𝒐!

Address

Mamburao, Occidental Mindoro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PEPO - Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PEPO - Occidental Mindoro:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share