Tinig Ng Silangan Party Alliance

Tinig Ng Silangan Party Alliance

Share

Tunay. Palaban. Makabayan. The longest-serving, always pro-student community-based organization in UE Caloocan since 1981.

This is the official page of Tinig Ng Silangan Party Alliance.

25/04/2026

"TINIG KITA" by Lui x NIKKI is now AVAILABLE on digital music platforms! ❤️‍🔥🎧

Listen now on your favorite platforms—Spotify, Apple Music, YouTube Music, SoundCloud, Deezer, Melon, and more! 🎧

Para sa bawat Pulang Mandirigma, kasama ninyo kami. Lagi. Dinig namin kayo, Tinig namin kayo, Klasmeyt! ❤️‍🔥

15/04/2026

Isang taimtim na pagbati para sa mga bagong Engineer ng bayan!

Taos pusong kinikilala ng Tinig ng Silangan ang dakilang tagumpay ni Engr. Justine Nouvelle D.C. Jovellanos sa kaniyang pagpasa sa Civil Engineers Licensure Examination (CELE) nitong ika-7 ng Abril, 2026.

Si Engr. Justine Nouvelle Jovellanos ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Unang nagbigay serbisyo si Jovellanos bilang Treasurer ng Engineering Student Council noong A.Y. 2023-2024, at naging bahagi sa paghubog ng mga lider estudyante.

Aming pinapasalamatan ang iyong kontribusyon bilang isang halimbawa at inspirasyon sa ating susunod na lider estudyante. Nawa’y sa pagpasok ng panibagong kabanata ng iyong buhay ay patuloy parin ang iyong dedikasyon at serbisyo mula sa kabataan patungo sa bayan.

Buong pusong naniniwala ang Tinig ng Silangan sa iyong kinabukasan bilang Inhinyero ng Bayan!


11/04/2026

“Halina’t sindihan ang apoy at tumindig—
hanggang ang tinig ay maging iisa ang himig.”

Ang Tinig Kita ay produkto ng talento, passion, at dedikasyon—mula sa ideya hanggang sa pagbibigay-buhay sa bawat linya. Hinubog ito ng pagsusumikap ng bawat isa sa likod at harap ng kamera.

Kasama sina Luigi Supremo at Nikki Barrientos, sa gabay ng composer at producer na si Buch Dacanay, at sa panulat nina Jim Ruzzle Boado at Gab Abilon, nabuo ang isang awitin na hindi lang naririnig—kundi punong-puno ng istorya at pakiramdam.

✨ Isang pagpupugay sa mga taong nagbigay-buhay sa kantang TINIG KITA!

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗 https://www.facebook.com/reel/955204940530127

📍 Bloom Space by NJ
Reels by Lhaiza Nishikawa

09/04/2026

Lui & NIKKI 'TINIG KITA' (Official Lyric Video)

Panuorin ang “TINIG KITA” Lyric Video version at maramdaman ang bawat himig.

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗https://www.facebook.com/reel/955204940530127

09/04/2026

Sama-samang Paninindigan para sa Araw ng Kagitingan 2026 🇵🇭

Ngayong Abril 9, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kagitingan. Ito ang panahon para muling magkaisa at gamitin ang ating tinig upang ipagmalaki ang ating kasaysayan at ang kalayaang ating ipinaglalaban.

Ang ating pagkakaisa ang magsisilbing lakas para sa mas maliwanag na kinabukasan. Huwag nating hayaang mawala ang ating mga paninindigan; patuloy nating itaguyod ang hustisya at kagitingan para sa lahat.




08/04/2026

"Tinig Kita! May pasya at may saya!"

Tignan natin ang mga ngiti at ang pag-asang sumisiklab sa bawat matang nanood. Higit pa sa isang kanta ang “TINIG KITA” M/V na isang paalala na sa bawat hakbang, hindi ka nag-iisa at boses mo ang simula.

Klasmeyt, Tinig kita. ❤️‍🔥\

🎬 WATCH THE FULL MUSIC VIDEO HERE
🔗https://www.facebook.com/reel/955204940530127

07/04/2026

"Hanggat may estudyanteng hindi pinapakinggan, hanggat may estudyanteng naiiwan, patuloy kong pipiliin na lumaban."

— Keizel Matsubara, CSC President A.Y. 2026 - 2027

Ang ating PRESIDENT na handang makinig, kumilos, at lumaban.

Hindi sapat na may iilang umaangat kung may mga naiiwan pa rin. Sama-sama nating ayusin ang sistema, hindi para sa iilan, kundi para sa bawat estudyante.

Walang estudyanteng maiiwan, walang boses ang mawawala. ❤️‍🔥

07/04/2026

"Sa leadership ko nahanap ang purpose ko sa buhay—ang maglingkod sa estudyante."

Balikan na'tin ang taos-pusong mensahe ni Keizel Matsubara, ang bagong Halal na Pangulo ng Pangkalahatang Konseho at Kinatawan ng Tinig ng Silangan, para sa mga Mandirigma sa naganap na Miting de Avance. Makikita ang tunay niyang puso sa paglilingkod at pakikipaglaban—hindi lamang para sa mga estudyante, kundi para rin sa bayan.

Matagumpay na'ting naipaabot sa mga estudyante ang layuning ito, ang patuloy na maging kaisa at kasama ninyo sa mga laban sa loob at labas ng pamantasan. Tuloy ang laban! ✊🏻❤️‍🔥

Photos from Tinig Ng Silangan Party Alliance's post 07/04/2026

ANG TINIG NG ESTUDYANTE AY DINIG NAMIN ❤️‍🔥

Matapang na’ting hinarap ang nagdaang Miting de Avance—isang pagkakataong lubos naming maipakilala at mapatunayan ang hatid ng Tinig ng Silangan: serbisyong may pagpapasya at may pagpapasaya. Ngunit hindi rito nagtatapos ang aming paglilingkod sa mga estudyante at sa kabuuang komunidad ng UE.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at sa matalinong pagkilala sa mga lider-estudyante. Sama-sama nating pagtibayin at paigtingin ang maka-estudyanteng konseho—isang konsehong dinig kayo, at patuloy na magsisilbing boses ninyo. Tinig namin kayo, Tinig Kita. ✊🏻

Photos from Tinig Ng Silangan Party Alliance's post 06/04/2026

Nagliyab ang Tinig. Nagkaisa sa Pasya at Saya. ❤️‍🔥

Sa huling yugto ng laban, pinatunayan ng Tinig ng Silangan Party Alliance sa Miting de Avance na ang lakas ng Mandirigma ay nagmumula sa sama-samang tinig at pagkilos. Bawat sigaw, bawat hakbang, at bawat paninindigan ay naging patunay ng isang komunidad na handang makinig, kumilos, at magpasya para sa mas makabuluhang bukas.

Ngayon, dala natin ang init ng pagkakaisa at ang saya ng tagumpay—hindi bilang wakas, kundi bilang simula ng mas konkretong aksyon para sa bawat estudyante.

Mula sa tinig ng masa, tungo sa pamumuno—ipagpapatuloy natin ang laban.

Pagpapasya. Pagpapasaya.
TINIG KITA. ✊🏻❤️‍🔥

28/03/2026

TAGUMPAY ANG TINIG NINYO, KLASMEYTS! ❤‍🔥

Tapos na ang bilangan, panahon na ngayon para sa tunay na aksyon.

Isang malaking karangalan para sa ating Presidente na si Keizel Matsubara at ang ating Bise Presidente na si Kohjiroh Iwaki na magkaroon ng pagkakataong mamuno ngayong A.Y. 2026 - 2027.

Ang bawat boto ay hindi lang numero—ito ay simbolo ng tiwala na kaya nilang panghawakan sa buong taon. Asahan niyo ang serbisyong para sa inyo.

Maraming salamat sa pagtitiwala, klasmeyt! ❤‍🔥

27/03/2026

Tumatak. Tumutok. Tumakatak. ❤️‍🔥

Sa bawat sulok ng UE, sabay-sabay na ipinakita ng Tinig ng Silangan Party Alliance ang lakas ng kolektibong pagkilos—sa sigaw na “Tunay, Palaban, Makabayan!”
Hindi lang ito ingay, kundi paninindigan na handang kumilos at lumaban para sa kapwa estudyante.

Sa bawat hakbang, dala ang Pasya at Saya—tinig na buo, malinaw, na para sa mga estusyante, mamamayan, at sa bayan.

Hindi lang ito ikot ng kampanya—ito ang pag-usad ng isang kilusan.

Pagpapasya. Pagpapasaya.
TINIG KITA. ✊🏻❤️‍🔥




Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Caloocan