Laguna Public Information Office

Directions Website Contact the organization

Laguna Public Information Office Welcome to the official page of Laguna Public Information Office.

Follow us for real-time news, announcements, and heartfelt service straight from the heart of the Capitol.

Sa patuloy na pakikiisa ng Kapitolyong Panlalawigan sa pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service...
17/09/2026

Sa patuloy na pakikiisa ng Kapitolyong Panlalawigan sa pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gob. Sol Aragones, ng isang Tree Growing Activity bukas, Setyembre 18, kasama ang lahat ng mga lingkod bayan mula sa Kapitolyong Panlalawigan.



17/09/2026

Sa pagdiriwang ng Youth Week, binuksan ang isang mahalagang pinto para sa kabataan, ang Job Fair na handog ng Gobyernong May Solusyon at ng Youth Development Affairs Office of Laguna na ginanap sa lungsod ng Calamba ngayong Huwebes, Setyembre 17. Kung saan ang mga pangarap ay inilapit sa tunay na oportunidad.

Dahil ang kabataan ay hindi lamang naghihintay ng oportunidadโ€”sila ay binibigyan ng pagkakataong matuto, magsimula, at mangarap nang mas malaki.




๐‹๐€๐†๐”๐๐€ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐–๐„๐„๐Š ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ: ๐‰๐Ž๐ ๐…๐€๐ˆ๐‘ ๐€๐“ ๐๐‘๐„๐†๐๐€๐๐‚๐˜ ๐…๐Ž๐‘๐”๐Œ CALAMBA CITY โ€” Bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Laguna Youth W...
17/09/2026

๐‹๐€๐†๐”๐๐€ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐–๐„๐„๐Š ๐ƒ๐€๐˜ ๐Ÿ: ๐‰๐Ž๐ ๐…๐€๐ˆ๐‘ ๐€๐“ ๐๐‘๐„๐†๐๐€๐๐‚๐˜ ๐…๐Ž๐‘๐”๐Œ

CALAMBA CITY โ€” Bilang pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Laguna Youth Week, muling isinagawa ang Job Fair at Teenage Pregnancy Prevention and Awareness Program Huwebes, Setyembre 17.

Ang Job Fair ay pinangunahan ng Laguna Youth Development Affairs Office at YDAโ€“Calamba, sa pakikipagtulungan sa Provincial Employment Services Office (PESO) at sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ni Gobernador Sol Aragones na ginanap sa City Mall.

Sampung kumpanya ang muling nagbukas ng oportunidad sa mga kabataang Lagunense.

Ilan sa mga nagpasa ng aplikasyon ay agad na natanggap sa trabaho.

Kasabay ng job fair, isinagawa din ang seminar at simposyum ukol sa Teenage Pregnancy Prevention and Awareness Program sa City College of Calamba. Katuwang ang Provincial Population Office.

Pinangunahan ang talakayan nina Paul Adrian Macayanan, Population Program Worker, at Genevieve Casabuena, Assistant Provincial Population Officer at Tagapamahala ng Tanggapan.

Binigyang-diin ni Casabuena ang kahalagahan ng pagtitipon at ang mahalagang ambag ng kabataan sa kinabukasan ng lalawigan.

Ayon kay Gobernador Aragones:

"Dapat nating pahalagahan ang kabataan ng Laguna โ€” sila ang kinabukasan ng ating lalawigan, ang magiging mga pinuno at makabagong bayani na magpapatuloy ng pag-unlad at pagsulong ng ating bayan."

Nagpaabot naman ng pasalamat si Diane Exconde ng YDA kay Gob. Aragones sa suporta at tulong na ibinibigay niya sa aektor ng kabataan:
"Nagpapasalamat po kami โ€” ang YDA at ang kabataan ng Laguna โ€” kay Gob. Sol, dahil pinatutunayan ninyong bahagi at kasama ang kabataan sa bawat hakbang ng pagpapaunlad sa ating lalawigan. Makaaasa po kayo sa aming buong suporta sa lahat ng programang nakabubuti at nakakapagpataas sa antas ng ating lalawigan."

Para sa buong detalye:
https://laguna.gov.ph/news/laguna-youth-week-day-2-job-fair-and-teenage-pregnancy-forum-held-in-calamba



๐—ฃ๐—ช๐—— ๐—œ๐——, ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ปLaguna, Dapat alam mo na ang PWD ID ay hindi lang basta ID, ito ay isang pagkilala s...
17/09/2026

๐—ฃ๐—ช๐—— ๐—œ๐——, ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป

Laguna, Dapat alam mo na ang PWD ID ay hindi lang basta ID, ito ay isang pagkilala sa mga karapatan.

Kaya naman alinsunod sa mga batas na umiiral sa ating bayan, kaakibat ng PWD ID ay pagkakaroon ng iba't ibang pribilehiyo at diskwento.

Alamin ang mga ito sa larawang nasa ilalim:


๐“๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ, ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฌ ๐๐šรฑ๐จ๐ฌ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐šรฑ๐š๐ฆ๐จ๐ฌLOS BAร‘OS, LAGUNA  โ€“  Pormal na n...
17/09/2026

๐“๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ, ๐Š๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š, ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‹๐จ๐ฌ ๐๐šรฑ๐จ๐ฌ ๐ฎ๐ฆ๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐๐š ๐ฌ๐š ๐ฎ๐ง๐š๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐šรฑ๐š๐ฆ๐จ๐ฌ

LOS BAร‘OS, LAGUNA โ€“ Pormal na nagsimula ang pagdiriwang ng ika-25 na Baรฑamos Festival ng Los Baรฑos, ngayong Huwebes, ika-17 ng Setyembre, sa temang "Honoring Heritage, Sustainable Traditions, Rekindling the Los Baรฑos spirit".

Nagkaroon ng isang Misang Pasasalamat sa Parokya ng Immaculada Concepcion na tahanan ng patron ng bayan, ang Nuestra Seรฑora de Las Aguas Santas. Sinundan ang misa ng isang makulay at masayang parada sa palibot ng bayan at dinaluhan ng iba't ibang tanggapan, opisina, kagawaran, at mga grupo at samahan sa bayan.

Pormal ding binuksan ang Trade Fair Booths na laman at bida ang iba't ibang yaman at produkto ng mga barangay ng Los Baรฑos, nagtungo ang kinatawan ni Gob. Sol Aragones na si Public Affairs Chief Luibic Jacob at siya ring nanguna sa ribbon cutting para sa trade fair booths.

Ibinahagi rin ni Jacob ang mensahe ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Gob. Aragones, "Ang ating Lalawigan at puno ng yaman, magagandang tanawin, mga produkto na puno ng pagmamahal, at mga tao na bumubuhay sa Laguna kaya lagi't lagi nating pahahalagahan ang masasaya at makukulay na pagdiriwang, mga pista at festival, at ang mga Lagunense na patuloy na nagpapaunlad sa ating turismo, kasaysayan, at progreso."

Nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Neil Andrew Nocon sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Gob. Aragones sa mga programa at pagdiriwang pati na rin sa kabuuan, ang bayan ng Los Baรฑos.

Para sa buong detalye:
https://laguna.gov.ph/news/tourism-culture-and-history-take-center-stage-on-opening-day-of-los-banos-banamos-festival



17/09/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Youth Week, isinagawa ng Gobyernong May Solusyon at ng Youth Development Affairs Office (YDA) ang makabuluhang Youth Parade at seminar na nakatuon sa Building Values and Leadership na ginanap sa kapitolyo ng Santa Cruz ngayong Huwebes, Setyembre 17.

Mula sa pagkakaisa sa parada hanggang sa paghubog ng karakter at kakayahan sa pamumuno, ipinakita ng kabataan na ang tunay na lakas ng isang komunidad ay nasa kabataang may paninindigan, malasakit, disiplina, at kakayahang manguna.

Dahil ang kabataang may mabuting pagpapahalaga ngayon ay mga lider na may malasakit sa bayan bukas.




๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐๐† ๐‹๐€๐†๐”๐๐€, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐ˆ๐“๐€ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐–๐„๐‘๐’๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐‹๐€๐†๐”๐๐€ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐–๐„๐„๐Š SANTA CRUZ, LAG...
17/09/2026

๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐๐† ๐‹๐€๐†๐”๐๐€, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐ˆ๐“๐€ ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐–๐„๐‘๐’๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐€ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐‹๐€๐†๐”๐๐€ ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐–๐„๐„๐Š

SANTA CRUZ, LAGUNA โ€” Isang parada ang inilunsad ng mga kabataang Lagunense sa ikalawang araw ng Youth Week Huwebes, Setyembre 17 ang ikalawang araw ng pagdiriwang ng Laguna Youth Week.

Ang parada ay nilahukan ng ibaโ€™t ibang samahan ng kabataan mula sa mga komunidad at paaralan sa buong lalawigan.

Ang programa ay pinangunahan ng Laguna Youth Development Affairs Office sa pamumuno ni Diane Exconde, at suportado ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Sol Aragones.

Naghatid din ng kani-kanilang mensahe ng pakikiisa at suporta sina Bokal Bhenj Stephen Felismino, Pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan; Jay Beltran, Direktor ng DILGโ€“Laguna at Amerson Aguinaldo, Pinuno ng NYC CALABARZON.

Ipinagpaalala sa mga dumalo ang halaga at ambag ng kabataan sa paghubog ng maunlad na kinabukasan.

Nagtalumpati sina Aian Perucho, Pambansang Pangulo ng AMBAGANโ€“Pilipinas; Michael Christopher Agustin, Komisyoner ng NYC para sa Luzon; at Bokal Bernadeth Olivares, Kinatawan ng Unang Distrito.

Nakatuon ang kanilang mga talakayan sa temang "Pagpapatibay ng Pagpapahalaga at Pamumuno".

Tinalakay din ang importansiya ng pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa, gayundin ang pagtutulungan upang makamit ang mga mithiin, at pagiging makabagong bayani para sa susunod na henerasyon.

Sa mga naunang pahayag ni Gobernador Aragones, lagi niyang binigyang halaga ang papel ng mga kabataan sa kaunlaran ng bayan.

"Hindi tayo magsasawang tugunan ang mga pangangailangan ng kabataan. Ang lahat ng tulong at programang kaya nating ibigay ay ibibigay โ€” dahil ang kabataang Lagunense ang siyang magpapatuloy ng pag-unlad ng ating lalawigan at ng buong bansa."

Taos-pusong nagpasalamat ang mga dumalong mag-aaral, miyembro ng mga samahan, at mga lider-kabataan sa Laguna YDA Office, sa Pamahalaang Panlalawigan at kay Gobernador Aragones.

"Nagpapasalamat po kami sa YDA, sa Kapitolyo, at kay Gob. Sol โ€” dahil ramdam na ramdam po naming hindi kami iniiwan at kasama kami sa pag-unlad ng lalawigan," ayon kay Exconde.



๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ | September 17, 2026Issued at: 12:20PMInaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa susun...
17/09/2026

๐“๐‡๐”๐๐ƒ๐„๐‘๐’๐“๐Ž๐‘๐Œ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ | September 17, 2026
Issued at: 12:20PM

Inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa susunod na tatlong oras sa mga bayan ng Liliw, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, San Pablo, Santa Cruz, Victoria, Cavinti, Famy, Kalayaan, Lumban, Mabitac, Paete, Pakil, Pangil, Santa Maria, Siniloan, Bay, Calauan, Los Baรฑos, at Alaminos.

Pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga susunod na abiso ng DOST-PAGASA.

Panatilihin ang pag-iingat, mga Lagunense!

๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ: DOST-PAGASA



Mga Lagunense, ating samahan sa  pagdiriwang ng masaya at makulay na Baรฑamos Festival ang bayan ng Los Baรฑos mula Setyem...
17/09/2026

Mga Lagunense, ating samahan sa pagdiriwang ng masaya at makulay na Baรฑamos Festival ang bayan ng Los Baรฑos mula Setyembre 17 hanggang Setyembre 19.
Ipagdiwang natin ang kasaysayan, kaunlaran, turismo, at progreso ng bayan. Mula sa ganda ng Makiling, sa pantubay ng Birhen ng Aguas Santas, at daloy ng mga hotsprings, halina't magdiwang ng lubos, tara na sa Baรฑamos!



Address

Santa Cruz

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laguna Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Laguna Public Information Office:

Shortcuts

Share