21/09/2026
Sa ginanap na budget hearing ng DOST kahapon, ginawa nating gabay ang panawagan ni Secretary Renato Solidum: “Dapat ramdam ang agham.”
Hindi lamang sa dami ng research, patents, inventions, o innovations nasusukat ang tagumpay ng agham at teknolohiya. Dapat maramdaman ito sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Pilipino—sa palengke, paaralan, trabaho, kabuhayan, at tahanan.
𝗦𝗮 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝗴𝗵𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝘁𝗲𝗸𝗻𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮, 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘀𝘁𝘂𝘀𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. Ito ang isa sa mga konkretong pakinabang na dapat maihatid ng panukalang P30.87-bilyong budget ng DOST para sa 2027.
Sa pamamagitan ng pagpapataas ng ani ng mga magsasaka at mangingisda, pagpapahaba ng shelf life ng pagkain, at pagbawas sa mga nasasayang na produkto, maaari nating mapababa ang gastos mula produksyon hanggang distribusyon. Sa tulong din ng teknolohiya, maaaring mapababa ang gastos sa enerhiya at transportasyon upang mas maging abot-kaya ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing bilihin at serbisyo.
Makatutulong din ang teknolohiya sa maliliit na negosyo upang makagawa ng de-kalidad ngunit mas abot-kayang mga produkto at mapalago ang kanilang kabuhayan.
Hindi lang sa pagpapababa ng presyo mahalaga ang agham at teknolohiya. Malaki rin ang papel ng DOST sa pagprotekta sa ating mga komunidad laban sa baha, bagyo, matinding init, lindol, pagguho ng lupa, at iba pang sakuna. Sa mas accurate na weather forecasts, hazard maps, early warning systems, flood monitoring, at climate-resilient technologies, mas maaga tayong makapaghahanda at mas maraming buhay at kabuhayan ang mapoprotektahan.
𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗽𝗶𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝗴𝗵𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝘁𝗲𝗸𝗻𝗼𝗹𝗼𝗵𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗮𝗯𝗼𝘁-𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼, 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼. ❤️🔥🇵🇭
𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗘: https://senate.gov.ph/media/news-release/bam-aquino-to-dost-use-budget-to-make-basic-goods-and-services-more-affordable-2